Ipinakikilala ang Mga Kuwento sa Bersikulo ng Araw

Icon ng Mga Kuwento sa Bersikulo ng Araw sa harap ng paglubog ng araw sa bundok

Marahil ay nakita mo na ang Bersikulo ng Araw sa iyong YouVersion Home feed. Marahil nabasa mo na ito at ninais mong maging mas malalim pa.

Ngayon, gamit ang Mga Kuwento sa Bersikulo ng Araw, magagawa mo na ito.

Tumigil, magdasal, at alamin ang tungkol sa pang-araw-araw na Bersikulo ng Araw sa pamamagitan ng isang maayos at ginabayang karanasan—ngayon sa iyong Home feed.

Pagnilay-nilayan ang mga tanong na idinisenyo upang tulungan kang mag-isip nang praktikal tungkol sa Banal na Kasulatan. Magkaroon ng isang na tapat na pakikipag-usap sa Diyos sa pamamagitan ng pang-araw-araw na panalangin, na pwedeng i-save sa iyong Listahan ng Panalangin. Magtapos sa pamamagitan ng pag-save at pagbabahagi ng Larawan ng Bersikulo ng Araw, na nagbibigay ng inspirasyon sa mga pinakamalalapit sa iyo.

Subukan Ngayon

FacebookIbahagi sa Facebook

TwitterIbahagi sa Twitter

EmailIbahagi sa pamamagitan ng Email

Isang Panalangin para sa Ukraine

Taong nananalangin

Habang pinanonood ng mundo ang mga kaganapang nangyayari sa Ukraine, gusto nating ipaalala sa pandaigdigang Komunidad ang kapangyarihang taglay nila—ang kapangyarihan ng panalangin.

Ang panalangin ay nagdadala ng pag-asa.

Ang panalangin ay nagdudulot ng pagkakaisa.

Ang panalangin ay nagpapalakas.

Magsama-sama tayo at hilingin sa Diyos na aliwin, ingatan at maglaan para sa bansang Ukraine.


O Diyos,

Kailangan Ka namin—palaging kailangan namin.

Ikaw ang pinagmumulan ng aming kalakasan, at Inyong sinasabi sa amin na ibigay sa Inyo ang aming mga alalahanin.

Magdala ng proteksyon at pagpapagaling sa mga tao ng Ukraine. Ipakita sa kanila na Ikaw ay kasama nila, at na dinirinig Mo ang kanilang mga panalangin.

Mangyaring palakasin ang sinumang nasasaktan, nag-iisa, o nawasak. Palitan ang anumang damdamin ng pagkabalisa, takot, at kawalan ng katiyakan ng Iyong kapayapaan at pag-asa.

Lumapit Kayo sa amin habang kami ay lumalapit sa Inyo.

Sa ngalan ni Jesus,

Amen.


Isama ito sa iyong Listahan ng Panalangin para patuloy mong maipanalangin.

I-save ang Panalangin

Kinikilala namin na ang panahong ito ay lumikha ng mga damdamin ng kaguluhan at kawalan ng katiyakan sa buong mundo.

Nasaan ka man, tandaan na nangako ang Diyos na hinding-hindi iiwan o pababayaan man ang mga lumalapit sa Kanya. Ang Kanyang mga anak ay hindi kailanman nag-iisa. Hindi ka nag-iisa. At ang iyong kinabukasan ay ligtas sa Kanyang mga kamay.

Paano ka naghahanda para sa Pasko ng Pagkabuhay?

Pagsikat ng araw sa bundok

Ikaw ay inaanyayahan

Kapag iniisip mo ang Kuwaresma, anong mga salita ang sumasagi sa iyong isip? Disiplina sa sarili? Sakripisyo? Tungkulin?

Magsisimula ngayon ang Kuwaresma, at ito ay isang 40-araw na panahon ng pagbibigay-puwang para sa Diyos patungo sa Pasko ng Pagkabuhay. Taun-taon, milyun-milyong mga Cristiano ang pinipiling isuko ang mga bagay-bagay para unahin si Jesus.

Ang Kuwaresma ay maaaring tila isang obligasyon, ngunit sa katunayan ito ay isang imbitasyon. Ito ay tungkol sa pagkakait sa ating sarili upang matuto tayong lumakad sa hindi pinilit na ritmo ng biyaya ng Diyos.

Sa pagitan ng ngayon at Linggo ng Pasko ng Pagkabuhay, lumikha ng puwang para sa kung ano ang pinakamahalaga. Gumugol ng ilang minuto bawat araw kasama ang Diyos. At, malaman na milyun-milyong tao ang skasama mo, na inuuna si Jesus.

Pumili ng Gabay sa Kuwaresma:

Higit pang Gabay sa Kuwaresma

FacebookIbahagi sa Facebook

TwitterIbahagi sa Twitter

EmailIbahagi sa pamamagitan ng Email

Isang Panalangin para sa Pag-ibig

Taong nananalangin

O Diyos,

Ipaalala Ninyo sa akin na ang pag-ibig ay laging abot-kamay, dahil hindi Kayo malayo kailanman.

Kapag naramdaman kong hindi ako karapat-dapat sa pag-ibig, ipaalala Ninyo sa akin na ginawa Ninyo akong karapat-dapat. At kapag naramdaman kong hindi ko kayang magpakita ng pagmamahal, tulungan Ninyo akong maalala kung ano ang Inyong isinakripisyo para sa akin.

Ipaalala Ninyo sa akin kung gaano akong minamahal upang maipaalala ko sa iba kung gaano sila minamahal.

Sa ngalan ni Jesus,

Amen.

Idagdag sa Listahan ng Panalangin

9 na Paraan ng Pagtugon sa Pag-ibig ng Diyos

Grapiko ng puso

Madaling makaramdam na iniimpluwensyahan ka ng mga impormasyon tungkol sa kung ano ang ibig sabihin ng pagmamahal at mahalin, na may payo sa lahat ng bagay mula sa pag-aalaga sa sarili hanggang sa pagliligtas sa ating mga pagsasama.

Ang mga mensaheng ito ay may posibilidad na tumuon sa paglilingkod sa sarili, may kondisyong pag-ibig—pag-ibig na maaaring magresulta sa pagkabigo o pagkalito.

Dapat nating paalalahanan ang ating mga sarili na ang dibuho para sa tunay na pag-ibig ay hindi matatagpuan sa pamantayan ng kultura, ito ay ibinigay sa atin ng isang Diyos na kumakatawan sa mismong konsepto nito.

Mayroon pa.

Ang pag-ibig ng Diyos ay iba sa anumang uri ng pag-ibig. Sa katunayan, sinasabi ng Biblia na ang Diyos ay pag-ibig.

Ipinadala ng Diyos ang Kanyang bugtong na Anak upang mamatay para sa mga kasalanan ng bawat tao. Mayroon lamang isang dahilan para maranasan ng Diyos ang ganitong uri ng dalamhati: Ang Kanyang pag-ibig sa atin.

Hindi tayo kailangan ng Diyos, ngunit gusto Niya tayo. Nakipaglaban Siya upang bigyan ang pinakamalayong puso ng isang regalo na hindi natin kayang pagsumikapan o maging marapat para dito: ang buhay na walang hanggan. Ang pag-ibig ng Diyos ay walang pasubali, sobra-sobra, at walang hanggan. At, ito ay para sa lahat.

Mahalin ang Diyos.

Maaaring mahirap mahalin ang iba (at ang ating sarili) kung hindi muna natin mamahalin ang Diyos.

Ang patuloy na paghahanap sa Diyos ay isa sa mga pinakamahusay na paraan upang malaman ang tungkol sa Kanyang perpektong pag-ibig, at upang ipakita naman sa Kanya ang debosyon at paggalang.

Ang pagmamahal sa Diyos ay maaaring ganito:

  1. Pagkilala sa Kanya sa pamamagitan ng pagbabasa ng Biblia
  2. Pagbibigay-galang sa Diyos sa pagsamba
  3. Pakikipag-usap sa Diyos sa pamamagitan ng panalangin

Mahalin ang iyong sarili.

Bagama’t palaging may mga bahagi ng buhay kung saan kailangan mong lumago, ang pagpapahintulot sa pag-ibig ng Diyos na baguhin ang paraan ng pagtingin mo sa iyong sarili ay mahalaga.

Ang Diyos ay binili tayo sa isang halaga at tinatawag tayong sa Kanya. Binibigyan Niya tayo ng hinaharap na puno ng pag-asa, upang tuparin ang mabubuting gawa na nilikha Niya para gawin natin.

Kapag pinili nating irespeto at pahalagahan ang ating sarili, pinipili nating parangalan ang Diyos.

3 paraan upang maisagawa ang pagmamahal sa sarili:

  1. Lumikha ng mga kagawian na mangangalaga sa iyong isip, katawan, at espiritu.
  2. Hilingin sa Diyos na ipakita sa iyo kung paano ka Niya nakikita.
  3. Maglaan ng oras upang magpahinga sa presensya ng Diyos.

Mahalin ang iyong kapwa.

Kapag nakita mo ang iyong sarili kung paano ka nakikita ng Diyos, maaari mong mahalin ang iba kung paano ka minamahal ng Diyos.

Inilaan ng Diyos ang mabubuting relasyon upang maging mahabagin, mapagsakripisyo, at mapagpatawad. Nais ng Diyos na mahalin natin ang isa’t isa tulad ng pagmamahal Niya sa atin.

3 paraan para mahalin ang iba:

  1. Ipanalangin ang mga tao sa iyong buhay.
  2. Paglingkuran ang isang tao gamit ang iyong oras, talento, o pananalapi.
  3. Dagliang makinig, at magpatawad.

Tuklasin

Icon ng Hanapin Pag-ibig

Gusto mo ng higit pang mga paraan upang malaman ang tungkol sa pag-ibig ng Diyos, at kung paano ito naipapakita sa pamamagitan ng pagmamahal sa iyong kapwa gaya ng iyong sarili?

Binibigyan ka ng Tuklasin ng kumpletong nilalaman na inaalok ng YouVersion. Hanapin lang ang “pag-ibig”, at tutulungan ka naming tuklasin ang mga talata sa Biblia, Mga Gabay, at higit pa.

Maghanap ng Pag-ibig

FacebookIbahagi sa Facebook

TwitterIbahagi sa Twitter

EmailIbahagi sa pamamagitan ng Email