Natutunang umiibig ng mga bata sa Salita ng Diyos…

Natutunang umiibig ng mga bata sa Salita ng Diyos…

Nang pumunta si Joshua sa isang programa ng Biblia para sa mga bata, natuklasan niya ang Pambatang Bible App. Doon nagsimulang magbago ang lahat.

Ipinanganak na bulag, natutunan niyang maaari niyang pakinggan ang Salita ng Diyos, at mabilis niyang natutunang umibig sa Biblia.

Nang makita ang nakapagbabagong kagalakan sa kanyang anak, pumunta ang kanyang ama sa simbahan at inialay ang kanyang buhay kay Cristo nang mismong araw na iyon. Hindi nagtagal, tinanggap ng buong pamilya nila si Jesus.

Ngayon, si Joshua at ang kanyang mga magulang ay naglilingkod sa kanilang lokal na simbahan, araw-araw na magkakasamang nagbabasa ng Biblia, at masayang ibinabahagi sa iba ang Pambatang Bible App.

Gusto mo bang ang mga batang kasama mo sa buhay ay matutunang umibig sa Salita ng Diyos? Para sa Pandaigdigang Buwan ng Biblia, tingnan ang Pambatang Bible App, at ipakilala sa mga bata ang Kasulatan sa pamamagitan ng mga interaktibong kuwento sa Biblia. ⬇️

Buksan ang Pambatang Bible App

Share this post:

Ang Biblia ay para sa Lahat.

Apat na tao sa iba't ibang lugar sa buong mundo na nagbabasa ng Bible App sa kanilang mga telepono.

Tinutulungan kami ng aming mga Katuwang sa Paglathala ng Biblia na maabot ang mga tao sa buong mundo sa pamamagitan ng Salita ng Diyos.

Nakikipagtulungan ang YouVersion sa mga mapagbigay na Tagapaglathala ng Biblia na nagbibigay ng kanilang mga teksto nang libre sa Bible App. Mayroong mahigit 2,400 wika at 3,800 salin ng Biblia sa app—at ang bawat isa ay kumakatawan sa di-mabilang na mga taong masipag na naghahatid ng Salita ng Diyos sa mas maraming tao. Ganito ito gumagana…

Isinasalin ng mga Bible Society ang Kasulatan.

Ang mga tagapaglathalang ito ay gumugugol ng mga taon sa pagsasalin ng Biblia sa mga bagong wika upang maihatid ang Salita ng Diyos saanman.

Tumatanggap ang YouVersion ng mga tekstong ito ng Biblia nang libre.

Ibinabahagi sa amin ng aming mga Ka-partner sa Biblia ang kanilang mga bersyon nang walang bayad, upang ang sinuman ay magkaroon ng access sa Biblia.

Sama-sama, maaabot natin ang mundo.

Kapag may ibinahaging bagong bersyon sa amin ang isang Ka-partner sa Biblia, makukuha na ito ng aming pandaigdigang komunidad sa loob ng ilang minuto.

Kapag ang lahat, saanman, ay makakaugnay sa Diyos sa pamamagitan ng Kanyang Salita araw-araw, magbabago ang buhay ng bawat tao. At ang mga buhay na nabago ay nakakapagpabago sa mundo.

Ngayon, habang binabasa mo ang iyong Biblia, isipin mo ang isang taong kailangang maranasan ang kapangyarihan ng Banal na Kasulatan na nakakapagpabago ng buhay. Pagkatapos, ibahagi mo sa kanila ang Bible App!

Ibahagi ang Bible App

Gusto mo bang makiugnay sa mga taong nasa likod ng mga Bersyon ng Bibliya? Makipag-ugnayan at sundan ang mga Tagapaglathala ng Bibliya sa Bible App ngayon.

Share this post:

Nakakarating ang katotohanan sa mga lugar na hindi inaasahan.

Binabasahan ni George ng Banal na Kasulatan ang mga bata

Sa mahigit 700,000 katao, ang Kibera sa Kenya ay isa sa pinakamalaking lugar ng mahihirap sa buong mundo.

Ang buhay dito ay tila imposible. Araw-araw ay may mga pagsubok—ang pagkasyahin ang kinikita, ang pag-aaruga sa pamilya, at ang pagpapatuloy sa buhay. Marami ang walang nakikitang paraan para makaalis dito.

Nakakarating ang katotohanan sa mga lugar na hindi inaasahan.

“Nananabik ang mga tao para sa pag-asa. Kailangan nila ang Salita ng Diyos, ngunit wala silang sinumang makapagsasabi nito sa kanila. Kaya naman pinili kong manatili rito.”

George, Kenya

Nagbukas si George ng isang paaralan sa Kibera para matulungan ang mga bata na makapag-aral. At nakahanap siya ng paraan para bigyan sila ng iba pang bagay—ang matunghayan ang Salita ng Diyos sa pamamagitan ng Bible App Lite.

Ang offline app na ito ay ginawa para sa mga lugar tulad ng Kibera, para makakuha at makapag-aral ang mga tao ng Biblia saanman, anumang oras.

Nakakarating ang katotohanan sa mga lugar na hindi inaasahan.

Ngayon, ibinabahagi ni George ang Bible App Lite sa lahat ng nakapaligid sa kanya, at binabago nito ang kanyang buong komunidad!

“Ibinabahagi ko ang Biblia sa lahat ng kilala ko. Ngayon ay lumalaganap na ito sa lahat ng dako. Nagbabago ang komunidad dahil sa Salita ng Diyos.”

Nakakarating ang Salita ng Diyos sa bawat bansa, bawat tribo, at bawat tao. Habang ipinagdiriwang mo ang mga ginagawa ng Diyos sa buong mundo, pagnilayan ang Pahayag 7.

Basahin ang Pahayag 7

Share this post:

Mababago ng Salita ng Diyos ang inyong komunidad.

Binabasahan ni George ng banal na kasulatan ang mga bata

Sa Kenya, ang Kibera ay isa sa pinakamalaking lugar ng mahihirap sa mundo. Ang buhay ay maaaring parang imposible. Bawat araw ay isang hamon, at marami ang hindi nakakakita ng paraan upang makaalpas dito.

Mababago ng Salita ng Diyos ang inyong komunidad.

“Nananabik ang mga tao para sa pag-asa. Kailangan nila ang Salita ng Diyos, ngunit wala silang sinumang makapagsasabi nito sa kanila. Kaya naman pinili kong manatili rito.”

George, Kenya

Nagbukas si George ng isang paaralan sa Kibera para matulungan ang mga bata na makapag-aral. At nakahanap siya ng paraan para bigyan sila ng iba pang bagay—ang matunghayan ang Salita ng Diyos sa pamamagitan ng Bible App Lite.

Ginawa ang app na ito para sa mga lugar na tulad ng Kibera, upang ang mga tao ay makapagbukas at makapagbulay-bulay ng Biblia nang offline.

Mababago ng Salita ng Diyos ang inyong komunidad.

Ngayon, ibinabahagi ni George ang Bible App Lite sa lahat ng nakapaligid sa kanya, at binabago nito ang kanyang buong komunidad!

“Ibinabahagi ko ang Biblia sa lahat ng kilala ko. Ngayon ay lumalaganap na ito sa lahat ng dako. Nagbabago ang komunidad dahil sa Salita ng Diyos.”

Makipag-ugnayan sa Salita ng Diyos nang offline, kahit saan, kahit kailan gamit ang Bible App Lite.

Maranasan ang Bible App Lite

Share this post:

Nasa Lahat ng Dako ang Biblia

Nasa Lahat ng Dako ang Biblia

Times Square. Piccadilly Circus. Osaka.

Ngayong buwan, ipinagdiriwang natin ang Salita ng Diyos sa isang kapana-panabik na paraan! Narito ang ilang lugar kung saan ipinagdiriwang ang Biblia ngayon…

Nasa Lahat ng Dako ang Biblia
Nasa Lahat ng Dako ang Biblia
Nasa Lahat ng Dako ang Biblia

Ang pagtatampok sa Biblia sa mga ikonikong lugar na ito ay isang makapangyarihang pagkakataon upang hikayatin ang mga tao na manumbalik sa Salita ng Diyos o tuklasin ito sa unang pagkakataon.

Nagaganap ang pagdiriwang na ito sa buong mundo, at maaari kang maging bahagi nito.

Sa tuwing bubuksan mo ang Biblia, inaanyayahan mo ang katotohanan ng Salita ng Diyos na baguhin ka.

Buksan ang App

Share this post: