Babala sa nilalaman: ang kuwentong ito ay naglalaman ng mga tema ng pananakit sa sarili at depresyon na maaaring makaapekto sa ilang mambabasa.

Noong labing-anim na taong gulang si Alice, nadama niyang nakakulong siya sa sakit at pangungulila, lubos na nabibigatan sa depresyon at pag-iisa.
Habang lumalakas ang pakiramdam ng kawalan ng pag-asa, isang gabi ay nagpasya siyang kitlin ang sarili niyang buhay. At doon nangyari ang hindi maipaliwanag.
Habang nasa gilid siya ng kanyang mataas na apartment, isang biglaang bugso ng hangin ang nagtulak sa kanya paatras papasok sa kanyang silid sa halip na pasulong.
Habang nakahiga sa sahig, tulala at umiiyak, nakatanggap si Alice ng mensahe mula sa kanyang kapitbahay na nag-aanyaya sa kanya sa simbahan. Pumayag siyang sumama, at doon niya unang natuklasan ang Bible App.

Sinimulan niya ang isang Gabay sa Biblia at sa pamamagitan nito, naranasan niya ang pag-asa at inialay niya ang kanyang buhay kay Jesus.
Ngayon, si Alice ay gumagawa at naglalathala ng mga Gabay sa Biblia bilang isang YouVersion Partner sa pamamagitan ng mismong app na nagpakilala sa kanya kay Jesus. Hindi lang siya puno ng pag-asa — ipinapalaganap niya ito.
May kakilala ka bang labis na nangangailangan sa Diyos? Ipakilala sa kanila ang Bible App, at hilingin sa Kanya na punuin sila ng pag-asa.
Ang post na ito ay makikita rin sa:
