Nang pumunta si Joshua sa isang programa ng Biblia para sa mga bata, natuklasan niya ang Pambatang Bible App. Doon nagsimulang magbago ang lahat.
Ipinanganak na bulag, natutunan niyang maaari niyang pakinggan ang Salita ng Diyos, at mabilis niyang natutunang umibig sa Biblia.
Nang makita ang nakapagbabagong kagalakan sa kanyang anak, pumunta ang kanyang ama sa simbahan at inialay ang kanyang buhay kay Cristo nang mismong araw na iyon. Hindi nagtagal, tinanggap ng buong pamilya nila si Jesus.
Ngayon, si Joshua at ang kanyang mga magulang ay naglilingkod sa kanilang lokal na simbahan, araw-araw na magkakasamang nagbabasa ng Biblia, at masayang ibinabahagi sa iba ang Pambatang Bible App.
Gusto mo bang ang mga batang kasama mo sa buhay ay matutunang umibig sa Salita ng Diyos? Para sa Pandaigdigang Buwan ng Biblia, tingnan ang Pambatang Bible App, at ipakilala sa mga bata ang Kasulatan sa pamamagitan ng mga interaktibong kuwento sa Biblia. ⬇️
Buksan ang Pambatang Bible App
Ang post na ito ay makikita rin sa:

