Ang Biblia ay para sa Lahat.

Apat na tao sa iba't ibang lugar sa buong mundo na nagbabasa ng Bible App sa kanilang mga telepono.

Tinutulungan kami ng aming mga Katuwang sa Paglathala ng Biblia na maabot ang mga tao sa buong mundo sa pamamagitan ng Salita ng Diyos.

Nakikipagtulungan ang YouVersion sa mga mapagbigay na Tagapaglathala ng Biblia na nagbibigay ng kanilang mga teksto nang libre sa Bible App. Mayroong mahigit 2,400 wika at 3,800 salin ng Biblia sa app—at ang bawat isa ay kumakatawan sa di-mabilang na mga taong masipag na naghahatid ng Salita ng Diyos sa mas maraming tao. Ganito ito gumagana…

Isinasalin ng mga Bible Society ang Kasulatan.

Ang mga tagapaglathalang ito ay gumugugol ng mga taon sa pagsasalin ng Biblia sa mga bagong wika upang maihatid ang Salita ng Diyos saanman.

Tumatanggap ang YouVersion ng mga tekstong ito ng Biblia nang libre.

Ibinabahagi sa amin ng aming mga Ka-partner sa Biblia ang kanilang mga bersyon nang walang bayad, upang ang sinuman ay magkaroon ng access sa Biblia.

Sama-sama, maaabot natin ang mundo.

Kapag may ibinahaging bagong bersyon sa amin ang isang Ka-partner sa Biblia, makukuha na ito ng aming pandaigdigang komunidad sa loob ng ilang minuto.

Kapag ang lahat, saanman, ay makakaugnay sa Diyos sa pamamagitan ng Kanyang Salita araw-araw, magbabago ang buhay ng bawat tao. At ang mga buhay na nabago ay nakakapagpabago sa mundo.

Ngayon, habang binabasa mo ang iyong Biblia, isipin mo ang isang taong kailangang maranasan ang kapangyarihan ng Banal na Kasulatan na nakakapagpabago ng buhay. Pagkatapos, ibahagi mo sa kanila ang Bible App!

Ibahagi ang Bible App

Gusto mo bang makiugnay sa mga taong nasa likod ng mga Bersyon ng Bibliya? Makipag-ugnayan at sundan ang mga Tagapaglathala ng Bibliya sa Bible App ngayon.

Share this post:

Ang post na ito ay makikita rin sa: Ingles Afrikaans Indonesian Aleman Espanyol Pranses Italyano Dutch Portuguese Romanian Russian Hapon Chinese (Simplified) Chinese (Traditional) Korean Arabo Polish Thai Turkish Ukrainian Vietnamese