Sa mahigit 700,000 katao, ang Kibera sa Kenya ay isa sa pinakamalaking lugar ng mahihirap sa buong mundo.
Ang buhay dito ay tila imposible. Araw-araw ay may mga pagsubok—ang pagkasyahin ang kinikita, ang pag-aaruga sa pamilya, at ang pagpapatuloy sa buhay. Marami ang walang nakikitang paraan para makaalis dito.
“Nananabik ang mga tao para sa pag-asa. Kailangan nila ang Salita ng Diyos, ngunit wala silang sinumang makapagsasabi nito sa kanila. Kaya naman pinili kong manatili rito.”
George, Kenya
Nagbukas si George ng isang paaralan sa Kibera para matulungan ang mga bata na makapag-aral. At nakahanap siya ng paraan para bigyan sila ng iba pang bagay—ang matunghayan ang Salita ng Diyos sa pamamagitan ng Bible App Lite.
Ang offline app na ito ay ginawa para sa mga lugar tulad ng Kibera, para makakuha at makapag-aral ang mga tao ng Biblia saanman, anumang oras.
Ngayon, ibinabahagi ni George ang Bible App Lite sa lahat ng nakapaligid sa kanya, at binabago nito ang kanyang buong komunidad!
“Ibinabahagi ko ang Biblia sa lahat ng kilala ko. Ngayon ay lumalaganap na ito sa lahat ng dako. Nagbabago ang komunidad dahil sa Salita ng Diyos.”
Nakakarating ang Salita ng Diyos sa bawat bansa, bawat tribo, at bawat tao. Habang ipinagdiriwang mo ang mga ginagawa ng Diyos sa buong mundo, pagnilayan ang Pahayag 7.
Ang post na ito ay makikita rin sa:



