Mababago ng Salita ng Diyos ang inyong komunidad.

Binabasahan ni George ng banal na kasulatan ang mga bata

Sa Kenya, ang Kibera ay isa sa pinakamalaking lugar ng mahihirap sa mundo. Ang buhay ay maaaring parang imposible. Bawat araw ay isang hamon, at marami ang hindi nakakakita ng paraan upang makaalpas dito.

Mababago ng Salita ng Diyos ang inyong komunidad.

“Nananabik ang mga tao para sa pag-asa. Kailangan nila ang Salita ng Diyos, ngunit wala silang sinumang makapagsasabi nito sa kanila. Kaya naman pinili kong manatili rito.”

George, Kenya

Nagbukas si George ng isang paaralan sa Kibera para matulungan ang mga bata na makapag-aral. At nakahanap siya ng paraan para bigyan sila ng iba pang bagay—ang matunghayan ang Salita ng Diyos sa pamamagitan ng Bible App Lite.

Ginawa ang app na ito para sa mga lugar na tulad ng Kibera, upang ang mga tao ay makapagbukas at makapagbulay-bulay ng Biblia nang offline.

Mababago ng Salita ng Diyos ang inyong komunidad.

Ngayon, ibinabahagi ni George ang Bible App Lite sa lahat ng nakapaligid sa kanya, at binabago nito ang kanyang buong komunidad!

“Ibinabahagi ko ang Biblia sa lahat ng kilala ko. Ngayon ay lumalaganap na ito sa lahat ng dako. Nagbabago ang komunidad dahil sa Salita ng Diyos.”

Makipag-ugnayan sa Salita ng Diyos nang offline, kahit saan, kahit kailan gamit ang Bible App Lite.

Maranasan ang Bible App Lite

Share this post:

Ang post na ito ay makikita rin sa: Ingles Afrikaans Indonesian Pranses Italyano Dutch Portuguese Romanian Russian Hapon Chinese (Simplified) Chinese (Traditional) Korean Arabo Wikang Belarusian Bengali Bulgarian Danish finnish Griyego Hebreo Hindi Hungarian Malay Monggolyan Nepali Norwegian Farsi Polish Portuguese (Portugal) Eslobako Swahili Suweko Tamil Telugu Thai Turkish Ukrainian Urdu Vietnamese Zulu Tseko Khmer Malayalam Myanmar Burmese (Unicode) Lithuanian Macedonian Myanmar Burmese (Zawgyi) Serbiano Armenian Icelandic Croatian Albanian Welsh Catalan Latvian Haitian Creole Shona Sorani Kurdish Xhosa Yoruba