Paano sumulong sa 2021

Babaeng nasa telepono

Lahat tayo’y may mga natutunang pag-uugali na bumubuo sa ating pang-araw-araw na gawain. Ngunit ano ang mangyayari kung ang ating pang-araw-araw na gawain ay biglang mabago? Matapos maranasan ang isang taon nang walang katiyakan, paano tayo magsisimulang sumulong?

Ang simula ng 2021 ang tamang panahon upang baguhin ang ating isipan, suriing mabuti ang ating mga nakagawian, at ihanda ang ating mga puso para sa susunod na gagawin ng Diyos.

Narito ang 5 mga paraan upang magawa iyon:

  1. Maglaan ng oras para sa Diyos araw-araw.
  2. Kapag hinanap ninyo ako, ako’y inyong matatagpuan; kung buong puso ninyo akong hahanapin.

    JEREMIAS 29:13

    Simulang itaguyod na muli ang magagandang kaugalian kung saan ang paglalaan ng oras para sa Diyos ang una mong prayoridad. Kapag inuuna mo ang oras para sa Kanya, pinapayagan mo Siyang baguhin ang iyong isip at baguhin ang paraan ng pag-iisip mo.

    Tanungin ang iyong sarili: Kailan pinakamadali at pinakamahirap para sa aking makipag-ugnayan sa Diyos sa loob ng isang araw?

  1. Ituon ang iyong paningin kay Jesus
  2. Buong tiyaga tayong tumakbo sa paligsahang ating sinalihan. Ituon natin ang ating paningin kay Jesus na siyang pinagmumulan at kabuuan ng ating pananampalataya.

    MGA HEBREO 12: 1-2

    Ang pagpapanatili kay Jesus sa sentro ng iyong buhay ay makakatulong upang maisantabi mo ang anumang bagay na madaling makabitag sa iyo, at sa paglaon, mababago ng kasanayang ito ang pamumuhay mo.

    Kaya ngayon, maglaan ng sandali upang pag-isipan kung ano ang maaaring nakakapigil sa iyo upang ituon ang buong pansin mo kay Jesus. Subukang lumikha ng isang Panalangin sa iyong Bible App at ilista ang mga nakakaabala sa iyo na nais mong isuko. Pagkatapos, gumawa ng isang paalala sa Panalangin upang matulungan kang maibigay ang mga nakakaabalang ito kay Jesus araw-araw.

    Tanungin ang iyong sarili: Anong mga hangarin ang nakakapigil sa akin upang gawin kong pinakasentro ng aking buhay si Jesus?

  1. Alalahanin kung Kanino ka
  2. Hindi na ninyo pag-aari ang inyong katawan, sapagkat binili niya kayo sa isang halaga. Kaya’t gamitin ninyo ang inyong katawan upang maparangalan ang Diyos.

    1 MGA TAGA-CORINTO 6:19-20

    Lahat ng iyong isinakripisyo nitong nakaraang taon ay hindi kailanman maihahambing sa sukdulang sakripisyo na ginawa ng Diyos para sa iyo. Kaya’t kapag nagsisimula kang panghinaan ng loob, tandaan na ang Diyos ay walang hanggang pinamuhunanan ang iyong buhay. Ang iyong kinabukasan ay nasa kamay ng Nag-iisang nagmamahal sa iyo, at nais Niyang marating mo kung anong pagkakalikha Niya sa iyo.

    Tanungin ang iyong sarili: Anong mga ugali ang makakatulong upang lalo kong maluwalhati ang Diyos?

  1. Magsimula sa Maliit
  2. Ang mapagkakatiwalaan sa maliit na bagay ay mapagkakatiwalaan din sa malaking bagay; ang mandaraya sa maliit na bagay ay mandaraya rin sa malaking bagay.

    LUCAS 16:10

    Ang paglago ay nangangailangan ng oras, kaya pumili lamang ng isang maliit na bagay na nais mong baguhin, at magsimula doon. Ang patuloy na paggawa ng isang bagay nang maayos ay magpapadali upang makasanayan ang iba pang mga gawi sa paglaon. At kung napalampas mo ang isang araw (o lima), bigyan ang iyong sarili ng biyaya. Ang pagsisimula ng maliit ay ginagawang mas madali upang makabawi at magpatuloy.

    Tanungin ang iyong sarili: Ano ang isang bagay na maaari kong sanayin sa sarili ko?

  1. Anyayahan ang iba na sumali sa iyo
  2. Ang bakal ay nagpapatalas sa bakal; at ang tao ang nagpapatalas sa isa pang tao.

    MGA KAWIKAAN 27:17

    Hindi tayo nilayong dumaan sa buhay nang mag-isa. Mas madaling manatili sa landas kung aanyayahan mo ang ilang mga kaibigan na sumali sa iyong paglalakbay. Subukang maghanap ng isang Gabay sa Biblia na nais mong basahin, at pagkatapos ay mangakong gawin ang bawat araw ng Gabay nang magkasama.

    Tanungin ang iyong sarili: Sinong mga pinagkakatiwalaang kaibigan ang maaari kong anyayahang sumali sa akin?


Habang patuloy kang nagkakaroon ng magandang mga gawi, sa paglipas ng panahon ay matatagpuan mo ang iyong sariling naaayon sa pagkakalikha sa iyo ng Diyos.

Ilang sandali lang ang kailangan upang magkapag-umpisa at ang 5 mga hakbang na ito ay isang magandang lugar upang magsimula. Piliin ang bilang na nais mong pagtuunan muna, at pagkatapos ay manatiling nakatuon sa pagsulong sa pamamagitan ng paggamit ng mga karagdagang hakbang…

Magtakda ng Mga Paalala upang matulungan kang ituloy kung anong pinakamahalaga.

Ang mga paalala ay tamang-tama para sa mga oras na kailangan mo ng dagdag na paghihikayat upang magpatuloy na bumuo ng mabubuting gawi. At sa pamamagitan ng paglalagay ng mga paalala sa Bible App, lagi kang may paraan upang manatiling konektado sa Salita ng Diyos at sa Kanyang kalooban para sa iyo. Ang mga paalala ay kasalukuyang magagamit para sa Gabay sa Biblia, Bersikulo ng Araw, at Panalangin sa YouVersion.

FacebookIbahagi sa Facebook

TwitterIbahagi sa Twitter

EmailIbahagi sa pamamagitan ng Email