Ang Salita ng Diyos ay Nagpapabago ng mga Buhay

Mga taong nakatayo nang magkakasama

Ang Salita ng Diyos ay buhay at aktibo, at binabago nito ang mga tao sa buong mundo araw- araw!

Ito ang dahilan kung bakit kami ay nakatuon sa pagkuha sa bawat bersyon ng Biblia sa Bible App, naglilinang ng pandaigdigang pakikipagtulungan sa Biblia, at pagbuo ng mga bagong app at mga tampok.

Naniniwala kami na sinuman, kahit saan ay dapat na makalapit sa Diyos sa pamamagitan ng Kanyang Salita.

At lahat ng ito ay posible—sa iyong tulong.


Ang iyong pagiging bukas-palad ay maaaring makatulong sa pagbibigay sa milyun-milyong tao ng Salita ng Diyos.

Kapag nagbigay ka ng umuulit na kaloob sa YouVersion, ikaw ay lumalahok sa isang pandaigdigang kilusan na ginagawang posible para sa sinuman, kahit saan, na mapalapit sa Diyos sa pamamagitan ng Kanyang Salita.

Ngayon, makakatulong ka sa mas maraming tao sa mas maraming lugar na palalimin ang kanilang kaugnayan sa Diyos sa pamamagitan ng Kasulatan.

Mag-set up ng Umuulit na Kaloob Ngayon

FacebookIbahagi sa Facebook

TwitterIbahagi sa Twitter

EmailIbahagi sa pamamagitan ng Email

Ito ay isang bagay na dapat ipagdiwang…

Pambatang Bible App - 100,000,000

Pambatang Bible App

Ang Pambatang Bible App ay umabot na sa

100 milyong pag-install!

Nilikha sa pakikipagtulungan sa OneHope, nakatulong ang app na ito sa milyun-milyong bata sa 66 na wika na umibig sa Salita ng Diyos sa pamamagitan ng mga interaktibong kuwento at mga aktibidad.

May mga anak na 8 pababa? I-download ang Pambatang Bible App!


“Ibinahagi ng aking kaibigan, na isang misyonero sa Timog-silangang Asya, na ang kanyang 6-anyos na anak na lalaki ay nag-imbita sa lahat ng kanyang lokal na kaibigan at nagsasalin ng mga kuwento ng Pambatang Bible App sa kanila. Isang 6 na taong gulang ang nagsasalin at nagbabahagi ng Salita ng Diyos!

JENN, USA


Ang 100 milyon ay simula pa lamang…

Hindi lang natin ipinagdiriwang ang ginawa ng Diyos, kundi kung ano ang susunod Niyang gagawin—sa ating mga buhay at sa mga buhay ng mga bata sa buong mundo.

Kapag nagbigay ka ngayon, tinutulungan mo kaming dalhin ang Salita ng Diyos sa lahat—anuman ang kanilang edad.

Magbigay Ngayon

FacebookIbahagi sa Facebook

TwitterIbahagi sa Twitter

EmailIbahagi sa pamamagitan ng Email

Pamilya

Paano Makakatulong ang Pagkabukas-palad sa Pagbabago ng Buhay: Ang Kuwento ni Diya

Ano ang gagawin mo kapag nakakaramdam ka ng pagkagapi, pagkatakot, o kawalan ng lakas?

Para kay Diya, bumaling siya sa Salita ng Diyos sa YouVersion sa isang madilim na panahon, at ang Banal na Kasulatan ang nagligtas sa kanya.

Diya

Nang lumipat si Diya mula sa New Zealand patungong India, natagpuan niya ang kanyang sarili na walang koneksyon, walang komunidad, at walang simbahan.

“Ang pinakaunang naisip ko nang imulat ko ang aking mga mata ay hindi ako karapat-dapat na mabuhay. Naramdaman kong ako ay nag-iisa, at wala akong maibibigay.”

Alam ni Diya na kailangan niyang bumaling kay Jesus, ngunit hindi niya alam kung saan magsisimula.

“Noong kumonekta ako sa Banal na Kasulatan sa YouVersion ay doon ko nagawang baguhin ang paraan ng aking pag-iisip.”

Sa pamamagitan ng YouVersion, natagpuan ng Diyos si Diya sa kanyang kawalan ng pag-asa at nagbigay ng pag-asa at kagalingan nang siya ay lubos na nangangailangan nito.

Maaari kang maging bahagi sa kung ano ang ginagawa ng Diyos sa pamamagitan ng YouVersion.

Kapag namumuhay ka nang bukas-palad, tinutulungan mo ang mga tao sa buong mundo na maranasan ang nakapagpapabagong-buhay na kapangyarihan ng Salita ng Diyos.

Sasali ka ba sa kilusan sa pamamagitan ng pagbibigay ng isang regalo ngayon?

Magbigay Ngayon

Ang pinakamabuting paraan upang mag-ambag sa YouVersion ay sa pamamagitan ng pag-set up ng isang umuulit na kaloob.


FacebookIbahagi sa Facebook

TwitterIbahagi sa Twitter

EmailIbahagi sa pamamagitan ng Email

Sumali sa Kilusan ngayong Martes ng Pagbibigay

Larawan ng mga kamay na may hawak na puso

Ang Salita ng Diyos ay buhay at aktibo… at binabago nito ang mga tao sa buong mundo, katulad mo, araw-araw!

Ngayong Giving Tuesday, gumawa ng agarang epekto na may panghabambuhay na kaibahan sa pamamagitan ng pagbibigay sa YouVersion.

Magbigay Ngayon


Hindi ko na mabilang kung ilang beses ko nang iminungkahi sa iba ang YouVersion dahil sa iba’t ibang wika na mayroon ito. Ibinahagi ko pa ito sa aking kinakapatid na nasa Hong Kong, at ngayon ay isa na siyang mananampalataya!

Ang Diyos ay gumagawa ng dakilang gawain sa pamamagitan ng YouVersion—kaya ako ay nagbibigay.

HELEN, CANADA


Sa loob ng maraming taon, nakita ko ang aking sarili na nauubos ang panahon sa mga bagay na hindi mahalaga sa social media.

Ngunit sa YouVersion, napupuno ko ang aking isipan ng katotohanan ng Diyos, saan man ako magpunta.

TIMOTHY, ESTADOS UNIDOS


Sa pamamagitan ng Bersikulo ng Araw, naibabahagi at naipapaliwanag ko ang Banal na Kasulatan sa aking pamilya. Binago nito kung paano kami nagbabasa ng Salita ng Diyos nang magkasama.

PHUMZILE, TIMOG AFRICA


Tumulong na isulong ang isang pandaigdigang kilusan sa pamamagitan ng pagsuporta sa ginagawa ng Diyos sa pamamagitan ng YouVersion.

Magbigay Ngayon

Matutulungan mo ba ang mas maraming tao na matuklasan ang YouVersion sa Giving Tuesday na ito? Pagkatapos mong magbigay, ibahagi sa social media kung paanong ginamit ng Diyos ang YouVersion sa iyong buhay. Gamitin ang hashtag #Giving Tuesday at i-tag kami sa @youversiontl.


FacebookIbahagi sa Facebook

TwitterIbahagi sa Twitter

EmailIbahagi sa pamamagitan ng Email

100 na mga Wika. 36 na mga Bansa.

100

Isang hindi kapani-paniwalang bagay ang nangyayari.

Mula noong 2017, ang ating Komunidad sa YouVersion ay bukas-palad na nagbigay sa Biblia para sa Lahat—isang kilusan na nakatuon sa pagbibigay sa bawat tao sa planeta ng paraan upang mabasa ang Banal na Kasulatan.

At, kakaabot lang natin ng isang malaking napakahalagang pangyayari. Sama-sama, nag-ambag tayo sa pagpopondo ng mga pagsasalin para sa 100 mga wika sa 36 na mga bansa!

Magbigay Ngayon

Ang iyong pagkabukas-palad ay nagbigay-lakas sa mga tagapagsalin at mga tagapaglathala ng Biblia sa buong mundo. At, binibigyan nito ang milyon-milyong mga tao ng paraang mabasa ang Salita ng Diyos sa kanilang wika.

Kabilang dito ang pagtulong na pondohan ang Kasulatan sa Colombian Sign Language, isang bagong pagsasalin ng Biblia sa Ukrainian, mga wika ng tribo sa Ghana, at marami pang iba.

Ang Diyos ay gumagawa ng mga kamangha-manghang bagay sa pamamagitan ng kabutihang-loob ng ating Komunidad. At ito ay simula pa lamang…

May pagkakataon pa ring tumulong na pondohan ang libo-libong mga pagsasalin ng Biblia. Maaari kang maging bahagi ng pagkilos ng Diyos sa buhay ng mga tao sa buong mundo sa pamamagitan ng pagbibigay ngayon.

Magbigay Ngayon

FacebookIbahagi sa Facebook

TwitterIbahagi sa Twitter

EmailIbahagi sa pamamagitan ng Email


Lahat ng mga ambag na natanggap sa pamamagitan ng kampanya ng Biblia para sa Lahat ay gagamitin lamang para sa layunin ng pagsasalin ng Biblia, at ikakalat sa iba’t-ibang mga proyekto sa pagsasalin na may malalaking epekto. Sa pagtatapos ng bawat proyekto, ang anumang natitirang mga pondo ay gagamitin sa susunod na proyekto sa pagsasalin na napili ng YouVersion at ng mga katuwang nito.