Ang Salita ng Diyos ay nakakapagbago ng mga buhay. At kaya nitong baguhin ang iyo.

Ipagdiwang ang Pandaigdigang Buwan ng Bibla

Ngayong Nobyembre, magsasama-sama ang mga tao sa buong mundo para ipagdiwang ang Salita ng Diyos sa Pandaigdigang Buwan ng Bibla. 

Sumali sa pandaigdigang kilusan ng Biblia sa pamamagitan ng 30-Araw na Hamon sa Biblia. 

Sumali sa Hamon

Ito man ay ukol sa pangangailangang maibsan ang pagkabalisa, kalungkutan, o sa pagiging mas kampante sa pagbabahagi ng iyong pananampalataya, ipinapakita ng mga pag-aaral na binabago ng patuloy na pagbabasa ng Salita ng Diyos ang lahat. 

Paano ka binabago ng Salita ng Diyos?    

Simula ngayong Nobyembre, gamitin ang Bible App nang 30 na magkakasunod na araw, at makakakuha ka ng eksklusibong Pandaigdigang Buwan ng Biblia Badge.

Ang Salita ng Diyos ay nakakapagbago ng mga buhay. At kaya nitong baguhin ang iyo.

Share this post:

Ito ay isang bagay na dapat ipagdiwang…

Pambatang Bible App - 100,000,000

Pambatang Bible App

Ang Pambatang Bible App ay umabot na sa

100 milyong pag-install!

Nilikha sa pakikipagtulungan sa OneHope, nakatulong ang app na ito sa milyun-milyong bata sa 66 na wika na umibig sa Salita ng Diyos sa pamamagitan ng mga interaktibong kuwento at mga aktibidad.

May mga anak na 8 pababa? I-download ang Pambatang Bible App!


“Ibinahagi ng aking kaibigan, na isang misyonero sa Timog-silangang Asya, na ang kanyang 6-anyos na anak na lalaki ay nag-imbita sa lahat ng kanyang lokal na kaibigan at nagsasalin ng mga kuwento ng Pambatang Bible App sa kanila. Isang 6 na taong gulang ang nagsasalin at nagbabahagi ng Salita ng Diyos!”

JENN, USA


Ang 100 milyon ay simula pa lamang…

Hindi lang natin ipinagdiriwang ang ginawa ng Diyos, kundi kung ano ang susunod Niyang gagawin—sa ating mga buhay at sa mga buhay ng mga bata sa buong mundo.

Kapag nagbigay ka ngayon, tinutulungan mo kaming dalhin ang Salita ng Diyos sa lahat—anuman ang kanilang edad.

Magbigay Ngayon

FacebookIbahagi sa Facebook

TwitterIbahagi sa Twitter

EmailIbahagi sa pamamagitan ng Email

Pamilya

Share this post:

Gusto mo bang tumulong?

Mga kamay na may hawak na kumikinang na globo

Paano ka magagamit ng Diyos?

Kapag ibinahagi mo ang app o nagbigay sa YouVersion, ikaw ay nagbibigay ng pag-asa sa milyun-milyong tao sa buong mundo.

Narito ang ilang paraan na tinutulungan ng YouVersion ang mga tao na kumonekta sa Diyos at makahanap ng pag-asa sa Kanyang Salita:


Mga Biblia at Mapagkukunan ng Ukrainian

Sa napakahirap na panahong nangyayari sa Ukraine, ang kabuuang aktibidad sa paghahanap sa YouVersion ay nadoble.

Habang dumarami ang paghahanap ng pag-asa, pagkabalisa, at kapayapaan, ang mga Ukrainian ay nakakonekta sa Salita ng Diyos sa gitna ng kanilang sakit at damdamin.

Mabilis na nakatugon ang ating pangkat na may kapamaraanan upang magbigay ng pag-asa sa loob lamang ng ilang araw:

  • Ang unang Ukrainian Audio na Biblia sa YouVersion
  • Mga bagong mapagkukunan na Pambatang Bible App
  • Isang Panalangin para sa Kaginhawaan, pagtitipon ng mga tao sa panalangin para sa Ukraine
  • Patuloy na panghihikayat sa ating Ukrainian na komunidad sa pamamagitan ng mga email at mga abiso

41 na mga Bagong Wika ng Biblia sa 2022

Alam mo bang nag-aalok ang YouVersion ng mga Biblia sa mahigit 1,800 wika? At, ngayong 2022, nagdagdag tayo ng 41 na bagong wika ng Biblia para sa ating karanasan sa app.

Dahil sa kabutihang-loob ng ating Komunidad at mga kasamahan sa paglalathala ng Biblia, naibibigay natin ang karanasang ito sa mas maraming tao.


Gumagawa ang Diyos ng isang kamangha-manghang bagay sa pamamagitan ng YouVersion, at maaari kang maging bahagi nito!

Ang iyong suporta ay maaaring magbago ng buhay ng isang tao.

Kapag nagtitiwala tayo sa Diyos sa kung ano ang ibinigay Niya sa atin, magagawa Niya ang higit pa sa ating naiisip.

Magbigay Ngayon

Ang pinakamadaling paraan para mag-ambag sa ating
misyon ay sa pamamagitan ng pag-set up ng umuulit na kaloob.

FacebookIbahagi sa Facebook

TwitterIbahagi sa Twitter

EmailIbahagi sa pamamagitan ng Email

Share this post:

Sa Nakalipas na 5 taon…

Biblia para sa Lahat

BIBLIA
PARA SA
LAHAT

Papalapit na tayo sa lahat.

Mula noong 2017, ang ating Komunidad sa YouVersion ay bukas-palad na nagbigay sa Biblia para sa Lahat—isang kampanyang nakatuon sa pagbibigay ng paraan sa bawat taong makabasa ng ilang bahagi ng Banal na Kasulatan sa kanilang sariling wika pagsapit ng 2033.

Sa nakalipas na 5 taon, ang ating Komunidad ay nag-ambag sa mga proyekto sa pagsasalin ng Biblia para sa 94 na wika sa 35 na bansa, kabilang ang mga proyekto para sa:

  • Mga Wikang Pasenyas
  • Mga binibigkas na wika na walang nakatitik na anyo

Ngunit, hindi tayo tumitigil. Mahigit 3,000 wika pa rin ang nangangailangan ng pagsasalin ng Biblia. Sama-sama, maibibigay natin ang Biblia sa Lahat.

Maging bahagi ng ginagawa ng Diyos sa buhay ng mga tao sa buong mundo sa pamamagitan ng pagbibigay ngayon. Maging 20 piso o 200 piso man ito, maaaring magdulot ng pagbabago ang iyong kaloob!

Magbigay Ngayon

FacebookIbahagi sa Facebook

TwitterIbahagi sa Twitter

EmailIbahagi sa pamamagitan ng Email


Lahat ng mga ambag na natanggap sa pamamagitan ng kampanya ng Biblia para sa Lahat ay gagamitin lamang para sa layunin ng pagsasalin ng Biblia, at ikakalat sa iba’t-ibang mga proyekto sa pagsasalin na may malalaking epekto. Sa pagtatapos ng bawat proyekto, ang anumang natitirang mga pondo ay gagamitin sa susunod na proyekto sa pagsasalin na napili ng YouVersion at ng mga katuwang nito.

Share this post:

Ano ang mangyayari kapag kumonekta ka sa Diyos sa pamamagitan ng Kanyang Salita?

Daigdig

BIBLIA
PARA SA
LAHAT

Huwag kayong makiayon sa takbo ng mundong ito. Mag-iba kayo sa pamamagitan ng pagbabago ng inyong pag-iisip…

MGA TAGA-ROMA 12:2

Isipin ang panahon kung saan naramdaman mong nabago ang iyong isip, nakita mo ang ilang bahagi ng iyong buhay na nabago. Kung patuloy mong pinapayagan ang Banal na Kasulatan na dumaloy sa iyo, sa pagbabasa o pakikinig dito, walang alinlangang naranasan mo ang kapangyarihan nito na pukawin, hikayatin, at kumbinsihin ka.

Ngayon, mas maraming tao kaysa dati ang maaaring masiyahan sa karanasang iyon.

Salamat sa kabutihang loob ng ating tagapaglathala ng Biblia at mga katuwang sa Bible society, ang YouVersion app ay nag-aalok ngayon ng higit sa 2,500 na mga teksto sa Biblia at higit sa 1,000 mga Biblia sa audio!

Ngunit, gaanong kakaiba ang magiging buhay natin kung lahat ng mga salin ng Biblia na nagbibigay-buhay sa Salita ng Diyos para sa atin … ay biglang mawala? Halos isang bilyong tao pa ang walang ni isang buong salin ng Biblia sa kanilang wika.

At makakatulong ka.

Ang mga katuwang namin sa Biblia ay gumagawa rin upang bigyang-kapangyarihan ang mga tao sa buong mundo na isalin ang Banal na Kasulatan sa kanilang sariling mga wika. At sa sandaling ang isang bagong bersyon ay nakumpleto, ina-upload ito sa isang digital library, upang maibahagi ito sa buong YouVersion Community.

Isipin kung ano ang maaaring mangyari.

Sa pamamagitan lamang ng isang smartphone at isang wireless signal, ang mga taong hindi kailanman nagkaroon ng Biblia sa kanilang wika dati ay maaaring mabuksan ito kaagad, kahit saan mang lugar sila naroon. Kapag nagbigay ka sa Biblia para sa Lahat, tumutulong kang maisakatuparan ito.

Ang aming Pangitain para sa 2033

95% ng populasyon sa mundo
ay magkakaroon ng buong Biblia

99.96% ng populasyon sa mundo
ay makakapagbukas ng Bagong Tipan ng Biblia

100% ng pandaigdigang populasyon ang magkakaroon ng kahit ilang bahagi ng Banal na Kasulatan

Hindi kami titigil hangga’t hindi natatapos ang gawaing ito.

Ibinigay sa atin ng Diyos ang Kanyang Anak, at ang Kanyang Salita. Kapag sinusunod natin ang Kanyang halimbawa ng masaganang pagbibigay, napapalapit tayo sa Kanya. At kapag marami sa atin ang nakilahok sa pangarap na ito, mas mabilis nating madadala ang Salita ng Diyos sa lahat.

Makakasama ka ba namin?

Magbigay

Nakita ko ang napakaraming tao na di kayang bilangin ninuman! Sila’y mula sa bawat bansa, lahi, bayan, at wika. Nakatayo sila sa harap ng trono at ng Kordero… Sinasabi nila nang malakas, “Ang kaligtasan ay nagmumula sa Kordero, at sa ating Diyos na nakaluklok sa trono!”

PAHAYAG 7:9-10

FacebookIbahagi sa Facebook

TwitterIbahagi sa Twitter

EmailIbahagi sa pamamagitan ng Email


Lahat ng mga ambag na natanggap sa pamamagitan ng kampanya ng Biblia para sa Lahat ay gagamitin lamang para sa layunin ng pagsasalin ng Biblia, at ikakalat sa iba’t-ibang mga proyekto sa pagsasalin na may malalaking epekto. Sa pagtatapos ng bawat proyekto, ang anumang natitirang mga pondo ay gagamitin sa susunod na proyekto sa pagsasalin na napili ng YouVersion at ng mga katuwang nito.

Share this post: