Alam mo ba na ang YouVersion ay may Pamilya ng mga Bible App? Mula sa mga bata, sa mga teenager, hanggang sa mga adulto—bawat isa ay may kanya-kanyang paraan ng pakikipag-ugnayan sa Salita ng Diyos. Kaya naman gumawa kami ng mga app na nakatuon sa mga tao sa iba’t ibang demograpiko at rehiyon.
Tuklasin kung aling Bible app ang pinakaangkop para sa iyo!
Ipinapakilala ang: Bible Loop
Ang Bible Loop ang pinakabagong miyembro ng aming Pamilya ng mga App! Ginawa para sa mga teen, nag-aalok ang Bible Loop ng mga nakaka-engganyong aktibidad, interactive na feature, at mga laro upang maisaulo at matandaan ang Banal na Kasulatan. Kung ikaw ay teen, o may kakilala kang teen, hindi mo ito dapat palampasin.
Pambatang Bible App
Ang app na ito ay para sa mga maliliit na bata sa buhay mo. Sa Bible App for Kids, matutuklasan mo ang mga nakaka-engganyong kuwento sa Biblia at mga interactive na laro na ginawa upang tulungan ang mga bata na ibigin ang Diyos at ang Kanyang Salita.
Filipino Bible App
Kilalanin ang #1 pinakamaraming na-download na Bible app sa mundo! May access sa mahigit 3,500 salin, 2,300 wika, at libu-libong mga Gabay sa Biblia, hindi pa ito naging kasing-dali para gumugol ng panahon sa Salita ng Diyos sa paraang bagay sa iyo.
Bible App Lite
Hinahayaan ka ng Bible App Lite na maranasan ang Salita ng Diyos offline, saanman, anumang oras. Ang app na ito ay available sa mga piling rehiyon.
Maging parte ng 30-Day Challenge sa pamamagitan ng pag-download ng isa sa mga app na ito! At, simula Nobyembre 1, makipag-ugnayan sa Bible App nang 30 araw nang sunod-sunod, at makakuha ng eksklusibong Pandaigdigang Buwan ng Biblia na Badge.
Ang post na ito ay makikita rin sa:

