Ito ay isang bagay na dapat ipagdiwang…

Pambatang Bible App - 100,000,000

Pambatang Bible App

Ang Pambatang Bible App ay umabot na sa

100 milyong pag-install!

Nilikha sa pakikipagtulungan sa OneHope, nakatulong ang app na ito sa milyun-milyong bata sa 66 na wika na umibig sa Salita ng Diyos sa pamamagitan ng mga interaktibong kuwento at mga aktibidad.

May mga anak na 8 pababa? I-download ang Pambatang Bible App!


“Ibinahagi ng aking kaibigan, na isang misyonero sa Timog-silangang Asya, na ang kanyang 6-anyos na anak na lalaki ay nag-imbita sa lahat ng kanyang lokal na kaibigan at nagsasalin ng mga kuwento ng Pambatang Bible App sa kanila. Isang 6 na taong gulang ang nagsasalin at nagbabahagi ng Salita ng Diyos!

JENN, USA


Ang 100 milyon ay simula pa lamang…

Hindi lang natin ipinagdiriwang ang ginawa ng Diyos, kundi kung ano ang susunod Niyang gagawin—sa ating mga buhay at sa mga buhay ng mga bata sa buong mundo.

Kapag nagbigay ka ngayon, tinutulungan mo kaming dalhin ang Salita ng Diyos sa lahat—anuman ang kanilang edad.

Magbigay Ngayon

FacebookIbahagi sa Facebook

TwitterIbahagi sa Twitter

EmailIbahagi sa pamamagitan ng Email

Pamilya

Bagong Aparato? Huwag Kalimutang I-install ang YouVersion

Tao sa telepono

Isipin ang tungkol sa bago at maningning na aparatong hindi mo na mahintay gamitin. Ang mga aparatong ito ay magpapadali sa ating buhay at makakatulong upang manatili tayong konektado sa mga taong mahal natin. Ngunit makakatulong din ang iyong mga aparato na manatiling konektado sa Diyos at sa Kanyang Salita.

Kunin ang mga bagay na kakailanganin mo upang magkaroon ng espiritwal na paglago sa 2022 sa pamamagitan ng pag-iinstall ng mga app na makakatulong sa iyo at sa iyong pamilyang hanapin ang Diyos araw-araw.

Filipino Bible App

Basahin o pakinggan ang Biblia, tuklasin ang mga pang-araw-araw na debosyonal, magbahagi ng mga kahilingan sa panalangin sa Mga Kaibigan, at higit pa.

I-download

Pambatang Bible App Jesus

Tulungan ang mga batang makisali sa 41 mga kuwento sa Biblia sa pamamagitan ng mga nakakatuwang animasyon at mga aktibidad na nakaka-engganyo.

I-download

Saan ka man pumunta, hayaan mong samahan ka ng Salita ng Diyos.

Mayroon ka na ng App
sa iyong mga aparato?

Ibahagi Ito sa isang Kaibigan

Icon ng Pagbibigay

Pinasigla ka ba ng Salita ng Diyos sa taong ito?

Sa kabila ng mga hamon sa taong ito, binago ng Diyos ngayong 2021 ang milyun-milyong buhay sa buong mundo sa pamamagitan ng Kanyang Salita. At kapag nagbigay ka ng kaloob para sa katapusan ng taon sa YouVersion, makakatulong kang tiyakin na ang bawat tao, na nagsasalita ng anumang wika, ay maaaring makaranas ng nakapagpapabagong-buhay na kapangyarihan ni Jesus.

Magbigay Ngayon >

Tulungan ang Iyong Mga Anak na Maunawaan ang Pasko ng Pagkabuhay

Isang Masayang Linggo

Sakripisyo. Muling Pagkabuhay. Pagtubos. Pagpapanibago. Ang mga ito ay mga konseptong mahirap maunawaan, kahit na para sa matatanda. Paano natin ipakikilala ang mga ito sa ating mga anak sa konstekto ng kanilang sariling musmos na pananampalataya? Nilikha namin ang apat na kuwentong Pambatang Bible App upang tulungan kang gawin ito.

Ama at anak na naglalaro sa tablet

Panoorin ang A Goodbye Meal, In the Garden, It is Finished, at A Happy Sunday kasama ang iyong mga anak, at danasin ang kuwento ng Pasko ng Pagkabuhay nang magkasama sa paraang madali nilang mauunawaan. Tutulong ang mga interaktibong animasyon upang makilahok sila sa bawat kuwento. Ang mga nakatutuwang gawain sa bawat kuwento ay tutulong sa kanila na matutunan ang kahulugan ng sakripisyo ni Jesus para sa kanila.

Habang ginagawa ito, hayaan ang mga katanungan ng iyong anak na gabayan ang iyong buong pamilya sa mga pag-uusap tungkol sa kung paano ninyo susundin si Jesus nang magkasama.

Kunin ang App

Bagong aparato? Magugustuhan mo ito:

Babaeng nasa telepono

Isipin ang tungkol sa makintab na bagong aparato na hindi mo na mahintay gamitin. Ang mga aparatong ito ay magpapadali sa ating buhay at makakatulong upang manatili tayong konektado sa mga taong mahal natin. Ngunit makakatulong din ang iyong mga aparato na manatiling konektado sa Diyos at sa Kanyang Salita.

Kunin ang mga bagay na kakailanganin mo upang magkaroon ng espiritwal na paglago sa 2021 sa pamamagitan ng pag-iinstall ng mga app na makakatulong sa iyo at sa iyong pamilyang hanapin ang Diyos araw-araw.

Filipino Bible App

Basahin o pakinggan ang Biblia, tuklasin ang mga pang-araw-araw na debosyonal, magbahagi ng mga kahilingan sa panalangin sa Mga Kaibigan, at higit pa.

I-download

Pambatang Bible App Jesus

Tulungan ang mga batang makisali sa 41 mga kuwento sa Biblia sa pamamagitan ng mga nakakatuwang animasyon at mga aktibidad na nakaka-engganyo.

I-download

Ang pinakamagandang bahagi? Ang YouVersion Bible App at Pambatang Bible App ay magagamit sa lahat ng mga aparatong ito:

Bible App at Pambatang Bible App sa mga aparato

Saan ka man pumunta, hayaan mong samahan ka ng Salita ng Diyos.

Mayroon ka na ng App
sa iyong mga aparato?

IBAHAGI ITO SA KAIBIGAN

Icon ng Pagbibigay

Pinasigla ka ba ng Salita ng Diyos sa taong ito?

Sa kabila ng mga hamon sa taong ito, binago ng Diyos ngayong 2020 ang milyun-milyong buhay sa buong mundo sa pamamagitan ng Kanyang Salita. At kapag nagbigay ka ng kaloob para sa katapusan ng taon sa YouVersion, makakatulong kang tiyakin na ang bawat tao, na nagsasalita ng anumang wika, ay maaaring makaranas ng nakapagpapabagong-buhay na kapangyarihan ni Jesus.

Magbigay Ngayon >

3 Paraan upang Tulungan ang Iyong mga Anak na Umakma sa Bagong “Normal”

Ina at anak na babae na gumagamit ng isang tablet

Mga magulang, huwag kayong gumawa ng mga bagay na ikagagalit ng inyong mga anak. Sa halip, palakihin ninyo sila ayon sa disiplina at katuruan ng Panginoon.

Mga Taga-Efeso 6:4

Mag-inang tumatawa habang gumagamit ng isang tablet

Kung tulad ka ng karamihan ng mga magulang na kilala namin, araw-araw, ika’y nagsusumikap na mag-asikaso ng makakain, nagugulumihanan sa kanilang pag-aaral, at namamahala sa pagkabagot ng inyong mga anak—lahat ng ito habang patuloy mong pinag-iisipan ang tungkol sa iyong trabaho at inyong hinaharap. Nais naming malaman mo: Kami’y narito para sa iyo.

Anuman ang edad ng iyong mga anak, para bang napakarami ng kanilang mga tanong tungkol sa lahat ng mga nangyayari. Halos isang magdamag, ang lahat ng kanilang pang-araw-araw na gawain na kanilang sinusunod para sa kaayusan ay nagbago. Isa sa mga pinakamabubuting magagawa natin para sa kanila ay ang magpatupad na isang bagong “normal.”

Narito ang 3 bagay na maaari mong subukan sa iba’t-ibang oras sa buong araw upang tulungang umakma ang iyong mga anak:

  1. Tanungin ang iyong mga anak kung ano ang kanilang iniisip. Pagkatapos ay makinig.

Kahit magsabi sila ng mahirap o mga nakakabagabag na mga bagay, subukan mong huwag magpakita ng pag-aalala sa iyong mukha. Kailangan ng iyong mga anak ng isang ligtas na puwang upang magsalita, at ang pagkakataon upang ganap na maipahayag ang kanilang mga saloobin at mga damdamin sa kanilang sariling pananalita.

  1. Maging huwaran na nais mong tularan nila sa iyong pamamahay.

Espirituwal na pangalagaan ang iyong sarili sa panahong ito, nang sa gayon ay maibigay mo ang emosyonal na suporta na kanilang kailangan. Heto ang ilang lugar kung saan ka makahahanap ng kapayapaan at panghihikayat para sa iyo:

  1. Manalangin kasama ang iyong mga anak, sa isang takdang panahon.

Ang Pananalangin o Pagdarasal ay pagkakaroon lamang ng isang pakikipag-usap kasama ang Diyos, pagsasabi sa Kanya kung ano ang iyong iniisip at nadarama, paghingi sa Kanya ng mga bagay na iyong kailangan, at pagpapasalamat sa Kanya (kahit para sa maliliit na tagumpay). Maaari kang manalangin anumang oras, ngunit ang paggawa nito nang magkasama sa umaga, sa oras ng pagkain, at sa oras ng pagtulog ay isang madaling paraan upang magtakda ng isang gawain sa bawat araw. Narito ang isang simpleng halimbawa:

Mahal na Jesus, salamat po para sa aming pamilya. Tulungan Mo po kaming mahalin ang bawat isa, alagaan ang bawat isa, at maging mabait. Mangyaring ipakita Mo nawa sa amin kung paano namin dapat mahalin ang aming mga kapwa at mga kaibigan. Salamat po. Amen.


Bonus! Malinaw na tukuyin ang iyong mga araw.

Kung ang iyong mga anak ay nasanay sa isang lingguhang iskedyul—ikaw na nasa trabaho at sila na nasa paaralan o daycare—maaaring magsimulang maging magulo ang bahay kapag ang lahat ay narito. Ang pagbibigay ng tema sa bawat araw ng linggo ay makatutulong sa iyo na magkaroon ng ritmo, isang pakiramdam ng istruktura. Narito ang ilang halimbawa:

  • Taco Tuesday – Wala kayong sangkap para sa taco? Magpalaman ng tinapay, taco style, at tiklupin ito sa kalahati.

  • Wacky Wednesday – Magsuot ng medyas na hindi magkapares. I-type ang “recipe” sa Google, at gamit ang mga kung anu-anong sangkap na mayroon ka, gawin iyon ng magkasama.

  • Funny Friday – Maglaro. Maging nakakatuwa. Magbiro. Manood ng nakakatawang pelikula o palabas sa TV. Gawing Gabi ng Palaro ang gabi ng Biyernes.

  • Special Sunday – Sambahin ang Diyos nang magkasama. Maghanap ng church service online. (Maraming simbahan ang nagsasagawa ng mga pambatang palabas sa ngayon.) Manood ng video sa Bible App nang magkasama at pag-usapan ito.

FacebookIbahagi sa Facebook

TwitterIbahagi sa Twitter

EmailIbahagi sa pamamagitan ng Email