Paano Makakatulong ang Pagkabukas-palad sa Pagbabago ng Buhay: Ang Kuwento ni Diya

Ano ang gagawin mo kapag nakakaramdam ka ng pagkagapi, pagkatakot, o kawalan ng lakas?

Para kay Diya, bumaling siya sa Salita ng Diyos sa YouVersion sa isang madilim na panahon, at ang Banal na Kasulatan ang nagligtas sa kanya.

Diya

Nang lumipat si Diya mula sa New Zealand patungong India, natagpuan niya ang kanyang sarili na walang koneksyon, walang komunidad, at walang simbahan.

“Ang pinakaunang naisip ko nang imulat ko ang aking mga mata ay hindi ako karapat-dapat na mabuhay. Naramdaman kong ako ay nag-iisa, at wala akong maibibigay.”

Alam ni Diya na kailangan niyang bumaling kay Jesus, ngunit hindi niya alam kung saan magsisimula.

“Noong kumonekta ako sa Banal na Kasulatan sa YouVersion ay doon ko nagawang baguhin ang paraan ng aking pag-iisip.”

Sa pamamagitan ng YouVersion, natagpuan ng Diyos si Diya sa kanyang kawalan ng pag-asa at nagbigay ng pag-asa at kagalingan nang siya ay lubos na nangangailangan nito.

Maaari kang maging bahagi sa kung ano ang ginagawa ng Diyos sa pamamagitan ng YouVersion.

Kapag namumuhay ka nang bukas-palad, tinutulungan mo ang mga tao sa buong mundo na maranasan ang nakapagpapabagong-buhay na kapangyarihan ng Salita ng Diyos.

Sasali ka ba sa kilusan sa pamamagitan ng pagbibigay ng isang regalo ngayon?

Magbigay Ngayon

Ang pinakamabuting paraan upang mag-ambag sa YouVersion ay sa pamamagitan ng pag-set up ng isang umuulit na kaloob.


FacebookIbahagi sa Facebook

TwitterIbahagi sa Twitter

EmailIbahagi sa pamamagitan ng Email

Mga Haylayt ng Komunidad

Chris

ANG IYONG SINASABI

“Ang aking kapansanan sa pagbabasa ay palaging nakakaapekto sa akin…”

CHRIS, ESTADOS UNIDOS

Sa loob ng maraming taon, pagdating sa pagbabasa ng Biblia, ako’y limitado lamang sa mababaw na antas ng pang-unawa.

Ngunit nang magsimula akong makinig sa mga Audio na Biblia, lubusang nagbago ang aking karanasan. Sa wakas ay ganap ko nag makakatagpo ang Diyos sa pamamagitan ng Kanyang Salita.

Ang aking kapansanan sa pagbabasa ay pinagmumulan ng kahihiyan, ngunit nakakatulong sa akin ang pagmamalasakit ng YouVersion sa aking mga pangangailangan na madama na ako ay sinusuportahan at kilala.


Para makinig sa mga Audio Bibles, buksan ang paborito mong bersyon ng Biblia sa app at pindutin ang icon ng speaker sa itaas ng iyong screen.


MGA FEATURE NA GUSTO MO

Mga Paalala sa Panalangin

Lahat tayo ay maaaring nangangailangan ng isang paalala sa bawat sandali na maaari tayong makipag-usap sa Diyos tungkol sa anumang bagay.

Para i-set up ang Mga Paalala sa Panalangin, pumunta sa iyong Mga Setting ng Push Notification sa YouVersion, at pindutin ang “Paalalahanan akong manalangin.”

Magsimula Na


MGA GAWI SA BIBLIA NA IYONG KINAUUGALIAN

Noong nakaraang buwan, nakumpleto ng ating Komunidad ang mahigit 69,000,000 Araw ng Gabay.

Katumbas iyon ng buong populasyon ng United Kingdom na nagbabasa ng isang Araw ng Gabay.

Magsimula ng Gabay

Sa Mga Gabay, lumalago ka upang mapalapit sa Diyos araw-araw, kasama ng magkakaibang, pandaigdigang Pamayanan. Iyan ay isang bagay na dapat ipagdiwang!


FacebookIbahagi sa Facebook

TwitterIbahagi sa Twitter

EmailIbahagi sa pamamagitan ng Email

Narito ang Isang Bagay na Mahalagang Ipagdiwang

Taong nagdiriwang

Narito na ang mga resulta…

Ngayong taon, mahigit 900,000 miyembro ng ating pandaigdigang Komunidad ang nakakuha ng 2022 Gitnang-Taong Hamon na Badge, na nakakumpleto ng mahigit 5,000,000 Plano.

Gitnang-Taong Hamon Badge

Ang estadistika ay makabuluhan, ngunit ang mas mahalaga ay ang kuwento sa likod ng mga ito. Ang mga bilang na iyon ay kumakatawan sa mga tao, sa buong mundo, na mas nagiging malapit sa Diyos.

Ngayon ang panahon para patuloy na mabuo ang iyong kagawian sa Biblia, kahit hindi mo natapos ang Hamon.

Tingnan ang 3 mga tampok na ito:

Makakuha nang mas Marami pang mga Badge

Mga Badge

Hikayatin ang iyong sarili sa pamamagitan ng pagtatakda ng mga layuning ito na madaling makamit… at isa-isa itong gawin. Buksan ang app at i-tap ang “Higit pa” para makapagsimula.


Hanapin ang Iyong Susunod na Gabay

Mga Gabay

Tuklasin kung ano ang sinasabi ng Biblia tungkol sa lahat ng bagay mula sa pagkabalisa hanggang sa pananalapi sa pamamagitan ng mga pang-araw-araw na debosyonal na ito.

Tingnan ang mga Gabay >


Mag-set up ng Mga Pang-araw-araw na Paalala

Mga Paalala

Upang patuloy na magkaroon ng isang kaugalian sa Biblia, magset-up ng pang-araw-araw na Mga Paalala para sa mga tampok tulad ng Mga Gabay at Bersikulo para sa Araw na Ito.

Magtakda ng Paalala >


FacebookIbahagi sa Facebook

TwitterIbahagi sa Twitter

EmailIbahagi sa pamamagitan ng Email

Binabago ng Salita ng Diyos ang mga buhay

Ibahagi ang Biblia

Noong nasa kolehiyo si Craig Groeschel, ang buhay niya ay walang direksiyon at puno ng pasakit.

“Hindi ko nagugustuhan kung sino yung nagiging ako.”

Ngunit nagbago ang lahat nang mabigyan siya ng libreng Biblia, at binago ng Salita ng Diyos ang kanyang buhay magpakailanman…

(Upang mapanood ang video na ito sa iyong wika, pumunta sa mga setting ng video (gear icon), pindutin ang “Mga Subtitle/CC,” at piliin ang iyong wika.)

Isipin ang epekto ng Salita ng Diyos sa mga tao sa paligid mo—mga kaibigan mo, pamilya, o katrabaho.

Sa ngayon, hayaan ang Diyos na kumilos sa iyo sa pamamagitan ng pag-imbita sa tatlong tao sa iyong buhay na tuklasin ang Biblia sa YouVersion.

Ibahagi ang YouVersion

Maaaring baguhin nito ang kanilang buhay magpakailanman—tulad nang ginawa nito para kay Craig ilang taon na ang nakakaraan.

Ang iyong pagkabukas-palad ay maaaring makatulong upang baguhin ang mga buhay. Narito kung paano:

Sa kabila ng mga pandaigdigang hamon sa taong ito, ginamit ng Diyos ang bawat sitwasyon upang mailapit ang mga tao sa Kanya. Bago pa man magsimula ang pandemya, ang Diyos ay inihanda na ang Kanyang Simbahan upang maging isang parola ng pag-asa at pagpapagaling sa isang nasasaktang mundo.

“Araw-araw ay gumigising ako at mayroon akong pananabik na kunin ang aking telepono upang makita kung ano ang sinasabi ng Diyos. Ang [YouVersion] ay tumulong upang mapanatiling maayos ang aking buhay at makapagbasa ako ng Salita ng Diyos araw-araw. Ito ay nagbibigay sa akin ng maraming maaaring pagnilayan, at ang iba’t-ibang mga salin na iniaalok ng YouVersion ay nagbigay sa akin ng mas malinaw na pag-unawa sa kung ano ang sinasabi ng Banal na Kasulatan. Natutuwa akong bahagi ako ng pagkilos na ito ng Diyos.

—Blessing, Nigeria

Ang Banal na Espiritu ng Diyos ay kumikilos, inilalapit ang mga tao sa Kanya—sa pamamagitan ng isang app—sa mga bilang na hindi pa natin nakita dati, sa isang taon na hindi natin inasahan.

Suportahan ang kilusan >

Ang panunumbalik ay nangyayari na.

Kahit na sa pinakamahirap na sandali ng ating mundo, ang ilaw ng Diyos ay lumiliwanag.

“Ang aking buhay ay naging isang rollercoaster hanggang sa ihayag ng Diyos ang Kanyang sarili sa akin. Nagbebenta ako ng droga para mabuhay at nalulong ako sa marami sa kanila. Pagod na akong mabuhay at naisip kong ang mundo ay magiging mas mabuting lugar na wala ako. Ngunit pagkatapos ng maraming hindi mapalagay na pag-iisip, nagpasya akong bigyan ito ng isa pang pagkakataon. Marami na akong napuntahang tradisyonal na rehabilitation center, ngunit sa wakas ay napunta ako sa isang lugar na may programang batay sa pananampalataya. Inihayag ng Diyos ang Kanyang sarili sa sandaling napunta ako sa programa at nagsimulang saliksikin ang Kanyang Salita. Sa tuwing bubuksan ko ang YouVersion, ang ilaw ng Diyos ay lalong nagliliwanag at ang sintomas ng pagkalas mula sa droga ay nawala. Nang maglaon, inakay ako nito sa kinaroroonan ko ngayon—puno ng Kanyang Salita at apat na buwang malinis at walang pag-uudyok na gumamit o magbenta ng droga.”

—Justin, Amerika

Ang mga ito ay ilan lang sa mga kuwento. Ngayon, maglaan ng ilang sandali at pag-isipan ang iyong sariling paglalakbay. Nasaan ka noong una mong narinig ang tungkol sa YouVersion? Sa anong mga paraan ginamit ng Diyos ang YouVersion Bible App upang hikayatin ka?

May milyon-milyong mga tao sa buong mundo tulad nina Blessing at Justin—at tulad mo. At kapag nagbigay ka sa YouVersion, tutulungan mo kaming maabot sila.

Sa unang kalahati pa lamang ng 2020, ang YouVersion ay nakaranas ng 13% higit pang mga tao na nakikipag-ugnayan sa Biblia kaysa dati.

Hinahayaan kami ng iyong pagbibigay na masiguradong ang bawat tao, na nagsasalita ng anumang wika, ay makaranas ng kapangyarihan ni Jesus na nagpapabago ng buhay.

Pagbibigay sa Bible App

Ang Diyos ay binabago ang milyun-milyong buhay sa buong mundo sa pamamagitan ng Kanyang Salita. At kapag nagbigay ka sa YouVersion, tinutulungan mo kaming magbigay ng isang paraan para sa mga taong ito na makalapit sa Diyos…sa panahong kailangang-kailangan nila ito.

Huwag palampasin ang sandaling ito.

Magbigay Ngayon

FacebookIbahagi sa Facebook

TwitterIbahagi sa Twitter

EmailIbahagi sa pamamagitan ng Email