Paano Makakatulong ang Pagkabukas-palad sa Pagbabago ng Buhay: Ang Kuwento ni Diya

Ano ang gagawin mo kapag nakakaramdam ka ng pagkagapi, pagkatakot, o kawalan ng lakas?

Para kay Diya, bumaling siya sa Salita ng Diyos sa YouVersion sa isang madilim na panahon, at ang Banal na Kasulatan ang nagligtas sa kanya.

Diya

Nang lumipat si Diya mula sa New Zealand patungong India, natagpuan niya ang kanyang sarili na walang koneksyon, walang komunidad, at walang simbahan.

“Ang pinakaunang naisip ko nang imulat ko ang aking mga mata ay hindi ako karapat-dapat na mabuhay. Naramdaman kong ako ay nag-iisa, at wala akong maibibigay.”

Alam ni Diya na kailangan niyang bumaling kay Jesus, ngunit hindi niya alam kung saan magsisimula.

“Noong kumonekta ako sa Banal na Kasulatan sa YouVersion ay doon ko nagawang baguhin ang paraan ng aking pag-iisip.”

Sa pamamagitan ng YouVersion, natagpuan ng Diyos si Diya sa kanyang kawalan ng pag-asa at nagbigay ng pag-asa at kagalingan nang siya ay lubos na nangangailangan nito.

Maaari kang maging bahagi sa kung ano ang ginagawa ng Diyos sa pamamagitan ng YouVersion.

Kapag namumuhay ka nang bukas-palad, tinutulungan mo ang mga tao sa buong mundo na maranasan ang nakapagpapabagong-buhay na kapangyarihan ng Salita ng Diyos.

Sasali ka ba sa kilusan sa pamamagitan ng pagbibigay ng isang regalo ngayon?

Magbigay Ngayon

Ang pinakamabuting paraan upang mag-ambag sa YouVersion ay sa pamamagitan ng pag-set up ng isang umuulit na kaloob.


FacebookIbahagi sa Facebook

TwitterIbahagi sa Twitter

EmailIbahagi sa pamamagitan ng Email

Ang post na ito ay makikita rin sa: Ingles Afrikaans Indonesian Aleman Espanyol Pranses Italyano Dutch Portuguese Romanian Russian Hapon Chinese (Simplified) Chinese (Traditional) Korean Polish Thai Vietnamese