Paano Maglinang ng Isang Pusong Mapagbigay

Babaeng nakaupo sa isang upuan na nanonood ng paglubog ng araw

Pasasaganain niya kayo sa lahat ng bagay upang mas marami ang inyong matulungan. Sa gayon, lalong darami ang magpapasalamat sa Diyos dahil sa inyong tulong na dadalhin namin sa kanila.

2 MGA TAGA-CORINTO 9:11
(dinagdagan ng diin)

Pagbibigay — magbigay ng mas malaki, maghandog, ibigay sa pagmamay-ari ng ibang tao para sa kanilang paggamit.

Anong pinakamahalaga mong pagmamay-ari? Maaaring ito ang pinakamahalagang bagay na pagmamay-ari mo, katulad ng bahay na pinagtrabahuhan mo ng matagal na panahon upang makuha mo. Ngunit, maaari rin naman itong isang larawan ng mahalagang pagsasama ninyo ng mahal mo sa buhay. O maaaring ito ay isang mahalagang regalo mula sa iyong kaibigan.

Ang halagang ibinibigay natin sa “mga bagay” na nasa atin ay may kaakibat na emosyon. Kung paano natin pinipiling gamitin ang mga bagay na pinahahalagahan natin ay nagpapakita ng tunay na prayoridad natin.

Sapagkat kung saan naroroon ang iyong kayamanan, naroroon din ang iyong puso.

MATEO 6:21

Walang masama sa pagkakaroon ng mga bagay, o sa pagtatamasa ng mga ito. Ang problema ay kapag hinahawakan na tayo ng mga ito. Ipinakita sa atin ng Diyos ang pagiging mapagbigay nang isinakripisyo Niya ang pinakamahalagang kayamanan Niya para sa atin. Kapag nagbibigay tayo tulad Niya, at pinararangalan natin Siya sa ating pagbibigay, nagiging malapit tayo sa Kanya.

Sapagkat gayon na lamang ang pag-ibig ng Diyos sa sangkatauhan, kaya’t ibinigay niya ang kanyang kaisa-isang Anak, upang ang sinumang sumampalataya sa kanya ay hindi mapahamak, kundi magkaroon ng buhay na walang hanggan.

JUAN 3:16 (may dagdag na diin)

Narito ang 3 simpleng mga bagay kung paano mo masisimulang magsanay na maging mapagbigay:

Magbigay Ka ng Panahon Mo

Nakikilahok ka ba sa nangyayari sa pamayanan mo? O sa iyong lansangan? O sa iyong kapitbahay? Maaari kang magsanay na maging mabuting taga-pakinig kahit saan: habang nagtatapon ka ng basura, habang namimili ka sa pamilihan, habang nag-eehersisyo ka sa gym. Humanap ka ng pagkakapareho mo sa ibang tao, at katagpuin mo sila saan man sila naroroon sa buhay nila, nang may kabutihan at paggalang.

Hamon: Sa susunod na pakikipag-ugnayan mo sa isang tao, kumustahin mo ang araw nila. Pagkatapos ay makinig. Maging tunay na interesado ka sa kanila. Gawin mong tungkol sa kanila ang sandaling iyon, hindi tungkol sa iyo.

Gamitin ang Mga Kaloob na Bigay sa Iyo ng Diyos

Saang mga aspekto ka binigyan ng natatanging kaloob? Ginagamit mo ba ang mga kaloob at talento mo upang dalhin ang mga tao kay Jesus? Isa sa mga kilalang talinhaga ni Jesus ay tungkol sa paggamit sa mga ibinigay ng Diyos sa atin sa pinakamabisang pamamaraan.

Hamon: Maghanap kung saan mo maaaring simulang gamitin ang iyong mga kaloob upang maglingkod sa ibang tao. Magsimula sa maliit at sa inyong lugar, o sa pangmalakihan. Basta magsimula ka.

Mamuhunan ng Iyong Pera

Ang lupon ng mga mananampalataya na itinuturing mong tahanan ay ang unang lugar kung saan ka nararapat mamuhunan.

Maliban sa iyong ikapu, narito ang dalawang pagpipilian kung saan ka maaaring taimtim na makapagbigay:

Pagsasalin sa Biblia

Luntiang palaso

YouVersion

Luntiang palaso

Ngunit ito ay dalawang ideya lamang. Ang Diyos ay kumikilos sa puso ng mga tao sa buong mundo.

Hamon: Humanap ng isang pagkilos ng Diyos na matindi ang iyong paniniwala, at ilagay ang iyong kayamanan kung saan naroon ang iyong puso: Pagbibigay.

FacebookIbahagi sa Facebook

TwitterIbahagi sa Twitter

EmailIbahagi sa pamamagitan ng Email

Ang bawat isa’y dapat magbigay ayon sa sariling pasya, maluwag sa loob at di napipilitan lamang, sapagkat iniibig ng Diyos ang kusang nagbibigay nang may kagalakan.

2 MGA TAGA-CORINTO 9:7