Isang hindi kapani-paniwalang bagay ang nangyayari.
Mula noong 2017, ang ating Komunidad sa YouVersion ay bukas-palad na nagbigay sa Biblia para sa Lahat—isang kilusan na nakatuon sa pagbibigay sa bawat tao sa planeta ng paraan upang mabasa ang Banal na Kasulatan.
At, kakaabot lang natin ng isang malaking napakahalagang pangyayari. Sama-sama, nag-ambag tayo sa pagpopondo ng mga pagsasalin para sa 100 mga wika sa 36 na mga bansa!
Ang iyong pagkabukas-palad ay nagbigay-lakas sa mga tagapagsalin at mga tagapaglathala ng Biblia sa buong mundo. At, binibigyan nito ang milyon-milyong mga tao ng paraang mabasa ang Salita ng Diyos sa kanilang wika.
Kabilang dito ang pagtulong na pondohan ang Kasulatan sa Colombian Sign Language, isang bagong pagsasalin ng Biblia sa Ukrainian, mga wika ng tribo sa Ghana, at marami pang iba.
Ang Diyos ay gumagawa ng mga kamangha-manghang bagay sa pamamagitan ng kabutihang-loob ng ating Komunidad. At ito ay simula pa lamang…
May pagkakataon pa ring tumulong na pondohan ang libo-libong mga pagsasalin ng Biblia. Maaari kang maging bahagi ng pagkilos ng Diyos sa buhay ng mga tao sa buong mundo sa pamamagitan ng pagbibigay ngayon.
Ibahagi sa pamamagitan ng Email
Lahat ng mga ambag na natanggap sa pamamagitan ng kampanya ng Biblia para sa Lahat ay gagamitin lamang para sa layunin ng pagsasalin ng Biblia, at ikakalat sa iba’t-ibang mga proyekto sa pagsasalin na may malalaking epekto. Sa pagtatapos ng bawat proyekto, ang anumang natitirang mga pondo ay gagamitin sa susunod na proyekto sa pagsasalin na napili ng YouVersion at ng mga katuwang nito.