Ano ang mangyayari kapag kumonekta ka sa Diyos sa pamamagitan ng Kanyang Salita?

Daigdig

BIBLIA
PARA SA
LAHAT

Huwag kayong makiayon sa takbo ng mundong ito. Mag-iba kayo sa pamamagitan ng pagbabago ng inyong pag-iisip…

MGA TAGA-ROMA 12:2

Isipin ang panahon kung saan naramdaman mong nabago ang iyong isip, nakita mo ang ilang bahagi ng iyong buhay na nabago. Kung patuloy mong pinapayagan ang Banal na Kasulatan na dumaloy sa iyo, sa pagbabasa o pakikinig dito, walang alinlangang naranasan mo ang kapangyarihan nito na pukawin, hikayatin, at kumbinsihin ka.

Ngayon, mas maraming tao kaysa dati ang maaaring masiyahan sa karanasang iyon.

Salamat sa kabutihang loob ng ating tagapaglathala ng Biblia at mga katuwang sa Bible society, ang YouVersion app ay nag-aalok ngayon ng higit sa 2,500 na mga teksto sa Biblia at higit sa 1,000 mga Biblia sa audio!

Ngunit, gaanong kakaiba ang magiging buhay natin kung lahat ng mga salin ng Biblia na nagbibigay-buhay sa Salita ng Diyos para sa atin … ay biglang mawala? Halos isang bilyong tao pa ang walang ni isang buong salin ng Biblia sa kanilang wika.

At makakatulong ka.

Ang mga katuwang namin sa Biblia ay gumagawa rin upang bigyang-kapangyarihan ang mga tao sa buong mundo na isalin ang Banal na Kasulatan sa kanilang sariling mga wika. At sa sandaling ang isang bagong bersyon ay nakumpleto, ina-upload ito sa isang digital library, upang maibahagi ito sa buong YouVersion Community.

Isipin kung ano ang maaaring mangyari.

Sa pamamagitan lamang ng isang smartphone at isang wireless signal, ang mga taong hindi kailanman nagkaroon ng Biblia sa kanilang wika dati ay maaaring mabuksan ito kaagad, kahit saan mang lugar sila naroon. Kapag nagbigay ka sa Biblia para sa Lahat, tumutulong kang maisakatuparan ito.

Ang aming Pangitain para sa 2033

95% ng populasyon sa mundo
ay magkakaroon ng buong Biblia

99.96% ng populasyon sa mundo
ay makakapagbukas ng Bagong Tipan ng Biblia

100% ng pandaigdigang populasyon ang magkakaroon ng kahit ilang bahagi ng Banal na Kasulatan

Hindi kami titigil hangga’t hindi natatapos ang gawaing ito.

Ibinigay sa atin ng Diyos ang Kanyang Anak, at ang Kanyang Salita. Kapag sinusunod natin ang Kanyang halimbawa ng masaganang pagbibigay, napapalapit tayo sa Kanya. At kapag marami sa atin ang nakilahok sa pangarap na ito, mas mabilis nating madadala ang Salita ng Diyos sa lahat.

Makakasama ka ba namin?

Magbigay

Nakita ko ang napakaraming tao na di kayang bilangin ninuman! Sila’y mula sa bawat bansa, lahi, bayan, at wika. Nakatayo sila sa harap ng trono at ng Kordero… Sinasabi nila nang malakas, “Ang kaligtasan ay nagmumula sa Kordero, at sa ating Diyos na nakaluklok sa trono!”

PAHAYAG 7:9-10

FacebookIbahagi sa Facebook

TwitterIbahagi sa Twitter

EmailIbahagi sa pamamagitan ng Email


Lahat ng mga ambag na natanggap sa pamamagitan ng kampanya ng Biblia para sa Lahat ay gagamitin lamang para sa layunin ng pagsasalin ng Biblia, at ikakalat sa iba’t-ibang mga proyekto sa pagsasalin na may malalaking epekto. Sa pagtatapos ng bawat proyekto, ang anumang natitirang mga pondo ay gagamitin sa susunod na proyekto sa pagsasalin na napili ng YouVersion at ng mga katuwang nito.

Nais naming ibahagi ang aming mga pagpapala.

Mundo

Biblia para
sa Lahat

“Ang Diyos ay nagdadala ng kahima-himalang paglago…”

Kung ikaw ay bahagi ng Komunidad ng YouVersion, alam mong ginagawa namin ang lahat para matulungan kang hanapin ang Diyos sa araw- araw.

Kung pinasisigla ka man ng Panalangin, Mga Gabay, Bersikulo ng Araw — o anupaman — lahat ng ginagawa namin ay nakasentro sa Salita ng Diyos.

Ngunit paano kung wala kang Biblia?

Halos isang bilyong tao ang wala nito. Hindi ito simpleng usapin ng pagpapadala ng mga Biblia sa kanila. Ang Biblia ay literal na wala sa kanilang katutubong wika … sa ngayon. Ngunit maari kang makatulong para baguhin iyon.

Ang ilan sa atin ang siyang nagtatanim ng katotohanan ng Diyos, sa buong mundo. Ang iba ay ang nagdidilig ng itinanim. Ngunit kakailanganin tayong lahat, na nagtutulungan, upang matiyak na ang Kanyang Salita ay makakarating sa lahat.

Tulungan kaming maisalin ang Salita ng Diyos
sa bawat wika pagsapit ng

2033

Ang aming Pangitain para sa 2033

95% ng populasyon sa mundo
ay magkakaroon ng buong Biblia

99.9% ay magkakaroon kahit
papaano ng Bagong Tipan

100% ay magkakaroon kahit papaano ng
isang bahagi ng Banal na Kasulatan

100 sa pinakamadalas na gamitin sa mundo
na wikang nasusulat ay magkakaroon ng
hindi bababa sa 2 salin sa Biblia

“Ngunit ako ay 1 tao lamang…”

Gayunpaman, kung ano ang pipiliin mong gawin sa sandaling ito ay maaaring makaapekto sa milyong tao:

Sa 4 na taon,
higit 3.7 milyong dolyar
ang naiambag,
para sa 27 milyong katao
sa 16 na mga bansa.

Ngayong alam mo na …
ano ang iyong gagawin?

Magbigay sa Biblia para sa Lahat

3 Paraan Para Makatulong

Icon ng Ibahagi

Ibahagi

Maaari mong ibahagi ang blog post na ito sa iyong mga kaibigan sa social media upang ipalaganap.

Icon ng Panalangin

Manalangin

I-save ang espesyal na panalanging ito sa iyong Bible App, at samahan kami sa pagdarasal para sa mga tagasalin ng Biblia na nagtatrabaho na upang matupad ang layuning ito.

Icon ng Pagbibigay

Magbigay

Dalhin natin ang Salita ng Diyos sa bawat bansa at bawat wika. Sumali sa pagkilos na ito ng Diyos, at tuparin natin ang pangitain na makarating ang Biblia para sa Lahat.1

Magbigay Ngayon

FacebookIbahagi sa Facebook

TwitterIbahagi sa Twitter

EmailIbahagi sa pamamagitan ng Email

Mga Tala

1 Lahat ng mga ambag na natanggap sa pamamagitan ng kampanya ng Biblia para sa Lahat ay gagamitin lamang para sa layunin ng pagsasalin ng Biblia, at ikakalat sa iba’t-ibang mga proyekto sa pagsasalin na may malalaking epekto. Sa pagtatapos ng bawat proyekto, ang anumang natitirang mga pondo ay gagamitin sa susunod na proyekto sa pagsasalin na napili ng YouVersion at mga kasosyo nito.

Narito ang paraan kung paano mo masisigurong magkakaroon ng pinakamalaking epekto ang iyong mapagkawanggawang pagbibigay sa taong ito.

Lalaking nasa telepono

Ito ay personal.

Natatandaan mo ba noong una mong mapagtantong talagang mahal ka ng Diyos? Na ninanais Niyang magkaroon ng pakikipag-ugnayan sa iyo? Ang mga sandaling katulad nito ang dahilan kung bakit masidhi ang aming pagnanasang matulungan ang mga taong kumonekta sa Diyos.

Lumaki ako sa simbahan, ngunit hindi ko talaga nakilala o minahal ang Diyos. Nang mamatay ang lolo ko, nakaramdam ako ng lungkot at matinding kapighatian… at naisip ko pa ngang magpakamatay. Pinadalhan ako ng kaibigan ko ng link sa Josue 1:9. Nagpasya akong i-download ang app dahil sa bersikulong iyon. Sumubok ako ng isang debosyonal, na siyang tumulong sa akin upang maunawaan ko ang Diyos at ito ang umakay sa akin upang maging malapit sa Kanya. Isang araw na nagbabasa ako sa aklat ng Mga Awit, naramdaman kong tinatawag ako ng Diyos: hinahabol ako nitong nag-uumapaw, walang taros na pag-ibig. Nanalangin akong kasama ang aking pastor, at ang ang kabigatan ay nawala. Binago ni Jesus ang buhay ko. Ngayon ay minamahal ko na ang Panginoon at pinaglilingkuran ko Siya araw-araw. Salamat, Jesus!

NATHAN, ALABAMA, USA

Kapag nagbibigay ka sa YouVersion, namumuhunan ka sa isang bagay na may walang hanggang kapalit: mga buhay na binago.

Magbigay

Babaeng nasa telepono

Ito ay makasaysayan.

Ang pagbabasa o pakikinig sa Salita ng Diyos ay may kapangyarihang baguhin ang mga buhay. Pinalalakas namin ang aming teknolohiya upang matulungan ang henerasyong ito upang sila ang maging pinakamasigasig sa Biblia sa ating kasaysayan. Kapag nagbigay ka sa YouVersion, matutulungan mo kaming madala ang Banal na Kasulatan sa mas marami pang mga tao, sa mga lugar tulad ng India, Poland, Guatemala, at Nigeria. Mga taong tulad ni Hazel:

Maraming taon akong sinisindak, at may pinagdaraan akong isang kasawian. Ayokong mapag-isa ako sa aking mga pag-iisip. Isang araw ay binuksan ko ang YouVersion at nabasa ko ang Bersikulo ng Araw. Iyon ang perpektong salita ng pagpapalakas ng loob, kaya naging ugali ko nang gawin iyon. Araw-araw ay magsisimula ako sa Bersikulo ng Araw, pagkatapos ay babasahin ko ang Kabanata kung saan kinuha ang bersikulo, at matatagpuan ko na lamang ang sarili kong nasa kalagitnaan ng isang Kuwento. Nakita kong inalis ni David ang baluti ni Saul at kinuha ang kanyang tirador. Naglakad ako sa palasyo kasama si Ester. Nakiiyak ako kay Ana. Nakita ko ang sarili ko sa kanilang mga kahinaan at kapintasan. Ginamit ng Diyos ang YouVersion upang maging buhay sa akin ang Kanyang salita. Binago ng YouVersion ang buhay ko, simula sa Bersikulo ng Araw hanggang sa Mga Gabay.

HAZEL, NIGERIA, AFRICA

Anong mangyayari kung ang bawat tao sa mundo ay agad-agad na makukuha ang Salita ng Diyos sa kanilang sariling wika? Sabay nating tuklasin.

Magbigay

Babaeng nagte-text sa telepono

Ito ang mahalaga.

Sa buong mundo, parami nang parami ang mga taong bumabaling sa Salita ng Diyos upang marinig kung anong nais Niyang sabihin sa kanila. Kapag nagbigay ka sa YouVersion, matutulungan mo kaming ikonekta sila sa Kanya. Ang bawat isa sa mga taong ito ay may pangalan, may kuwento. Katulad ni Hazel. Katulad ni Jenny:

Hindi maganda ang nangyayari sa aming buhay may-asawa. Pasama nang pasama ang buhay ko, Nasa simula ako ng isang emosyonal na pakikipagrelasyon. Nag-iipon ako ng lakas ng loob na ipadala sa kanya ‘ang’ teks: ang teks na babago sa aming relasyon mula sa pagiging magkaibigan patungo sa bawal na pakikipagrelasyon. Natatakot ako, habang isinusulat ko ang alam kong maaaring maging sanhi ng pagtatapos ng aking buhay may-asawa. Ngunit ang Espiritu Santo ay nakikipaglaban para sa akin. Ang salitang TUKSO ay saglit na dumaan sa aking mga mata. Hindi ko alam kung anong dapat kong gawin, kaya binuksan ko ang YouVersion at isinulat ko ang salitang ‘tukso’ sa patlang sa paghanap. Habang binabasa ko ang bawat bersikulong ipinapakita sa akin ng app, pumatak ang mga luha ko. Tinawag ko ang pangalan ni Jesus, at lumayo ang diyablo. Binura ko ang teks na iyon at tinapos ko na ang pag-uusap. Kung wala ako ng Bible App na iyon noong araw na iyon, hindi ko alam kung anong maaaring nangyari. Salamat na sa tuwina ay nariyan at napakalapit ng Kanyang mga salita!

JENNY, COLORADO, USA*

Noong 2008, inilunsad namin ang YouVersion nang may 15 Biblia lamang, na nakasalin sa dalawang wika. Ngayon, salamat sa pagiging bukas-palad ng aming mga kasamahang may magandang pagtingin sa hinaharap — at sa suportang pinansyal ng mga taong katulad mo — isang pribilehiyo para sa aming maghandog ng mahigit sa 2,000 na bersyon, na may nilalamang mahigit sa 1,300 na wika.

Huwag mo itong kaligtaan.

Magbigay

FacebookIbahagi sa Facebook

TwitterIbahagi sa Twitter

EmailIbahagi sa pamamagitan ng Email


Mga Tala

* Pinalitan ang pangalan at lokasyon, upang maprotektahan ang pribasya.

Paano kung ang iyong susunod na desisyon ay mag-iiwan ng isang pamana?

Mga bukas na kamay

Anong maaari mong gawin upang gawing isang mas mabuting lugar ang mundo?

Iukol ang iyong sarili sa
mas mahalagang bagay.

Ngayon ay Giving Tuesday, isang pagkilos kung saan ang mga tao ay nagbibigay para sa isang layunin na pinagmamalasakitan nila at upang pukawin ang ibang tao sa pagkilos.

Ang mga tao sa buong mundo ay nakakaranas na ng nakapagpapabago ng buhay na kapangyarihan ng Salita ng Diyos: ang Bible App ng YouVersion ay na-install na sa halos 400 milyong magkakaibang device. Iyan ay ilang milyong mga tao na pinalalapit ng Diyos sa Kanya… at simula pa lamang iyan.

Sa isang pindot lang, makakatulong kang magkaroon ng pangwalang hanggang epekto sa henerasyong ito at sa mga susunod pa.

Sumali sa pandaigdigang kilusan ng YouVersion sa pamamagitan ng pagbibigay, at pagkatapos ay ibahagi ang inyong kuwento sa social media sa pamamagitan ng hashtag na #GivingTuesday. Hikayatin mo ang iyong mga kaibigan at pamilyang sumama sa iyo, at sama-sama nating palakasin ang sambayanan ni Cristo:

Magbigay Ngayon

Paano Maglinang ng Isang Pusong Mapagbigay

Babaeng nakaupo sa isang upuan na nanonood ng paglubog ng araw

Pasasaganain niya kayo sa lahat ng bagay upang mas marami ang inyong matulungan. Sa gayon, lalong darami ang magpapasalamat sa Diyos dahil sa inyong tulong na dadalhin namin sa kanila.

2 MGA TAGA-CORINTO 9:11
(dinagdagan ng diin)

Pagbibigay — magbigay ng mas malaki, maghandog, ibigay sa pagmamay-ari ng ibang tao para sa kanilang paggamit.

Anong pinakamahalaga mong pagmamay-ari? Maaaring ito ang pinakamahalagang bagay na pagmamay-ari mo, katulad ng bahay na pinagtrabahuhan mo ng matagal na panahon upang makuha mo. Ngunit, maaari rin naman itong isang larawan ng mahalagang pagsasama ninyo ng mahal mo sa buhay. O maaaring ito ay isang mahalagang regalo mula sa iyong kaibigan.

Ang halagang ibinibigay natin sa “mga bagay” na nasa atin ay may kaakibat na emosyon. Kung paano natin pinipiling gamitin ang mga bagay na pinahahalagahan natin ay nagpapakita ng tunay na prayoridad natin.

Sapagkat kung saan naroroon ang iyong kayamanan, naroroon din ang iyong puso.

MATEO 6:21

Walang masama sa pagkakaroon ng mga bagay, o sa pagtatamasa ng mga ito. Ang problema ay kapag hinahawakan na tayo ng mga ito. Ipinakita sa atin ng Diyos ang pagiging mapagbigay nang isinakripisyo Niya ang pinakamahalagang kayamanan Niya para sa atin. Kapag nagbibigay tayo tulad Niya, at pinararangalan natin Siya sa ating pagbibigay, nagiging malapit tayo sa Kanya.

Sapagkat gayon na lamang ang pag-ibig ng Diyos sa sangkatauhan, kaya’t ibinigay niya ang kanyang kaisa-isang Anak, upang ang sinumang sumampalataya sa kanya ay hindi mapahamak, kundi magkaroon ng buhay na walang hanggan.

JUAN 3:16 (may dagdag na diin)

Narito ang 3 simpleng mga bagay kung paano mo masisimulang magsanay na maging mapagbigay:

Magbigay Ka ng Panahon Mo

Nakikilahok ka ba sa nangyayari sa pamayanan mo? O sa iyong lansangan? O sa iyong kapitbahay? Maaari kang magsanay na maging mabuting taga-pakinig kahit saan: habang nagtatapon ka ng basura, habang namimili ka sa pamilihan, habang nag-eehersisyo ka sa gym. Humanap ka ng pagkakapareho mo sa ibang tao, at katagpuin mo sila saan man sila naroroon sa buhay nila, nang may kabutihan at paggalang.

Hamon: Sa susunod na pakikipag-ugnayan mo sa isang tao, kumustahin mo ang araw nila. Pagkatapos ay makinig. Maging tunay na interesado ka sa kanila. Gawin mong tungkol sa kanila ang sandaling iyon, hindi tungkol sa iyo.

Gamitin ang Mga Kaloob na Bigay sa Iyo ng Diyos

Saang mga aspekto ka binigyan ng natatanging kaloob? Ginagamit mo ba ang mga kaloob at talento mo upang dalhin ang mga tao kay Jesus? Isa sa mga kilalang talinhaga ni Jesus ay tungkol sa paggamit sa mga ibinigay ng Diyos sa atin sa pinakamabisang pamamaraan.

Hamon: Maghanap kung saan mo maaaring simulang gamitin ang iyong mga kaloob upang maglingkod sa ibang tao. Magsimula sa maliit at sa inyong lugar, o sa pangmalakihan. Basta magsimula ka.

Mamuhunan ng Iyong Pera

Ang lupon ng mga mananampalataya na itinuturing mong tahanan ay ang unang lugar kung saan ka nararapat mamuhunan.

Maliban sa iyong ikapu, narito ang dalawang pagpipilian kung saan ka maaaring taimtim na makapagbigay:

Pagsasalin sa Biblia

Luntiang palaso

YouVersion

Luntiang palaso

Ngunit ito ay dalawang ideya lamang. Ang Diyos ay kumikilos sa puso ng mga tao sa buong mundo.

Hamon: Humanap ng isang pagkilos ng Diyos na matindi ang iyong paniniwala, at ilagay ang iyong kayamanan kung saan naroon ang iyong puso: Pagbibigay.

FacebookIbahagi sa Facebook

TwitterIbahagi sa Twitter

EmailIbahagi sa pamamagitan ng Email

Ang bawat isa’y dapat magbigay ayon sa sariling pasya, maluwag sa loob at di napipilitan lamang, sapagkat iniibig ng Diyos ang kusang nagbibigay nang may kagalakan.

2 MGA TAGA-CORINTO 9:7