Do’n sa mga burol, ako’y napatingin

Psalm 121 - I will life up my eyes to the hills

1  
Do’n sa mga burol, ako’y napatingin— sasaklolo sa akin, saan manggagaling?

2  
Ang hangad kong tulong, kay Yahweh magmumula, sa Diyos na lumikha ng langit at ng lupa.

3  
Di niya ako hahayaang mabuwal, siya’y di matutulog, ako’y babantayan.

4  
Ang tagapagtanggol ng bayang Israel, hindi natutulog at palaging gising!

5  
Si Yahweh ang ating Tagapag-ingat, laging nasa piling, upang magsanggalang.

6  
Di ka maaano sa init ng araw, kung gabi ay di ka sasaktan ng buwan.

7  
Si Yahweh ang siyang sa iyo’y mag-iingat, sa mga panganib, ika’y ililigtas.

8  
Si Yahweh ang siyang sa iyo’y mag-iingat saanman naroon, ika’y iingatan, di ka maaano kahit na kailan.

Psalm 121 in Tagalog

Psalm 121 in English

Ang post na ito ay makikita rin sa: Ingles Afrikaans Indonesian Aleman Espanyol Pranses Italyano Dutch Portuguese Romanian Russian Hapon Chinese (Simplified) Chinese (Traditional) Korean Polish Thai Ukrainian Vietnamese

CategoriesUncategorized