Manguna sa pagkamapagbigay, at tumulong na baguhin ang mga buhay.

Mapa ng YouVersion

Mayroon kaming mapa sa YouVersion. Sa tuwing binubuksan ng isang tao ang app, isang tuldok ang umiilaw nang ilang segundo. Sa amin, ang bawat isa sa mga tuldok na ito ay kumakatawan sa isang tao, isang kuwento, isang buhay. Ang aming mapa ay nagsisilbing paalala sa tuwina para sa amin na, bawat sandali ng bawat araw, nais naming tulungan kang kumonekta sa Kanya na humahawak sa lahat ng kailangan mo.

Lalo na habang papalapit ang Pasko ng Pagkabuhay, nag-iisip kami ng mga paraan upang matulungan kang maging mas malapit sa Diyos sa taong ito. Sa Mateo 6, itinuro ni Jesus ang tungkol sa tatlong tradisyunal na paraan kung saan ang maraming Cristiano ay ibinabaling ang kanilang pansin sa kaharian ng Diyos sa ganitong panahon:

“Kapag nag-aayuno ka…
Kapag nagdarasal ka…
Kapag nagbibigay ka…”

MATEO 6

Sa paraan kung paano Niya ipinaliwanag ang bawat isa, malinaw na inaasahan ni Jesus ang Kanyang mga tagasunod na gawin ang tatlong ito. Kapag sinusuportahan mo ang YouVersion sa pananalapi, nililinang mo ang isang pusong mapagbigay, at ang kaloob mo ay gumagawa ng walang hanggang pagbabago sa buhay ng mga tao, sa buong mundo.

Maging bahagi ng pagbabago sa buhay na nakikita natin araw-araw.

Magbigay Ngayon

FacebookIbahagi sa Facebook

TwitterIbahagi sa Twitter

EmailIbahagi sa pamamagitan ng Email

Share this post:

Paano gagawing makabuluhan ang iyong oras:

Takipsilim sa ibabaw ng tubig

O Diyos, ako’y siyasatin, alamin ang aking isip, subukin mo ako ngayon, kung ano ang aking nais; kung ako ay hindi tapat, ito’y iyong nababatid, sa buhay na walang hanggan, samahan mo at ihatid.

MGA AWIT 139:23-24

Huminto ka at huminga nang malalim. Habang ginagawa mo ito, pagbulay-bulayan ang nakaraang taon. Ano ang ginawa ng Diyos sa iyong buhay mula noong Pasko ng Pagkabuhay 2020?

Kapag ikaw ay nasa kalagitnaan ng isang mahabang panahon, madali mong makalimutan kung ano ang ginagawa ng Diyos sa gitna ng iyong kalagayan. Iyon ang isa sa mga dahilan kung bakit napakahalaga ng pagbubulay sa Salita ng Diyos: nakakatulong ito sa atin na magdahan-dahan at alalahanin na ang Diyos ay tapat sa bawat panahon ng buhay.

Habang ika’y naghahanda para sa Linggo ng Pagkabuhay, gumugol ng ilang sandali upang pagbulay-bulayan ang katapatan ng Diyos sa pamamagitan ng pag-aaral ng Bersikulo ng Araw.

Narito ang 3 mga paraan upang magawa iyon:

Kung mayroon kang 5 minuto…

Buksan ang iyong Bible App, at hanapin ang Bersikulo ng Araw. Bago ka magsimulang magbasa, hilingin sa Diyos na ipaalam Niya sa iyo ang anumang nais Niyang ipakita sa iyo. Pagkatapos, basahin nang dahan-dahan ang bersikulo, habang binibigyang pansin ang anumang mga salitang namumukod-tangi sa iyo.

Tanungin ang sarili: Ano ang inihahayag ng bersikulong ito patungkol sa katangian ng Diyos? Ano ang pangunahing punto ng talatang ito? Paano ko ito maipamumuhay sa araw-araw?

Tapusin ang sandaling ito sa pamamagitan ng paghingi sa Diyos ng tulong sa pagbubulay sa bersikulong ito sa buong maghapon.

Kung mayroon kang 15 minuto…

Kapag nabasa mo na ang Bersikulo ng Araw, i-tap ang “Paghambingin ang Mga Bersyon” at piliin ang 3-5 na mga bersyon ng Biblia na nais mong paghambingin. Basahin ang bawat bersyon at bigyang pansin ang anumang mga pagkakaiba-iba ng wika. Pahintulutan ang mga pagkakaiba na bigyan ka ng mas malawak na pag-unawa sa bersikulo.

Tanungin ang sarili: Paano ipinapahayag ng bersyon ang teksto? Ano ang natututunan ko tungkol sa Diyos sa pamamagitan ng paghahambing ng mga bersyon? Anong mga salita o parirala ang namumukod-tangi sa akin?

Isulat ang anumang ipinakita sa iyo ng Diyos, at pagkatapos ay hilingin sa Kanyang tulungan ka upang maisabuhay ang bersikulong ito.

Kung mayroon kang 30 minuto…

Gugulin ang unang limang minuto sa pag-aalaala ng anumang mga alalahanin o mga problema na umaagaw sa iyong pansin. Hilingin sa Diyos na ipakita sa iyo ang mga katotohanan sa Kanyang Salita, pagkatapos ay dahan-dahang basahin ang Bersikulo ng Araw at paghambingin ang mga bersyon.

Pagkatapos mo itong magawa, i-type ang sangguniang bersikulo sa Tuklasin upang tingnan ang mga mapagkukunang may kaugnayan dito. Pumili ng isang sanggunian na pag-aaralan bilang bahagi ng iyong pagbubulay.

Tanungin ang sarili: Anong pananaw ang ibinibigay ng sangguniang ito? Paano nito naiimpluwensiyahan o napatutunayan kung ano ang ipinapakita sa akin ng Diyos sa bersikulo ngayon? Ano ang ipinahihiwatig nito sa akin, at paano ko ito maipamumuhay?

Kapag ikaw ay natapos na, isulat ang 2-3 na bagay na iyong nakuha sa pag-aaral ng Banal na Kasulatan. (Maaari mo rin na subukan ang pamamaraan sa pag-aaral na ito.)


Kapag natapos mo na ang iyong pagbubulay-bulay, gumugol ng ilang minuto upang humiling sa Diyos na paalalahanan ka sa buong maghapon ng lahat ng iyong natutunan. Ulitin ang prosesong ito araw-araw hanggang sa Linggo ng Muling Pagkabuhay.

FacebookIbahagi sa Facebook

TwitterIbahagi sa Twitter

EmailIbahagi sa pamamagitan ng Email

Share this post:

Narito ang paraan kung paano manatiling nakatuon kay Jesus:

Ang pagsikat ng araw sa itaas ng bundok

Maghanda para sa Higit Pa

Sa ngayon, anong kumukuha ng iyong pansin at humaharang upang maging mas malalim ang relasyon mo sa Diyos?

Ang pagpapatahimik ng ingay sa ating buhay ay nangangailangan ng oras, ngunit ito ay isa sa mga dahilan kung bakit maraming mga Cristiano ang nagsasagawa ng Kuwaresma. Ang layunin ng Kuwaresma ay hindi upang gawing “mas mahusay” ang iyong buhay, kundi upang isentro ang iyong buhay sa kung ano ang pinakamahalaga: ang Nag-iisang lumikha sa iyo at namatay para sa iyo.

Sa panahon ng Kuwaresma, muling tumuon at maghanda para sa Linggo ng Pagkabuhay sa pamamagitan ng paglapit sa Diyos gamit ang mga sumusunod na Gabay sa Biblia. (At, ang lahat ng mga Gabay na ito ay maaari ring ibilang sa 21-Araw na Hamon.)

Tingnan ang Iba Pang Mga Gabay para sa Kuwaresma

Share this post:

Ipinakikilala ang Tuklasin: Isang bagong paraan upang maghanap

Tuklasin ang maliliit na bersyon ng mga larawan

Ang Maghanap ay Tumuklas na ngayon

Ano ang sinasabi ng Biblia tungkol sa pag-asa? Paggaling? Kapayapaan? Kagalakan? Paghihirap? Ngayon, hindi lang paghahanap sa isang paksa ang maaari mong gawin, maaari mo ring matuklasan ang lahat tungkol dito.

Icon ng Tuklasin

IPINAPAKILALA

Tuklasin

Makita ang higit pa
sa iyong hinahanap.

Tuklasin sa telepono

Sa na-update na tampok na ito,
maaari mong matuklasan ang…

Icon ng Mga Gabay

Mga Napapanahong Gabay

Tingnan ang mga Gabay at paksa sa Biblia na pinakapopular.

Icon ng Puso

Mga Sagot para sa Bawat Damdamin

Masaya? Malungkot? Nasasabik? Natataranta? I-type ang iyong damdamin sa search bar at maghanap ng nauugnay na nilalaman.

Icon ng Tuklasin

Ang iyong Mga Paboritong Guro sa Biblia

Hanapin ang pastor o tagapagsalitang gusto mo at kunin ang lahat ng kanilang Mga Gabay at Video App sa Biblia sa isang lugar.

Icon ng listahan

Isang isinapersonal na listahan ng nilalaman

Kumuha ng mga awtomatikong mungkahi batay sa nilalamang pinakagusto mo.

Tuklasin ang … ng higit pa.

Upang simulang gamitin ang Tuklasin, i-update ang iyong YouVersion Bible App at pagkatapos ay mag-tap sa Discover icon (Icon ng Tuklasin). Habang nagta-type ka, sisimulan ng Tuklasin ang mga awtomatikong mungkahi. Maaari mo ring i-tap muli ang icon ng paghahanap kapag handa ka nang makita ang lahat ng iyong mga resulta sa paghahanap.

Tingnan kung may Update

Lumapit kayo sa Diyos, at lalapit siya sa inyo.

Santiago 4:8

Share this post:

Maaari ka pa ring sumali sa Hamon!

21-Araw na Hamon

Anong pagpili ang kailangan mong gawin upang mapalapit ka sa Diyos ngayon?

Isang paraan upang mapalapit kay Jesus ay sa pamamagitan ng pagkumpleto ng 21-Araw na Hamon! Tapusin ang 21 araw ng Gabay bago matapos ang Pebrero, at tandaan: Ngayon ang huling araw upang magsimula.

Maghanap ng Gabay:

Tumingin Pa ng mga Gabay

Share this post: