Maaari ka pa ring sumali sa Hamon!

21-Araw na Hamon

Anong pagpili ang kailangan mong gawin upang mapalapit ka sa Diyos ngayon?

Isang paraan upang mapalapit kay Jesus ay sa pamamagitan ng pagkumpleto ng 21-Araw na Hamon! Tapusin ang 21 araw ng Gabay bago matapos ang Pebrero, at tandaan: Ngayon ang huling araw upang magsimula.

Maghanap ng Gabay:

Tumingin Pa ng mga Gabay

Share this post:

Sumulong: Simulan ang 21-Araw na Hamon!

21-Araw na Hamon

Anong tahakin ang binibigyan mo ng Iyong panahon?

Lahat tayo ay nasa isang takbuhin na inilagay ng Diyos sa ating harapan. At bawat araw ay kailangan nating pumili kung magpapatuloy ba tayo patungo sa dulo ng takbuhin, o lalayo sa ating pagkatawag at sa ating Tagapagligtas.

Ang hinaharap ay wala pang kasiguraduhan, kaya’t nakakatuksong magpakabagal at tumigil sa pagpapatuloy ng mga magagandang espirituwal na kagawian. Ngunit ang mga gagawin mo sa araw na ito ay magpapasya sa direksyon ng iyong buhay. Kaya nga ang pagdedesisyong maging malapit sa Diyos araw-araw ay mahalaga.

Sa pagsisimula ng Pebrero, hamunin ang sarili mong ituon ang iyong mga mata kay Jesus araw-araw at gawing kaugalian ang paglalaan ng panahon para sa Diyos sa pagsali sa 21-Araw na Hamon.

Magkamit ng 21-Araw na Hamon na Badge sa pamamagitan ng pagkukumpleto ng kahit isang Gabay sa isang araw sa loob ng 21 araw bago matapos ang Pebrero.

21-Araw na Hamon na Badge

Upang masulit ang iyong Hamon, anyayahan ang ilan sa mga mapagkakatiwalaang Kaibigan na samahan ka. (At huwag palampasin ang anumang araw sa pamamagitan ng pagse-set up ng mga pang-araw-araw na paalala sa iyong mga setting ng Gabay.) Kung natapos mo ang iyong Gabay bago matapos ang Hamon, magsimula ka lamang ng isa pa at magpatuloy!

Ngayon—simulan na ang Hamon!

Tingnan ang iba pang mga Gabay

FacebookIbahagi sa Facebook

TwitterIbahagi sa Twitter

EmailIbahagi sa pamamagitan ng Email

Share this post:

Malapit na magsimula ang 21-Araw na Hamon!

21-Araw na Hamon

Buong tiyaga tayong tumakbo sa paligsahang ating sinalihan. Ituon natin ang ating paningin kay Jesus na siyang pinagmumulan at kabuuan ng ating pananampalataya. Dahil sa kagalakang naghihintay sa kanya, hindi niya ikinahiya ang mamatay sa krus, at siya ngayo’y nakaupo sa kanan ng trono ng Diyos.

MGA HEBREO 12:1-2

Ang Enero ay karaniwang isang panahon kung saan inaayos natin ang ating buhay at inihahanda ang ating mga puso para sa susunod na gagawin ng Diyos. Ngunit kapag ang hinaharap ay tila walang kasiguraduhan, maaaring matuksong hindi ipagpatuloy ang isang magandang kagawian at ang mga pangmatagalang layunin.

Kung saan natin sinasanay ang ating mga isipang tumuon ay nakakaapekto sa ating kakayahang magtiyaga sa loob ng mahabang panahon—kaya nga mahalagang ipagpatuloy natin ang masigasig na pagtataguyod kay Jesus.

Kapag hinahangad mo ang kalooban ng Diyos para sa iyong buhay, sa paglipas ng panahon ay masasalamin sa iyong buhay ang Kanyang katangian. Kaya’t sa buwan ng Pebrero, hamunin ang iyong sariling gawing araw-araw na kagawian ang pagbibigay ng oras sa Kanya sa pamamagitan ng pagkukumpleto ng 21-Araw na Hamon.

Opisyal na Mga Patakaran

Ang 21-Araw na Hamon ay magsisimula sa Pebrero 1, 2021 at magpapatuloy hanggang sa katapusan ng buwan.

Tiyaking lahat ay may tsek

Magkamit ng 21-Araw na Hamon na Badge sa pamamagitan ng pagkukumpleto ng kahit isang Gabay sa isang araw sa loob ng 21 araw bago matapos ang Pebrero.

21-Araw na Hamon na Badge

Upang masulit ang iyong Hamon, anyayahan ang ilan sa mga mapagkakatiwalaang Kaibigan na samahan ka. (At huwag palampasin ang anumang araw sa pamamagitan ng pagse-set up ng mga pang-araw-araw na paalala sa iyong mga setting ng Gabay.) Kung natapos mo ang iyong Gabay bago matapos ang Hamon, magsimula ka lamang ng isa pa at magpatuloy!

Pindutin ang buton sa ibaba upang maghanap ng mga nais mong Gabay. Maaari mong pindutin ang Itabi upang Mabalikan sa anumang Gabay na gusto mo, at pagkatapos ay magsimula sa Pebrero 1.

Piliin ang Iyong Mga Gabay

FacebookIbahagi sa Facebook

TwitterIbahagi sa Twitter

EmailIbahagi sa pamamagitan ng Email

Share this post:

Makipag-ugnayang muli sa mga taong mahal mo.

Taong nasa video call

Video call sa telepono

Mabuhay, Nang Magkasama

Maglaan ng sandali upang isipin ang tungkol sa mga tao sa buhay mo. Kanino ka pumupunta kapag kailangan mo ng magpapalakas ng loob at ng suporta?

Anyayahan silang samahan ka sa Bible App.

Bumuo ng isang pamayanan na nakasentro sa Salita ng Diyos sa pamamagitan ng pagkumpleto ng Mga Gabay kasama ang mga Kaibigan, pagsusulat ng mga nakapagpapalakas ng loob na komento, at pagbabahagi ng mga kahilingan sa Panalangin sa bawat isa.

Kumonekta sa mga Kaibigan at simulan ang pagbuo ng mga relasyon habang nangangako kayong mabuhay nang magkakasama.

Imbitahin ang Mga Kaibigan

Share this post:

Kami ay nananalangin para sa iyo sa taong ito.

2021

O Diyos, batid mo ang lahat ng mga bagay. Alam mo kapag umuupo kami, at kapag kami ay tumatayo. Alam mo ang aming mga iniisip kahit na malayo kami—walang maitatago sa Iyo.

Kaya nga sa taong ito, magkaroon nawa kami ng higit na kamalayan sa Iyong kalooban at sa Iyong mga paraan sapagkat ang mga ito ay mas mahusay kaysa sa amin. Lumikha Ka sa amin ng malinis na puso at isipan, sapagkat ang hangarin namin ay higit na makilala Ka.

Alam namin na Ikaw ay mabuti kahit dumadaan kami sa mga bagay na hindi maganda. Kaya’t mangyaring tulungan Mo kaming magtiwala sa Iyo. Ipakita Mo sa amin kung paanong mangarap kasama Ka—kahit na pakiramdam namin ay hindi posible ang mangarap.

Dahil binibigyan Mo kami ng lakas at pag-asa, hayaan Mong ang Iyong kapayapaang hindi kayang maunawaan ng tao ang siyang mag-ingat sa aming mga puso at isipan.

Aming Diyos, iniibig Ka namin, at nais naming panatilihing nakatuon ang aming mga mata sa Iyo. Kaya narito kami, Panginoon. Gamitin Mo kami. Hubugin Mo kami. Nakikinig ang Iyong mga anak.

Sa Pangalan ni Jesus,

Amen.

I-SAVE ANG PANALANGING ITO

Share this post: