
Patuloy na makipag-ugnayan sa
iyong mga kaibigan.
Ang Biblia ay puno ng mga kuwento ng mga taong nagdiriwang nang sama-sama sa masasayang panahon… at nagtutulungan sa mga panahon ng kagipitan. Kailangan mo ng mga pakikipag-ugnayan sa mga malalapit na kaibigang mapagkakatiwalaan. At ngayon, higit kailanman, kailangan ka nila.
Sino ang mga kakilala mong magpapalakas ng loob mo?
“Nagbabasa ako ng Mga Awit sa aking telepono. Tinanong ko ang aking asawa kung ayos lang bang basahin ko ang isang kabanata nang malakas sa iba’t-ibang salin. Mula nang araw na iyon, nagbabasa na kami ng isa o dalawang kabanata tuwing gabi bago matulog. Ganap na binago nito ang kasiglahan ng aming pagsasama.”
Debbie L.
Sino sa mga kakilala mo ang magmamahal sa iyo?
Sino sa mga kakilala mo ang magbibigay-inspirasyon sa iyo?
“Mas malawak ang aking pag-unawa sa Kaisipan ng Diyos sa pamamagitan ng mga pananaw ng aking mga kaibigan. Nakikipag-ugnayan rin ako sa marami kong mga kaibigan sa iba’t-ibang panig ng mundo, at nagbabahaginan kami at pinalalakas ang loob ng bawat isa. Ang galing!”
Eme I.
Sino sa mga kakilala mo ang hahamon sa iyo?
Sino sa mga kakilala mo ang magdarasal para sa iyo?
Anyayahan ang iyong mga kaibigan upang samahan ka
sa Bible App ngayon.
Paano mo binabasa ang Biblia? 🤔

Kahit tapat kang nagbabasa ng Biblia araw-araw, ang kaalaman kung saan magsisimula (at kung papaano ipoproseso ang iyong binabasa) ay maaaring maging nakakalito. Gayunpaman, upang lumago ang iyong pananampalataya, mahalagang magtatag ng pundasyon sa Salita ng Diyos. Kaya, saan ka magsisimula? Paano mo uumpisahan — at ipagpapatuloy?
Ugaliing pag-aralan ang Biblia araw-araw at matuto kung papaano isasabuhay ang Salita ng Diyos sa iyong buhay gamit ang listahang ito ng mga Gabay sa Biblia.
![]() |
|
![]() |
Pag-aaral ng Espirituwal na Disiplina |
![]() |
|
![]() |
|
![]() |
|
![]() |
|
![]() |
🙌 Si Jesus ay BUHAY!
Ipagdiwang ang muling pagkabuhay ni Jesus kasama namin!
2,000 taon ang nakalipas nang lumakad si Jesus sa mundo, kung kaya’t alam Niya kung paano maging katulad natin. Alam Niya rin kung ano ang kapalit Niya upang tayo ay iligtas… at gayunpaman ay pinili pa rin Niya na gawin ito. Sa araw na ito, ipagdiwang natin ang Kanyang kapangyarihan laban sa kamatayan!
Isang Panalangin para sa Ating Mundo

O Diyos, Ikaw lamang ang karapat-dapat ng karangalan, kaluwalhatian, at papuri. Kasama Ka, malalampasan namin ang bawat bagyo — kabilang na ang pandaigdigang epekto ng COVID-19 na nangyayari sa aming mundo.
Sa ngayon, hinihiling po namin sa Iyo na:
- Pagalingin ang mga may sakit at protektahan ang mga wala.
- Bigyan ang aming mga pinuno ng labis na karunungan habang kanilang pinag-aaralan ang pandemya at kawalan ng katiyakan sa ekonomiya.
- Palakasin ang Iyong pandaigdigang Simbahan. Ipakita sa amin kung paano kami dapat na magtulungan upang maabot ang mga pangangailangan ng mga nakapaligid sa amin.
- Payapain ang aming mga takot. Punan Mo kami ng Iyong pag-asa, kagalakan, at kapayapaan habang patuloy kaming nagtitiwala sa Iyo.
- Gamitin ang pandemyang ito upang mabigyang-daan ang espirituwal na pagpapanumbalik. Nais naming ipakita ang Iyong kaluwalhatian, kapangyarihan, at paggaling.
Halika, Panginoong Jesus, halika.
Sa ngalan ni Jesus, Amen.
![]()
Isang Panalangin ng Pagluwalhati sa Ating Diyos

Mahal naming Diyos,
Ang Iyong pangalan ang pinupuri sa bawat salinlahi. Ikaw lamang ang karapat-dapat sa lahat ng kaluwalhatian at papuri.
At hindi na bago sa Iyo ang kalagayan ng mundo ngayon. Ang Inyong kaparaanan ay hindi namin kaparaanan, at hindi nawawaglit sa Iyo sa kung ano ang dapat na gawin. Magagawa Mo ang lahat ng bagay.
Kaya ngayong araw, inihahayag namin na ikaw ay maluwalhati sa pamamagitan ng pandemyang ito. Na ang Iyong pangalan ay kilalanin at purihin sa buong daigdig.
Paliwanagan ang kadiliman ng Iyong ilaw. Sumikat nang napakaliwanag kaysa sa takot sa kamatayan, pagkatalo sa ekonomiya, o isang mahabang quarantine.
Kung babalikan namin ang sandaling ito sa kasaysayan, mapuno nawa kami ng kasiyahan habang inaaalala namin ang pagpapanumbalik, pag-asa, at kapayapaan na naganap sa panahong ito.
Patuloy Mong ilapit ang sugatang mundo na ito sa Iyo.
Sa ngalan ni Jesus, Amen.
![]()








