3 Paraan upang Tulungan ang Iyong mga Anak na Umakma sa Bagong “Normal”

Ina at anak na babae na gumagamit ng isang tablet

Mga magulang, huwag kayong gumawa ng mga bagay na ikagagalit ng inyong mga anak. Sa halip, palakihin ninyo sila ayon sa disiplina at katuruan ng Panginoon.

Mga Taga-Efeso 6:4

Mag-inang tumatawa habang gumagamit ng isang tablet

Kung tulad ka ng karamihan ng mga magulang na kilala namin, araw-araw, ika’y nagsusumikap na mag-asikaso ng makakain, nagugulumihanan sa kanilang pag-aaral, at namamahala sa pagkabagot ng inyong mga anak—lahat ng ito habang patuloy mong pinag-iisipan ang tungkol sa iyong trabaho at inyong hinaharap. Nais naming malaman mo: Kami’y narito para sa iyo.

Anuman ang edad ng iyong mga anak, para bang napakarami ng kanilang mga tanong tungkol sa lahat ng mga nangyayari. Halos isang magdamag, ang lahat ng kanilang pang-araw-araw na gawain na kanilang sinusunod para sa kaayusan ay nagbago. Isa sa mga pinakamabubuting magagawa natin para sa kanila ay ang magpatupad na isang bagong “normal.”

Narito ang 3 bagay na maaari mong subukan sa iba’t-ibang oras sa buong araw upang tulungang umakma ang iyong mga anak:

  1. Tanungin ang iyong mga anak kung ano ang kanilang iniisip. Pagkatapos ay makinig.

Kahit magsabi sila ng mahirap o mga nakakabagabag na mga bagay, subukan mong huwag magpakita ng pag-aalala sa iyong mukha. Kailangan ng iyong mga anak ng isang ligtas na puwang upang magsalita, at ang pagkakataon upang ganap na maipahayag ang kanilang mga saloobin at mga damdamin sa kanilang sariling pananalita.

  1. Maging huwaran na nais mong tularan nila sa iyong pamamahay.

Espirituwal na pangalagaan ang iyong sarili sa panahong ito, nang sa gayon ay maibigay mo ang emosyonal na suporta na kanilang kailangan. Heto ang ilang lugar kung saan ka makahahanap ng kapayapaan at panghihikayat para sa iyo:

  1. Manalangin kasama ang iyong mga anak, sa isang takdang panahon.

Ang Pananalangin o Pagdarasal ay pagkakaroon lamang ng isang pakikipag-usap kasama ang Diyos, pagsasabi sa Kanya kung ano ang iyong iniisip at nadarama, paghingi sa Kanya ng mga bagay na iyong kailangan, at pagpapasalamat sa Kanya (kahit para sa maliliit na tagumpay). Maaari kang manalangin anumang oras, ngunit ang paggawa nito nang magkasama sa umaga, sa oras ng pagkain, at sa oras ng pagtulog ay isang madaling paraan upang magtakda ng isang gawain sa bawat araw. Narito ang isang simpleng halimbawa:

Mahal na Jesus, salamat po para sa aming pamilya. Tulungan Mo po kaming mahalin ang bawat isa, alagaan ang bawat isa, at maging mabait. Mangyaring ipakita Mo nawa sa amin kung paano namin dapat mahalin ang aming mga kapwa at mga kaibigan. Salamat po. Amen.


Bonus! Malinaw na tukuyin ang iyong mga araw.

Kung ang iyong mga anak ay nasanay sa isang lingguhang iskedyul—ikaw na nasa trabaho at sila na nasa paaralan o daycare—maaaring magsimulang maging magulo ang bahay kapag ang lahat ay narito. Ang pagbibigay ng tema sa bawat araw ng linggo ay makatutulong sa iyo na magkaroon ng ritmo, isang pakiramdam ng istruktura. Narito ang ilang halimbawa:

  • Taco Tuesday – Wala kayong sangkap para sa taco? Magpalaman ng tinapay, taco style, at tiklupin ito sa kalahati.

  • Wacky Wednesday – Magsuot ng medyas na hindi magkapares. I-type ang “recipe” sa Google, at gamit ang mga kung anu-anong sangkap na mayroon ka, gawin iyon ng magkasama.

  • Funny Friday – Maglaro. Maging nakakatuwa. Magbiro. Manood ng nakakatawang pelikula o palabas sa TV. Gawing Gabi ng Palaro ang gabi ng Biyernes.

  • Special Sunday – Sambahin ang Diyos nang magkasama. Maghanap ng church service online. (Maraming simbahan ang nagsasagawa ng mga pambatang palabas sa ngayon.) Manood ng video sa Bible App nang magkasama at pag-usapan ito.

FacebookIbahagi sa Facebook

TwitterIbahagi sa Twitter

EmailIbahagi sa pamamagitan ng Email

Share this post:

Isang Panalangin para sa mga Frontliner


Ang sinuman sa inyo na nais maging dakila ay dapat maging lingkod ninyo.

Marcos 10:43

Ama namin sa langit, maraming salamat para sa mga frontliner na nangangalaga, nagtatanggol, at naglilingkod sa amin, pati sa aming mga pamayanan, at mga pamilya. Maraming salamat para sa mga servant leader na ito, na siyang tinawag para sa gawaing ito, at nagsanay para sa ganitong pagkakataon, araw-araw na inaalay ang kanilang sariling kalusugan at kaligtasan para sa iba.

Mangyaring protektahan at ilayo Mo sila sa kapahamakan. Bigyan Mo sila ng kalakasan at katapangan. Ilapit Mo sila sa Iyo, Panginoon, at hayaan silang manahan sa Iyong presensiya sa buong oras na sila ay nagtatrabaho.

Ama, mangyaring ibigay Mo sa kanila ang lahat ng kanilang pangangailangan, kapwa para sa kanilang pinaglilingkuran at para sa kanilang mga minamahal sa buhay. Palibutan Mo sila ng mga taong tutulong at magbibigay ng suporta sa kanila at kani-kanilang mga pamilya, kahit hindi nila iniisip ang kanilang sariling kapakanan makatulong lamang sa iba.

Sinabi Mong magdaranas kami ng kapighatian sa mundong ito, ngunit ito rin ay napagtagumpayan Mo na. Mangyaring tulungan Mo ang mga frontliner, Panginoon, upang tuluyang maganap ang pinakamabuti para sa iyong layunin.

Sa ngalan ni Jesus, Amen.

Icon ng Panalangin

Ipanalangin sa Bible App

I-download ang The Bible App

Share this post:

Humanap ng pampalakas ng loob sa Pamamagitan ng Gabay sa Biblia tungkol sa Pag-asa.

Kung natatagpuan ninyo ang sarili ninyong pinanghihinaan ng loob dahil sa pabago-bagong balita tungkol sa Coronavirus, nasisiraan ng loob dahil sa social media, o nagagapi dahil sa suliranin sa pananalapi, hindi ka nag-iisa.

Kung minsan, tila gumuguho na ang ating mundo, at hindi tayo sigurado kung saan tayo babaling.

Narito ang ilang magandang balita:

Kung naghahanap ka ng pag-asa at nagnanais ka ng kagalakan, ito ay mas malapit kaysa sa iniisip mo.

Sa pamamagitan ng muling pagkabuhay ni Jesus, nabigyan tayo ng isang buhay na pag-asa na nagpapatatag sa ating mga kaluluwa kahit na sa pinakamahirap na panahon.

Puspusin nawa kayo ng Diyos na siyang bukal ng pag-asa, at nawa ay pagkalooban niya kayo ng kagalakan at kapayapaan sa pamamagitan ng inyong pananampalataya, upang mag-umapaw ang inyong pag-asa sa pamamagitan ng kapangyarihan ng Espiritu Santo.

Mga Taga-Roma 15:13

Naghahanap ka ba ng pampalakas ng loob? Maghanap ng pag-asa sa pamamagitan ng isa sa mga Gabay sa Biblia, at mag-imbita ng Kaibigan upang salihan ka.

Marami pang Gabay sa Pag-asa

Share this post:

Isang Panalangin para sa mga May Pinagdadaanan sa Pananalapi

At buhat sa hindi mauubos na kayamanan ng Diyos, ibibigay niya ang lahat ng inyong kailangan sa pamamagitan ni Cristo Jesus

Mga Taga-Filipos 4:19

O Diyos, alam Mo kung ano ang aming pinagdaraanan. At kami’y nagpapasalamat na kaya Mong kunin ang mga pinakamasaklap na kalagayan at gamitin ang mga ito para sa aming kabutihan at Iyong kaluwalhatian.

Kaya Mong panumbalikin ang lahat ng mga bagay—kaya aming hinihiling na Iyong ibalik ang mga nawalang trabaho, pananalapi, mga relasyon, mga pinagkukunan, at mga pag-asa.

Ipakita sa sinumang nakikibaka sa pananalapi na mahigpit Mo silang hinahawakan, at palibutan sila ng mga taong makatutulong sa kanila sa mga oras na ito. Mangyaring tugunan Mo ang kanilang mga agarang pangangailangan habang sila ay nagtitiwala sa Iyo para sa pangmatagalang solusyon.

Palitan Mo ang kanilang mga takot ng pananampalataya habang nalalantad ang Iyong mga mabubuting plano para sa kanila. Sa kanilang paghihintay, panumbalikin mo ang kanilang pag-asa at bigyan Mo sila ng katapangan upang muling mangarap. Paalalahanan Mo sila ng kanilang halaga, at puspusin Mo sila ng kapayapaan.

Aming Diyos, halika at gawin mo ang Ikaw lamang ang makagagawa.

Sa ngalan ni Jesus, Amen.

Icon ng Panalangin

Ipanalangin sa Bible App

Share this post:

Naghahanap ka ba ng mga kasagutan?

Lalaking naghahanap sa telepono

Tayo ay nakatira sa isang mundong walang kasiguraduhan. Subalit anuman ang kinakaharap natin, ang Salita ng Diyos ay nagbibigay ng pag-asa para sa ating kaluluwa. Kung napapaisip ka kung ano ang sinasabi ng Biblia tungkol sa iyong kasalukuyang sitwasyon, subukang maghanap ng mga kasagutan sa iyong Bible App.

Simulan lamang mag-type sa bar ng Hanapin (Icon ng Hanapin) upang makakuha ng mga mungkahi para sa Banal na Kasulatan, mga Bersikulong Larawan, mga Gabay, at iba pa.

Kapag nahanap mo na ang mga kasagutang hinahanap mo, hikayatin ang iyong pamayanan sa pamamagitan ng pagbabahagi sa social media ng pag-asa na natagpuan mo.

Hanapin ang Katotohanan

Share this post: