Mag-isip ng isang inang nagbibigay ng inspirasyon sa iyo…

Ang pag-ibig ay matiyaga at magandang-loob. - 1 Mga Taga-Corinto 13:4 - Bersikulong Larawan

Pagnilayan sa sandaling ito ang lahat ng espesyal na ina na kilala mo… Ang kaibigan na laging nandiyan sa tuwing kailangan mo siya. Iyong kapit-bahay mo na lubos ang pag-aalaga sa kanyang pamilya. Iyong babae sa trabaho na nagbibigay inspirasyon sa iyo na maging pinakamahusay na bersyon ng iyong sarili. At, siyempre, nariyan din ang iyong sariling ina.

Ngayon ay isang magandang araw na sabihin sa lahat ng iyong mga paboritang ina kung gaano mo sila pinahahalagahan. Sabihing “salamat sa iyo” gamit itong espesyal na Bersikulong Larawan. (Karamihan ng mga ina na kilala natin ay matutuwa rin sa tawag sa telepono.)

Ibahagi ang Bersikulong Larawan

Share this post:

Paano Manalangin Kapag Hindi mo Alam Kung Ano ang Ipapanalangin

Babaing nananalangin

Ano ang pumipigil sa iyo na makipag-usap nang regular sa Diyos?

Ang pagiging komportable sa panalangin ay kinakailangan ng pagsasanay. At gayunman—kung nais nating lumago sa ating pananampalataya, mahalagang magkaroon tayo ng tapat na pakikipag-usap sa ating kaugnayang Diyos.

Kaya, kung hindi ka sigurado kung ano ang ipapanalangin tungkol sa…

Narito ang 5 halimbawa ng pang-araw-araw na panalangin:

  1. Manalangin na Makilala ang Diyos

“Sa kanya na makakagawa nang higit pa kaysa maaari nating hilingin at isipin… sa kanya ang kaluwalhatian sa pamamagitan ng iglesya at ni Cristo Jesus magpakailanman…”

Mga Taga-Efeso 3:20-21

Halimbawa:

O Diyos, alam naming Ikaw ang siyang una sa lahat, at ang buong sansinukob ay nananatiling nasa kaayusan sa pamamagitan Mo. Sa Araw na ito, mangyaring maluwalhati ka sa aming mundo. Matagpuan Ka nawa ng mga taong hindi Ka pa natatagpuan. Amen.

  1. Manalangin para sa Mundo

“Lagi kayong maging handa, at patuloy na ipanalangin ang lahat ng hinirang ng Diyos.”

Mga Taga-Efeso 6:18

Halimbawa:

O Diyos, mangyaring ayusin Mo ang mundong ito. Gawin Mo kung ano ang pinakamahusay para sa Iyong kaharian, at punan Mo ang Iyong mga tao ng habag, lakas, at magagandang mga ideya upang kami ay espirituwal na makapag-ambag sa aming mundo. Amen.

  1. Manalangin para sa Iyong Kailangan

“Huwag kayong mabalisa tungkol sa anumang bagay. Sa halip, hingin ninyo sa Diyos ang lahat ng inyong kailangan sa pamamagitan ng panalanging may pasasalamat.”

Mga Taga-Filipos S 4:6

Halimbawa:

O Diyos, alam Mo ang aking kailangan bago ko pa ito malaman. Tulungan Mo akong makatuon sa Iyo, at hindi sa aking mga suliranin. At, pagdating sa aking mga pangangailangan bukas, ako ay nagtitiwala na ako ay Iyong pagkakalooban. Amen.

  1. Manalangin para sa Pagpapatawad

“Kapag kayo’y tumayo upang manalangin, patawarin muna ninyo ang nagkasala sa inyo upang ang inyong mga kasalanan ay patawarin din ng inyong Ama na nasa langit.”

Marcos 11:25

Halimbawa:

O Diyos, Ikaw lamang ang nakakaalam ng aming mga intensyon. Mangyaring patawarin mo ang mga taong nakasakit sa akin dahil sila ay napatawad ko na. At Panginoon, patawarin mo rin ako dahil ako rin ay nagkasala. Mangyaring huwag mo panghawakan ang aming mga pagkakamali laban sa amin. Amen.

  1. Manalangin para sa Paggaling at Proteksyon

“Kung kayo ay may sakit, ipatawag ninyo ang mga pinuno ng iglesya upang ipanalangin kayo at pahiran ng langis sa pangalan ng Panginoon.”

Santiago 5:14

Halimbawa:

O Diyos, napakaraming pagdurusa sa aming mundo. Mangyaring pagaling mo ang mga maysakit at ibalik ang kapayapaan at sigla sa aming mga pagal na kaluluwa. Protektahan Mo ang aming mga katawan at isipan, at bigyan Mo kami ng Iyong lakas upang aming mapaglabanan ang mga tukso at pagsubok. Amen.

Hindi na bago ang mga kaisipang ito—ang mga ito ay ginamit ni Jesus upang turuan ang Kanyang mga alagad kung paano manalangin mahigit 2,000 na taon nang nakalipas:

Ama naming nasa langit,
sambahin nawa ang iyong pangalan.
Nawa’y maghari ka sa amin.
Sundin nawa ang iyong kalooban dito sa lupa,
tulad ng sa langit.
Bigyan mo kami ngayon ng aming pagkain
sa araw-araw; at patawarin mo kami sa aming mga kasalanan,
tulad ng pagpapatawad namin sa
mga nagkakasala sa amin.
At huwag mo kaming hayaang matukso,
kundi iligtas mo kami sa Masama.

Mateo 6:9-13

Upang tulungan kang lumikha ng isang regular na ritmo ng panalangin, subukang lumikha ng isang Listahan ng Panalangin sa loob ng iyong Bible App. Araw-araw, pumili ng ilang mga bagay mula sa listahan na iyon upang pagtuonan. (Maaari mo ring imbitahan ang iyong mga kaibigan upang sumali sa iyong mga mga pakikipag-usap sa Diyos sa pamamagitan ng pagbabahagi ng mga Panalangin sa kanila.)

Sa paglipas ng panahon, makikita mo ulit ang listahan na iyon at mapagninilayan kung ano ang ginawa ng Diyos sa iyong buhay sa mga oras na iyon.

Manalangin Ngayon

FacebookIbahagi sa Facebook

TwitterIbahagi sa Twitter

EmailIbahagi sa pamamagitan ng Email

Share this post:

Narito kung paano ka makatutulong magpalaganap ng pag-asa.

Sa kanya na makakagawa nang higit pa kaysa maaari nating hilingin at isipin, sa pamamagitan ng kanyang kapangyarihang naghahari sa atin!

Mga Taga-Efeso 3:20

Nananatili ka sa loob ng iyong bahay hangga’t maaari, nagsasagawa ng social distancing, at nangangamusta sa iyong pamilya, mga kaibigan, at mga kapitbahay. Nais naming magmungkahi ng isa pang paraan upang magpaabot ng malasakit sa iba.

Mayroong isang makasaysayang nangyayari.

Habang tayong lahat ay may kinakaharap na mga hamon sa gitna ng isang pandaigdigang pandemya, maaaring hindi mo nakikita na tayo rin ay kumakaharap sa isang panahon ng matinding espirituwal na pagkamulat. Sa buong mundo, ang mga tao ay naghahanap ng mga kasagutan at pag-asa. At ang natatagpuan ng milyun-milyon ay isang imbitasyon tungo sa isang relasyon sa Diyos.

Sa nakalipas na anim na linggo ay nasaksihan natin ang pagkilos ng Diyos sa mga kamangha-manghang pamamaraan habang nakita natin ang pinakamalaking pagtaas ng bilang ng paggamit ng app kailanman, kabilang ang mas maraming taong naghahanap sa Biblia ng pag-asa at kapayapaan, pagbabahagi ng mga bersikulo ng Biblia at mga Bersikulong larawan sa iba, at pakikipag-ugnayan sa Salita ng Diyos kasama ng kani-kanilang mga pamilya sa pamamagitan ng Pambatang Bible App. At nakita namin ang mahigit sa 1.6 milyong panalangin na idinagdag sa nakalipas na buwan lamang. Ang aming pamayanan ng mga boluntaryo ay lumalawak rin, sa kanilang paghahandog ng kanilang mga oras at talento upang maglingkod sa pandaigdigang Pamayanan ng YouVersion.

“Binigyan ako ng YouVersion ng access sa Biblia, pinalalalim ang aking kaugnayan sa Diyos at tinutulungan akong kumonekta sa Kanyang Salita sa bawat araw. Isang pagpapala ang magkaroon nito at nagpapasalamat ako na mapaalalahanan ng mga magagandang mensahe sa mga oras ng kaguluhan. ” – Imani S

Ngunit ito ay simula pa lamang.

Alam naming nais ng Diyos na gumawa nang higit pa habang patuloy Niyang inilalapit ang mga tao mula sa buong mundo. Kaya maraming tao ang magbabalik-tanaw sa kabanatang ito sa kasaysayan bilang isang panibagong simula ng kanilang kaugnayan sa Diyos. Ang gawaing ito ay mahalaga ngayon, at mahalaga ito sa kawalang-hanggan.

At maaari kang maging bahagi nito.

Buong-puso kaming naniniwala na ang isang pang-araw-araw na ritmo ng paghahanap ng pakikipag-ugnayan sa Diyos ay may kapangyarihan na magbago ng mga buhay. Ang aming pag-asa na ang bawat tao sa ating pamayanan ay nasa isang mahalagang paglalakbay upang maging kung sino ang nais ng Diyos na maging sila, nananatili sa Kanya, at napapalapit sa Kanya sa bawat araw. Batid namin na napakaraming pangangailangan ng ating mga pamayanan sa ngayon, at kami’y patuloy na nananalangin nang magkakasama para sa ating mundo at para sa lahat ng tao na naghihirap sa pananalapi.

Batid rin namin na maraming nagnanais na suportahan ang gawaing nagbibigay ng pag-asa sa tao. Ikararangal namin na maging katuwang mo sa misyong ito habang patuloy nating ginagabayan ang mga tao mula sa bawat bansa sa Mundo na hanapin ang ating kamangha-mangha, mapagmahal na Diyos bawat araw.

Magbigay sa Youversion

Share this post:

Isang Panalangin para sa Sinumang Nakikipaglaban sa Adiksyon

“MAGDARANAS KAYO NG KAPIGHATIAN SA MUNDONG ITO, NGUNIT TIBAYAN NINYO ANG INYONG LOOB! NAPAGTAGUMPAYAN KO NA ANG SANLIBUTAN.”

Juan 16:33

Ama naming Diyos, salamat sa Iyo at wala kaming paghihirap na imposible para sa iyo na mapagtagumpayan. Ikaw ay ang una sa lahat, at ang buong sansinukob ay nananatiling nasa kaayusan sa pamamagitan Mo.

Ang panahong ito ay mahirap para sa aming lahat, ngunit lalo na para sa aming mga kapatid na nakikipaglaban sa adiksyon. Tulungan Mo silang mapagtanto na hindi ang kanilang mga pakikibaka ang magtatakda sa kanilang pagkakakilanlan o halaga.

Sila ay Iyong mga anak, tinawag ng Iyong Ngalan, at nakalaan para sa Iyong mga layunin. Ipakita Mo sa kanila na nabuwag na ang kanilang mga tanikala.

Tulungan Mo silang mapaglabanan ang tukso upang mayakap nila ang kapuspusan ng Iyong buhay. Bigyan Mo sila ng lakas upang makabangon muli kapag sila ay naguguluhan at nakararamdam ng kalabisan, at palibutan Mo nawa sila ng mga taong aagapay sa kanila sa kanilang mga buhay.

Protektahan Mo ang kanilang mga katawan, puso, at isipan. Huwag Mo silang hayaang matukso, at iligtas Mo sila sa kasamaan.

Sa ngalan ni Jesus, Amen.

Icon ng Panalangin

Ipanalangin sa Bible App

Share this post:

Ano ang nagdadala sa iyo ng pag-asa?

Talk bubble

Lagi kayong maging handang magpaliwanag sa sinumang magtatanong sa inyo tungkol sa pag-asa na nasa inyo.  1 Pedro 3:15

Talk bubble

Gustung-gusto ng lahat ang mabuting balita.

Alam mo ‘yong kuryenteng nararamdaman mo kapag nabigyan ka ng pag-asa ng isang bagay? O kapag napupuno ng kapayapaan ang puso mo? O kapag nasisiglahan ka at lumalakas ang loob mo? Laging sinasabi sa amin ng mga tao ang napakagagandang kaalaman na nahahanap nila sa mga Gabay sa Biblia. At kung gaano kadalas na para bang sakto ang Bersikulo ng Araw sa nangyayari sa kanilang mga buhay.

Sa tuwing nakararanas ka ng isa sa mga a-ha! na sandali na iyon, ibahagi mo ito.

Icon ng Ibahagi

Maaari mong ibahagi ang lahat ng mga bagay mula sa Bible App: bersikulo ng Biblia, mga Bersikulong Larawan, mga Gabay, Panalangin, Badge, mga debosyonal na nilalaman mula sa mga araw ng Gabay. (Maaari mo ring ibahagi ang Bible App.) At madali lang itong gawin! Saan mo man makita ang mga Ibahagi na icon, pindutin mo lamang ito… at ibahagi sa iba ang napakagandang pakiramdam na iyon.

Ibahagi ang Bible App

Share this post: