400 taon. Iyon ang haba ng taon ng paghihintay ng mga Israelita upang iligtas sila ng Diyos mula sa pagkaalipin. Ngunit pagkatapos nilang umalis sa Egipto, hindi sila direktang dinala ng Diyos sa kanilang lupang pinangako.
Sa halip, nagkampo sila sa ibaba ng isang bundok habang binibigyan ng tagubilin ng Diyos si Moises. Sa panahong iyon, ang Bundok ng Sinai ay nalukuban ng kaluwalhatian ni Yahweh.
Ngunit pagkaraan ng 40 araw, ang mga Israelita ay nainip sa pagkaantala…kaya itinakwil nila ang Diyos at ginawa nila ang anumang nakalulugod sa kanila.
Kung naranasan mo nang madismaya sa isang walang katiyakang panahon na mas tumatagal kaysa sa iyong inaasahan, hindi ka nag-iisa.
Ang paghihintay ay maaaring humantong sa pagkabigo at pagkadismaya. Sa mga sandaling iyon, maaari tayong maging mas nakatuon sa ating mga kalagayan na nakakalimutan nating ang Diyos ang may kontrol pa rin. Kung ang Diyos ang may kontrol, maaari nating matanong, kung gayon ay nasaan Siya? Bakit walang nagbabago?
Narito ang tatlong katotohanan na dapat tandaan:
- Ang paghihintay ay nagpapahayag kung ano ang iyong sinasamba
Nang maantala ang mga plano ng mga Israelita, agaran silang nagkasiyahan sapagkat iyon ang talagang pinapahalagahan nila.
Kapag nahahanap mo ang iyong sarili na hindi nasisiyahan sa iyong sitwasyon, ano ang pinagbabalingan mo? Ang pinagtutuunan mo ng pansin ay nagpapakita kung ano ang iyong pinahahalagahan, at kung ano ang iyong pinahahalagahan ay tumutukoy kung ano ang iyong sinasamba.
- Ang paghihintay ay hindi kailangan sayang
Hindi ipinagkait ng Diyos ang Kanyang pangako mula sa mga Israelita –Sila ay inihahanda Niya para rito.
Ang timeline ng Diyos ay naiiba kaysa sa atin, ngunit ang iyong paghihintay ay maaaring naghahanda sa iyo para sa mga plano at layunin na mayroon ang Diyos para sa iyo.
- Ang paghihintay ay tumutulong sa atin na tumuon sa katapatan ng Diyos
Ang katapatan ng Diyos ay hindi nagbabago. Ang Diyos na matiyagang nangalaga at nagbigay para sa mga Israelita ay napagtagumpayan rin ang kamatayan upang ikaw ay makaranas ng buhay na walang hanggan.
Kung nakikita mo ang iyong sarili na napapagod sa paghihintay, tumingala ka at magnilay. Maghanap ng katibayan ng presensiya ng Diyos, at alalahanin mo ang nagawa Niya para sa iyo. Ito ay makakatulong sa iyo na magkaroon ng pag-asa.
Ang pag-asa sa Diyos ay hindi sayang dahil ang Siyang nakagapi sa kamatayan ang Siyang may kontrol pa rin, at Siya ay palaging kumikilos sa iyong paghihintay.
Pagnilayan ang Katapatan ng Diyos