Sa Nakalipas na 5 taon…

Biblia para sa Lahat

BIBLIA
PARA SA
LAHAT

Papalapit na tayo sa lahat.

Mula noong 2017, ang ating Komunidad sa YouVersion ay bukas-palad na nagbigay sa Biblia para sa Lahat—isang kampanyang nakatuon sa pagbibigay ng paraan sa bawat taong makabasa ng ilang bahagi ng Banal na Kasulatan sa kanilang sariling wika pagsapit ng 2033.

Sa nakalipas na 5 taon, ang ating Komunidad ay nag-ambag sa mga proyekto sa pagsasalin ng Biblia para sa 94 na wika sa 35 na bansa, kabilang ang mga proyekto para sa:

  • Mga Wikang Pasenyas
  • Mga binibigkas na wika na walang nakatitik na anyo

Ngunit, hindi tayo tumitigil. Mahigit 3,000 wika pa rin ang nangangailangan ng pagsasalin ng Biblia. Sama-sama, maibibigay natin ang Biblia sa Lahat.

Maging bahagi ng ginagawa ng Diyos sa buhay ng mga tao sa buong mundo sa pamamagitan ng pagbibigay ngayon. Maging 20 piso o 200 piso man ito, maaaring magdulot ng pagbabago ang iyong kaloob!

Magbigay Ngayon

FacebookIbahagi sa Facebook

TwitterIbahagi sa Twitter

EmailIbahagi sa pamamagitan ng Email


Lahat ng mga ambag na natanggap sa pamamagitan ng kampanya ng Biblia para sa Lahat ay gagamitin lamang para sa layunin ng pagsasalin ng Biblia, at ikakalat sa iba’t-ibang mga proyekto sa pagsasalin na may malalaking epekto. Sa pagtatapos ng bawat proyekto, ang anumang natitirang mga pondo ay gagamitin sa susunod na proyekto sa pagsasalin na napili ng YouVersion at ng mga katuwang nito.

Bawat 3 segundo nangyayari ito sa YouVersion…

Taong gumagamit ng phone

Huwag palampasin ang sandaling ito.

Inaasahan naming kapag binuksan mo ang YouVersion, mararamdaman mong tila ito ay ginawa para lamang sa iyo.

At, ito nga.

Ngunit maaaring hindi mo nalalaman na milyun-milyong tao sa buong mundo ang ganito rin ang nadarama.

Dahil sa kabutihang-loob ng ating mga kasama sa paglalathala ng Biblia, nag-aalok ang YouVersion ng mga Biblia sa mahigit 1,800 na wika upang makarating sa mga tao ang Banal na Kasulatan sa wikang madalas nilang ginagamit.

At, ngayong taon,

ang ating pandaigdigang Komunidad ay nakapagbasa ng katumbas ng buong Biblia

bawat 3 segundo.

Pagbilang ng tirang sandali

Ngunit, milyun-milyong tao pa rin ang hindi nakaaalam na ang Salita ng Diyos ay nasa isang tapik lamang…

Sa buong mundo, naghahanap ang mga tao ng pag-asa, kaginhawahan, at kapayapaan. Kapag nagbigay ka sa YouVersion, tinutulungan mo kaming iugnay ang mga taong ito sa Salita ng Diyos.

Magbigay Ngayon

Ang pinakamadaling paraan para mag-ambag sa ating
misyon ay sa pamamagitan ng pag-set up ng umuulit na kaloob.

FacebookIbahagi sa Facebook

TwitterIbahagi sa Twitter

EmailIbahagi sa pamamagitan ng Email

Ano ang iyong pinaglalaanan?

Tao sa telepono

Sama-sama, maaari natin hubugin ang hinaharap.

Kaya’t ating ituon ang ating mga mata hindi sa kung ano ang nakikita, bagkus sa kung ano ang hindi nakikita, sapagkat ang nakikita ay pansamantala, ngunit ang hindi nakikita ay walang hanggan.

2 MGA TAGA-CORINTO 4:18

Ilang linggo pa lamang ang nakakalipas, ating ipinagdiwang ang 500 milyon pag-install ng YouVersion. Ang numerong iyon ay nangangahulugang daan-daang libong mga tao—mula sa iba’t-ibang bansa, nagsasalita ng iba’t-ibang mga wika—ay nasa paglalakbay papalapit sa Diyos … bawat segundo.

00:01

Sa loob ng Isang segundo…

2 mga tao ang nag-install ng YouVersion

1,179 mga tao ang nagbukas ng kabanata ng Biblia

227 mga tao ang nakinig ng kabanata sa audio

4 na tao ang nagsimula ng Gabay sa Biblia

11 mga tao ang nagbahagi ng mga talata sa social media

Iyan ang nangyayari sa loob ng ISANG segundo, bawat segundo, ng bawat araw.

Habang ipinagdiriwang natin ang kahulugan ng mga numerong iyon, alam natin na mayroon pang bilyon na mga tao sa buong mundo ang hindi pa konektado sa Diyos sa pamamagitan ng Kanyang Salita.

Ang YouVersion ay nasa isang misyon upang baguhin iyon, at nais ka naming anyayahan upang maging bahagi nito.

Kung sa iyong palagay sa isang segundo na ang iyong kontribusyon ay walang epekto—na ang bahagi mo ay hindi mahalaga—alalahanin mo kung ano ang ginawa ng Diyos doon sa bawat segundong iyon: Siya ay nagbabago ng mga buhay sa buong mundo, bawat isang segundo, ng bawat isang araw.

Sa nalalapit na pagsasara ng 2021, inaanyayahan ka namin na ituon ang iyong mga mata sa mga hindi mo nakikita. Gawing makabuluhan ang bawat segundo sa pamamagitan ng paglalaan para sa walang hanggan.

Magbigay Ngayon

FacebookIbahagi sa Facebook

TwitterIbahagi sa Twitter

EmailIbahagi sa pamamagitan ng Email

Magbigay sa isang bagay na nagbibigay ng pag-asa

Mapa ng Daigdig

Kung ikaw ay makakatulong na baguhin ang mundo… gagawin mo ba?

Ang pagbibigay ng pag-asang masusumpungan sa Salita ng Diyos ay isa sa pinakamagandang regalong maibibigay natin sa isang daigdig na nahaharap sa kawalan ng pag-asa.

At, ito ay isang regalong nakakapagbago ng lahat.

- Luis R.

“Alam ko ang Biblia, ngunit di ako kailanman nagkaroon ng pagkakataon basahin ito. Hindi ko alam kung saan magsisimula. Ngunit nang simulan kong gamitin ang YouVersion App, naging mas madali ito. Sa pamamagitan ng pagbabasa ng mga Gabay, nakaugalian kong magbasa ng Biblia sa araw-araw– at doon ko natuklasan na mayroong pagbabago sa aking buhay. Sa wakas ay naunawaan ko ang ginawa ni Jesus sa krus, at inanyayahan ko Siya sa aking buhay. Ang buong layunin ko sa buhay ay nagbago. Nais kong pasalamatan ang YouVersion sa paghatid ng Salita ng Diyos at pagbabahagi nito sa milyun-milyong tao sa buong mundo.”

– Luis R.

Mayroong daan-daang milyong taong tulad ni Luis sa YouVersion Community, at hinuhubog ng Diyos ang bawat isa sa kanila sa pamamagitan ng Kanyang Salita.

Ang Salita ng Diyos ay buhay at aktibo … at binabago nito ang mga taong katulad mo.

Ngunit sa bawat tao sa ating pamayanan na lumalapit sa Diyos, mayroong isang tao sa labas ng ating Pamayanan ang hindi pa nakakaranas ng nakapagpapabagong-buhay na kapangyarihan ng Diyos at ng Kanyang Salita. Ikaw ay maaaring makatulong upang mabago ito…

Ngayong Giving Tuesday, gumawa ng agarang epekto na may walang hanggang kaibahan.

Isipin ang tungkol sa pag-asa, kagalakan, at kapayapaan na natagpuan mo sa paglapit mo sa Diyos sa pamamagitan ng YouVersion. Mayroong milyun-milyong mga tao ang hindi pa nakakaalam na ang pinagkukunan na ito ay isang pindot na lamang Ngunit isipin kung anong pagbabago sa buhay ang magaganap kapag natagpuan nila ito.

Tumulong na isulong ang isang pandaigdigang kilusan sa pamamagitan ng pagtataguyod sa kung ano ang ginagawa ng Diyos sa pamamagitan ng YouVersion.

Magbigay Ngayon

Pagkatapos mong magbigay, ibahagi sa social media kung paano ginamit ng Diyos ang YouVersion sa iyong buhay, gamitin ang hashtag na #GivingTuesday, at i-tag kami @YouVersion.

Mayroon bang Biblia sa iyong wika?

Mundo

BIBLIA
PARA SA
LAHAT

Ang mga Salita ng Diyos ay buhay at aktibo, at mayroon ang mga itong kapangyarihan na baguhin ang mga buhay. Kapag Siya ay nagsasalita, ang ilaw ay tumatagos sa kadiliman. Kapag nagsasalita ang Diyos, ang dati ay nagiging bago.

Paano ka hinuhubog ng Salita ng Diyos?

Mayroong milyon-milyong mga tao na naghahanap sa Diyos sa pamamagitan ng Kanyang Salita na makikita sa YouVersion. Sa tuwing bubuksan mo ang app, mayroong kang pagkakataon na makarinig mula sa Diyos sa isang wika na nauunawaan mo—isang wika na nangungusap sa iyo.

…Ngunit paano kung wala ka nito?

Sa ngayon, mayroong higit na 2,500 na mga Salin ng Biblia sa higit na 1,700 mga wika na magagamit sa YouVersion…

Ngunit mayroon pa ring libo-libong mga wika na kailangang maisalin.

Gaano mag-iiba ang iyong buhay kung walang mga Salin ng Biblia na magagamit sa iyong wika?

Sa ngayon, halos isang bilyong tao ang nakikipag-usap sa kanilang mga ina, kanilang mga ama, kanilang mga kapatid, at kanilang mga kapit-bahay sa kanilang wika … ngunit hindi nila kailanman naranasan ang Diyos na nangungusap sa kanila sa pamamagitan ng Kanyang Salita sa kanilang wika.

Ang Biblia ay literal na wala sa kanilang katutubong wika. Ngunit isipin kung ano ang mangyayari sa kanilang mga pamilya, mga pamayanan, at mga bansa kapag nagbago iyon.

Tumulong sa paghubog ng hinaharap ng isang tao.

Sa ngayon, mayroong isang kilusan ng mga taong nakatuon sa pagtulong na maipaabot ang Biblia sa lahat sa taong 2033, at maaari mo kaming tulungang maabot ang layuning ito.

Ang aming Pananaw
para sa 2033

95% ng populasyon ng mundo ay
magkakaroon ng isang buong Biblia

99.9% ay magkakaroon kahit
papaano ng Bagong Tipan

100% ay magkakaroon kahit papaano
ng isang bahagi ng Banal na Kasulatan

Ipaabot natin ang Biblia sa Lahat.

Kapag ikaw ay nagbigay sa Biblia para sa Lahat, iyong tinutulungan ang aming mga pandaigdigang katuwang sa Biblia na isalin ang Banal na Kasulatan sa bawat isang wika. At sa sandaling ang isang bagong bersyon ay nakumpleto, maaari naming gawing magagamit ito ng buong Pamayanan ng YouVersion.

Ang aming pananaw ay makita ang bawat isa na nakaaabot ng kahit sa isang bahagi ng Banal na Kasulatan pagsapit ng 2033—ngunit paano kung nais pang kumilos ng Diyos ng higit pa sa ating iniisip? Paano kung kaya nating maabot ang layuning ito nang mas mabilis pa? At paano kung nais kang gamitin ng Diyos?

Sasama ka ba sa amin?

Magbigay Ngayon

FacebookIbahagi sa Facebook

TwitterIbahagi sa Twitter

EmailIbahagi sa pamamagitan ng Email


Lahat ng mga ambag na natanggap sa pamamagitan ng kampanya ng Biblia para sa Lahat ay gagamitin lamang para sa layunin ng pagsasalin ng Biblia, at ikakalat sa iba’t-ibang mga proyekto sa pagsasalin na may malalaking epekto. Sa pagtatapos ng bawat proyekto, ang anumang natitirang mga pondo ay gagamitin sa susunod na proyekto sa pagsasalin na napili ng YouVersion at ng mga katuwang nito.