O, Magsaya sapagkat…
…ang Panginoon ay naparito!
Hindi ito ang maharlikang pagdating na inaasahan ng sinuman. Gayunpaman, ang pagdating ni Jesus ay nagbago sa lahat. Sa isang iglap, ang Anak ng Diyos ay naging “Diyos na kasama natin”— at paglipas ng 2000 taon, ang ating pagod na mundo ay nagagalak pa rin.
Sa araw na ito, habang naghahanda ka para sa Pasko, gumugol ng kaunting oras upang ipagdiwang ang mapagpakumbabang kapanganakan ni Jesus na naghanda ng daan upang tayo ay makalapit sa Kanya.
Isang Panalangin para sa Kagalakan
Jesus, salamat sa iyong pagiging Emmanuel, “Ang Diyos ay kasama namin.” Dahil sa Iyo kaya maaari kong maranasan ang tunay na kagalakan.
Inaamin kong minsan ay mahirap makaramdam ng kagalakan sa gitna ng napakaraming ginagawa o mahirap na kapaskuhan. Ngunit kapag marami ang pag-aalala ng aking puso, ang Iyong pag-aliw ay nagbibigay sa akin ng bagong pag-asa at saya.
Kaya ngayon, pinipili kong manganlong sa Iyo at magalak. Aawit ako sa kagalakan sapagkat Ikaw ang aking lakas at aking kaligtasan. Sa Iyong presensya mayroong ganap na kagalakan! At dahil sa Iyong mapagpakumbabang pagdating higit sa 2000 taon na ang nakakalipas, nararanasan ko ngayon ang kasiyahan ng Iyong presensya magpakailanman. Salamat.
Sa tuwina ay karapat-dapat Ka sa lahat ng kaluwalhatian, karangalan, at kapangyarihan— at kung anuman ang haharapin ko, pipiliin kong sambahin Ka.
Sa pangalan ni Jesus, Amen.