Hamon: Natapos 🏅

2019 Gitnang-Taong Hamon - Lalaking nakangiti

Ito ay Simula pa Lamang…

Sa nakalipas na dalawang linggo, inanyayahan namin kayo, ang aming Komunidad ng YouVersion sa buong mundo, na samahan kami na mas mapalapit sa Diyos sa pamamagitan ng pagkumpleto ng Gitnang-Taong Hamon ng 2019.

Ang iyong dedikasyon na mas mapalapit sa Diyos at sa ibang tao ay nakakahikayat sa amin. Higit sa 1.2 milyon na mga Badge ang iginawad at 56 milyon mga araw ng Gabay ang nakumpleto!

Ipagpatuloy lang ang Iyong Momentum:

Ang istatistika mula sa mga nakaraang Hamon ay malinaw: kapag nakapagtatag ka ng pang-araw-araw na gawi sa loob ng ilang linggo, matutulungan ka nitong manatili sa iyong bagong kagawian at makamit ang mas mahabang mga Streak at Perpektong mga Linggo sa Biblia.

Sa napakaraming pagpipiliang mga Gabay, palagi kang may dahilan upang gumugol ng oras sa Diyos araw-araw. Lubusin natin ang mga natitirang araw sa 2019… nang magkakasama:

Hanapin ang Iyong Susunod na Gabay

2019 Gitnang-Taong Hamon Badge

Sa lahat ng nakilahok: Salamat sa iyo! Matatanggap mo ang iyong badge para sa Gitnang-Taong Hamon ng 2019 sa mga susunod na araw. (Mahahanap mo ang iyong badge sa “Mga Badge” na bahagi ng iyong Bible App.)

This post is also available in: Ingles Afrikaans Indonesian Aleman Espanyol Pranses Italyano Dutch Portuges (Brazil) Romanian Russian Hapon Chinese (Simplified) Chinese (Traditional) Korean