Isang Panalangin para sa Ating Mundo

Daigdig

O Diyos, Ikaw lamang ang karapat-dapat ng karangalan, kaluwalhatian, at papuri. Kasama Ka, malalampasan namin ang bawat bagyo — kabilang na ang pandaigdigang epekto ng COVID-19 na nangyayari sa aming mundo.

Sa ngayon, hinihiling po namin sa Iyo na:

  • Pagalingin ang mga may sakit at protektahan ang mga wala.
  • Bigyan ang aming mga pinuno ng labis na karunungan habang kanilang pinag-aaralan ang pandemya at kawalan ng katiyakan sa ekonomiya.
  • Palakasin ang Iyong pandaigdigang Simbahan. Ipakita sa amin kung paano kami dapat na magtulungan upang maabot ang mga pangangailangan ng mga nakapaligid sa amin.
  • Payapain ang aming mga takot. Punan Mo kami ng Iyong pag-asa, kagalakan, at kapayapaan habang patuloy kaming nagtitiwala sa Iyo.
  • Gamitin ang pandemyang ito upang mabigyang-daan ang espirituwal na pagpapanumbalik. Nais naming ipakita ang Iyong kaluwalhatian, kapangyarihan, at paggaling.

Halika, Panginoong Jesus, halika.

Sa ngalan ni Jesus, Amen.

Icon ng Panalangin

Idagdag ang Iyong Sariling Panalangin

Isang Panalangin ng Pagluwalhati sa Ating Diyos

Lalaking nananalangin

Mahal naming Diyos,

Ang Iyong pangalan ang pinupuri sa bawat salinlahi. Ikaw lamang ang karapat-dapat sa lahat ng kaluwalhatian at papuri.

At hindi na bago sa Iyo ang kalagayan ng mundo ngayon. Ang Inyong kaparaanan ay hindi namin kaparaanan, at hindi nawawaglit sa Iyo sa kung ano ang dapat na gawin. Magagawa Mo ang lahat ng bagay.

Kaya ngayong araw, inihahayag namin na ikaw ay maluwalhati sa pamamagitan ng pandemyang ito. Na ang Iyong pangalan ay kilalanin at purihin sa buong daigdig.

Paliwanagan ang kadiliman ng Iyong ilaw. Sumikat nang napakaliwanag kaysa sa takot sa kamatayan, pagkatalo sa ekonomiya, o isang mahabang quarantine.

Kung babalikan namin ang sandaling ito sa kasaysayan, mapuno nawa kami ng kasiyahan habang inaaalala namin ang pagpapanumbalik, pag-asa, at kapayapaan na naganap sa panahong ito.

Patuloy Mong ilapit ang sugatang mundo na ito sa Iyo.

Sa ngalan ni Jesus, Amen.

Icon ng Panalangin

Idagdag ang Iyong Sariling Panalangin

Isang Panalangin para sa Iglesia sa Buong Mundo

Babaing nananalangin

Mahal naming Diyos,

Salamat at naging bahagi kami sa Iyong Iglesia sa buong mundo sa sandaling ito. Salamat sa pagkakataong maikalat ang Iyong pag-ibig at pag-asa sa isang mundong nabubuhay sa kadiliman at kawalan ng pag-asa.

Ang Iyong Salita ay nagsasabing kung ang Iyong bayan ay magpapakumbaba, tatalikod sa kasamaan, at tatawag sa Iyong pangalan, sila ay sasagutin at pagagalingin Mo.

Kaya kami, ang Iyong bayan, ay humihingi ng Iyong kapatawaran sa mga panahong pinili naming huwag mahalin ang mga taong inilagay Mo sa aming harapan.

Hayaan Mong ang panahong ito ay magpalakas sa Iyong Iglesia at mapaalalahanan kami kung gaano Mo kamahal ang mundong ito na nagdurusa.

Pagalingin Mo ang aming bayan at gamitin Mo kami upang matugunan ang pangangailangan ng iba. Palaguin mo ang aming pananampalataya habang pinalalago Mo ang Iyong Iglesia sa buong mundo.

Halika, Panginoong Jesus, at gawin Mo ang tanging Ikaw lamang ang makagagawa.

Sa ngalan ni Jesus, Amen.

Icon ng Panalangin

Idagdag ang Iyong Sariling Panalangin

Isang Panalangin para sa Ating Mga Pinuno

Babaing nananalangin

Mahal naming Diyos,

Lahat ng kapangyarihan ay sa Iyo, ngunit binigyan Mo ng kapangyarihan ang aming mga pinuno upang kami ay protektahan at gabayan. Sa araw na ito, hinihiling namin na bigyan Mo ang aming mga pinuno ng karunungan, pag-aninaw, lakas, at pagpapasya. Panatilihin Mo nawa sila na maging malusog, ligtas, at nakapagpahinga upang kanilang mapagpatuloy na kami ay magabayan sa magulong panahon na ito.

Bigyan Mo ang aming mga pinuno sa pamahalaan ng karunungan kung ano ang dapat na gawin upang mapuksa ang virus at mapatatag ang aming ekonomiya.

Bigyan Mo ang aming mga espirituwal na pinuno ng Iyong pag-aninaw kung papaano tutugunan ang mga pangangailangan ng aming mga kababayan habang sila’y patuloy na nagpupuri sa Iyong ngalan at nanghihikayat ng Simbahan.

Bigyan Mo ang aming mga pinunong medikal ng pananaw kung paano patitigilin ang virus. Palakasin mo nawa ang kanilang pagpapasya at parangalan ang kanilang puspusang pagtatrabaho sa paglilikha ng gamot para sa COVID-19.

Bigyan Mo ang aming mga pinuno ng sibiko ng inspirasyon, katapangan, kagalakan, at kalakasan upang matugunan ang mga pangangailangan ng kani-kanilang mga pamayanan.

At tulungan mo nawa Kami, bilang mga pinuno ng aming mga pamayanan, na magpakita ng katapangan, pag-asa, kagandahang loob, at kabaitan. Nawa’y ang paraan ng aming pagpaparangal sa iba ay makapagbigay ng inspirasyon sa mga taong nasa aming paligid.

Sa ngalan ni Jesus, Amen.

Icon ng Panalangin

Idagdag ang Iyong Sariling Panalangin