Ipinakikilala ang… Panalangin sa YouVersion


Mga tapat na pakikipag-usap sa Diyos,
nang sama-sama.

Update sa Panalangin sa YouVersion

Gawing bahagi ng iyong pang-araw-araw na buhay ang Panalangin.

Listahan ng Panalangin sa Home Feed

Sundan ang mga bagay na iyong ipinapanalangin, kasama ang Mga Panalangin na iyong ginawa at ang Mga Panalangin na ipinadala ng iyong Mga Kaibigan.

Ibahagi sa mga Kaibigan

Mag-imbita ng Mga Kaibigan na manalangin para sa iyo. Maaari mong panatilihang kumpidensiyal ang isang Panalangin, kung saan ang nakakakita lang nito ay ang mga taong iyong inimbita, o maaari kang gumawa ng isang Prayer Chain, kung saan maaaring ibahagi ng iyong Mga Kaibigan o Kaibigan ng Mga Kaibigan ang iyong Panalangin.

Mga Update sa Panalangin

Maaari kang magdagdag ng Mga Update sa iyong Mga Panalangin, magmarka ng Panalangin bilang nasagot na, at pati mag-Archive ng Mga Panalangin (upang maitago mo sila, nang hindi lumalabas sa iyong Listahan ng Panalangin).

Manalangin mula sa Bersikulo

Kapag nangungusap sa iyo ang isang bersikulo o sipi mula sa Biblia, maaari mo itong i-save sa iyong Listahan ng Panalangin bilang isang Panalangin.

Panalangin sa YouVersion

Mga tapat na pakikipag-usap sa Diyos,
nang sama-sama.

Update sa Panalangin sa YouVersion

Palagi kayong manalangin, at magpasalamat kayo sa Diyos sa lahat ng pagkakataon; sapagkat ito ang kalooban ng Diyos para sa inyo sa inyong pakikipag-isa kay Cristo Jesus.

1 Mga Taga-Tesalonica 5:17-18

FacebookIbahagi sa Facebook

TwitterIbahagi sa Twitter

EmailIbahagi sa pamamagitan ng Email

NARITO NA ang Resulta sa 21-Araw na Hamon!

Taong nakatayo sa bato - 21-Araw na Hamon

Sa buong buwan ng Pebrero, kayo, ang buong Komunidad ng YouVersion, ay nagsama-sama at nakakumpleto ng higit sa 120 milyong araw ng Gabay — isang walang katulad na tala para sa Hamon!

Binibigyan mo kami ng inspirasyon.

Sa lahat ng nakibahagi sa 21-Araw na Hamon: maraming salamat. Ang inyong pagtatalagang hanapin ang Diyos at ang pamayanan ay ang dahilan kung bakit ang Hamong ito ay matagumpay.

Ngayon… Panatilihin ang iyong pagsulong.

Bawat araw ng Gabay na nakumpleto mo para sa 21-Araw na Hamon ay nakatulong sa iyong sunud-sunod na tagumpay para sa kagawian sa Biblia. Isang paraan upang magtuluy-tuloy ito ay sa pamamagitan ng pagdadagdag sa iyong Mga Perpektong Linggo. Patuloy na magbasa ng isang Gabay araw-araw, mula Linggo hanggang Linggo.

At mula sa libo-libong mga Gabay na mapagpipilian mo, ilang pindot na lamang upang marating mo ang paborito mo:

Hanapin ang Susunod na Gabay

Nakumpleto mo na ang 21-Araw na Hamon? Yay, ikaw na!

21-Araw na Hamon Badge

Upang makita ang iyong badge, pumunta sa iyong profile ( na nasa iyong Bible App) at piliin ang Badges.1

FacebookIbahagi sa Facebook

TwitterIbahagi sa Twitter

EmailIbahagi sa pamamagitan ng Email


1 Kung hindi pa ninyo nakikita ang inyong 21-Araw na Hamon Badge, huwag mag-alala! Maaaring tumagal ng mga ilang araw pa bago mo ito lumitaw.

Ginawa ka para rito…

Burol na balot ng damo

Maglaan ng Panahon sa Kung Ano ang Mahalaga…

Sa dami ng responsibilidad na nakikipag-agawan sa ating pansin sa araw-araw, madaling mawala ang ating tuon mula sa tanging bagay na kinakailangan: kilalanin ang Diyos.

Sa mga susunod na linggo patungo sa Linggo ng Pagkabuhay, nais ka naming anyayahan na maglaan ng ilang oras bawat araw sa paghahanap sa Diyos at paggunita sa kung ano ang ginawa Niya para sa iyo sa pamamagitan ng pakikilahok sa Kuwaresma.

Alamin pa ang tungkol sa panahong ito ng pagmumuni-muni gamit ang isa sa mga espesyal na Gabay na ito.

Magsimula Rito:

Tumingin Pa ng Mga Gabay sa Kuwaresma

Ang pag-ibig ay matiyaga at magandang-loob

Ang pag-ibig ay matiyaga at magandang-loob

4  
Ang pag-ibig ay matiyaga at magandang-loob, hindi maiinggitin, hindi mayabang ni mapagmataas man

5  
hindi magaspang ang pag-uugali, hindi makasarili, hindi magagalitin, o mapagtanim sa kapwa.

6  
Hindi niya ikinatutuwa ang gawaing masama, ngunit ikinagagalak ang katotohanan.

7  
Ang pag-ibig ay mapagpatawad, mapagtiwala, puno ng pag-asa, at mapagtiis hanggang wakas.

8  
Matatapos ang kakayahang magpahayag ng salita ng Diyos, titigil rin ang kakayahang magsalita sa iba’t ibang mga wika, mawawala ang kaalaman, ngunit ang pag-ibig ay walang hanggan.

9  
Hindi pa lubos ang ating kaalaman at ang kakayahan nating magpahayag ng mensaheng mula sa Diyos

10  
ngunit pagdating ng ganap, mawawala na ang di-ganap.

11  
Noong ako’y bata pa, ako’y nagsasalita, nag-iisip at nangangatwirang tulad ng bata. Ngayong ako’y mayroon nang sapat na gulang, iniwanan ko na ang mga asal ng bata.

12  
Sa kasalukuyan, tila malabong larawan ang nakikita natin sa salamin, ngunit darating ang araw na harapan nating makikilala ang Diyos. Bahagya lamang ang nalalaman ko ngayon, ngunit darating ang araw na malulubos ang kaalamang ito, tulad ng lubos na pagkakilala niya sa akin.

13  
Kaya’t ang tatlong ito’y nananatili: ang pananampalataya, pag-asa, at pag-ibig, ngunit ang pinakadakila sa mga ito ay ang pag-ibig.

1 Corinthians 13 in Tagalog

1 Corinthians 13 in English

⏰ Hindi pa huli ang lahat!


Mayroong oras para sa lahat…

21-Araw na Hamon - umaandar na orasan.

…at ito na ang oras mo ngayon.

Ano ang magiging kaibahan sa iyong buhay kung pagpasiyahan mong magbasa ng kaunting Salita ng Diyos araw-araw?

Tutulungan ka ng 21-Araw na Hamon maging pang-araw-araw na gawi ang magkaroon ng oras sa Diyos. Ngunit, ngayon ang huling araw upang simulan ang Hamon at kamitin ang 21-Araw na Hamon Badge nitong taon.

Pumili ng Gabay at magsimula na ngayon!

Simulan Na

Opisyal na Mga Patakaran