Nitong Gitnang-Taong Hamon, Tayo’y Muling Magpokus.

2020 Gitnang-Taong Hamon

Ano ang hitsura ng 2020 para sa iyo? Para sa nakararami sa atin, nitong nakaraang anim na buwan ay naging nakalilito at nakasisira ng loob—na may bahid ng hindi pagkakaisa, sakit, at pagkawala.

Kung ang walang katiyakan ng taong ito ay nagbigay sa iyo ng pakiramdam na malayo ka sa Diyos, hindi pa huli upang muling magpokus sa Kanya. Maaaring hindi natin alam kung ano pang mangyayari sa taong ito, ngunit makakaasa tayo sa mga katotohananang ito: na sasamahan tayo ng Diyos, at lalapit Siya sa atin kapag hinanap natin Siya.

Kaya ginagawa natin ang Gitnang-Taong Hamon: upang tulungan tayong muling ituon ang ating isip sa kung ano ang pinakamahalaga—ang Diyos at ang Kanyang Salita.


Paano Simulang ang Gitnang-Taong Hamon

Nakumpletong Araw ng Gabay

Makamit ang 2020 Gitnang-Taong Hamon Badge sa pamamagitan ng pagkumpleto ng kahit isang araw ng isang Gabay sa 7 sunod-sunod na araw sa buwan ng Hulyo.

Gitnang-Taong Hamon Badge

Upang masulit ang iyong Hamon, mag-imbita ng ilang mga pinagkakatiwalaang kaibigan na sumali sa iyo. At, siguraduhing walang makakaligtaang araw sa pamamagitan ng paggawa ng pang-araw-araw na paalala sa iyong mga setting ng Gabay.

Iyan nga! Handa ng magsimula? Pumili na ng iyong Gabay ngayon:

Tumingin Pa ng mga Gabay

FacebookIbahagi sa Facebook

TwitterIbahagi sa Twitter

EmailIbahagi sa pamamagitan ng Email


Ang isang paanyaya ay maaaring makapagbago ng buhay ng isang tao.

Bible App push notification

Logo ng Bible App

Biblia

ngayon

Nais ni Juan na magbasa ng isang Gabay kasama mo.

Bible App push notification

Ito ang dahilan kung bakit mahalaga ang pamayanan…

Naligaw ng landas si Alex. Siya at ang kanyang asawa ay nakagawa na mga maling pagpapasiya, at sa huli ay nakaramdam sila na para bang wala na silang layunin sa buhay. Ngunit isang araw ay may nag-imbita kay Alex na sumali sa isang grupo ng Gabay sa Biblia sa YouVersion. Dahil sa imbitasyong ito, natuklasan ni Alex ang kapangyarihan ng Salita ng Diyos, at ibinigay niya ang kanyang buhay kay Jesus. Isang taon ang nakalipas, ganoon din ang ginawa ng kanyang asawa.

“Ngayon, pinuno na ako ng isang grupo ng Gabay sa Biblia sa YouVersion, ako at ang aking asawa ay nagbabasa ng Kanyang Salita araw-araw nang magkasama, at kasali pa rin ako sa pareho grupo ng Gabay sa YouVersion… ngunit sila na ngayon ay mga kapatid ko kay Cristo at mga malalapit na kaibigan.”
— Alex

Pag-aasawa

Kapag inimbitahan mo ang isang tao na kumumpleto ng isang Gabay sa Biblia kasama mo, inaanyayahan mo silang maranasan ang nakapagpapabago ng buhay na kapangyarihan ng  Salita ng Diyos.

Ngayon, magsimula ng isang Gabay Kasama ng mga Kaibigan at tingnan kung ano ang gagawin ng Diyos sa iyong puno ng pananampalatayang desisyon na sundan Siya habang gumagawa ng mga alagad.

Magsimula ng Gabay Kasama ng Mga Kaibigan

Ipagdiwang ang ginagawa ng Diyos!

Babaeng nasa parang

Paparating ang isang panibagong panahon…

Anuman ang naganap sa iyong taong hanggang sa kasalukuyan, naniniwala kaming may gustong gawing bago ang Diyos. At dahil patuloy ang pagkilos ng Diyos sa iyong buhay, mahaharap mo ang kahit anong panahon nang may buong katiyakan na lulubusin ng Diyos ang pinasimulan Niya sa iyo.

Panandaliang tumigil upang ipagdiwang ang nagawa ng Diyos sa pamamagitan ng pagbahagi ng isang Bersikulong Larawan na tumatak sa iyo sa iyong mga kaibigan at pamilya.

Magbahagi ng Bersikulong Larawan

Magsabi ng “salamat” sa iyong mga paboritong tatay.

Kung paano nahahabag ang ama sa anak niya, gayon siya nahahabag sa may takot sa kanya. - Mga Awit 103:13 - Bersikulong Larawan

Alalahanin mo lahat ng ama-amahan na nangusap sa iyong buhay. Nagbahagi ng ilang napapanahong karunungan. Nanghikayat sa iyo. Prinotektahan ka mula sa kapahamakan. Iningatan ang iyong kapakanan. Nandiyan kapag kailangan mo sila.

Ngayon araw, bakit hindi mo ipaalam sa mga espesyal na lalaki sa iyong buhay kung gaano sila kahalaga sa iyo? Kailangan lang ng isang sandali upang bigyan sila ng karangalan at pasasalamat. Ibahagi itong nakapanghihikayat na Bersikulong Larawan mula sa iyong Bible App. (Ang isang text o tawag sa telepono ay mabuti rin.)

Ibahagi ang Bersikulong Larawan

Ano ang iyong mga Relationship Goal?

Hilera ng iba't ibang kulay

Magkaroon ng Gabay
para sa Bawat
Relasyon.

Kahit pa ikaw ay walang asawa, nakikipag-date, kasal, o “ito’y komplikado,” ang iyong mga relasyon ay mahalaga sa Diyos. Lahat tayo ay inutusang “Ibigin mo ang Panginoon mong Diyos … at ibigin mo ang iyong kapwa gaya ng pag-ibig mo sa iyong sarili.”

Mapaghamon ang umibig sa iba nang lubos kung hindi Diyos ang una mong iniibig. Ngunit ang pag-ibig sa Diyos ay hindi sapat. Kailangan baguhin ng Kanyang pag-ibig kung paano mo tingnan ang iyong sarili. Upang magkaroon ng mga relationship goal, unang hanapin ang Diyos sa bawat relasyon.

Ito ang ilang mga Gabay sa Biblia
upang tulungan kang makapagsimula:

Mga Gabay sa Relasyon