|
Nananatili ka sa loob ng iyong bahay hangga’t maaari, nagsasagawa ng social distancing, at nangangamusta sa iyong pamilya, mga kaibigan, at mga kapitbahay. Nais naming magmungkahi ng isa pang paraan upang magpaabot ng malasakit sa iba.
Mayroong isang makasaysayang nangyayari.
Habang tayong lahat ay may kinakaharap na mga hamon sa gitna ng isang pandaigdigang pandemya, maaaring hindi mo nakikita na tayo rin ay kumakaharap sa isang panahon ng matinding espirituwal na pagkamulat. Sa buong mundo, ang mga tao ay naghahanap ng mga kasagutan at pag-asa. At ang natatagpuan ng milyun-milyon ay isang imbitasyon tungo sa isang relasyon sa Diyos.
Sa nakalipas na anim na linggo ay nasaksihan natin ang pagkilos ng Diyos sa mga kamangha-manghang pamamaraan habang nakita natin ang pinakamalaking pagtaas ng bilang ng paggamit ng app kailanman, kabilang ang mas maraming taong naghahanap sa Biblia ng pag-asa at kapayapaan, pagbabahagi ng mga bersikulo ng Biblia at mga Bersikulong larawan sa iba, at pakikipag-ugnayan sa Salita ng Diyos kasama ng kani-kanilang mga pamilya sa pamamagitan ng Pambatang Bible App. At nakita namin ang mahigit sa 1.6 milyong panalangin na idinagdag sa nakalipas na buwan lamang. Ang aming pamayanan ng mga boluntaryo ay lumalawak rin, sa kanilang paghahandog ng kanilang mga oras at talento upang maglingkod sa pandaigdigang Pamayanan ng YouVersion.
“Binigyan ako ng YouVersion ng access sa Biblia, pinalalalim ang aking kaugnayan sa Diyos at tinutulungan akong kumonekta sa Kanyang Salita sa bawat araw. Isang pagpapala ang magkaroon nito at nagpapasalamat ako na mapaalalahanan ng mga magagandang mensahe sa mga oras ng kaguluhan. ” – Imani S
Ngunit ito ay simula pa lamang.
Alam naming nais ng Diyos na gumawa nang higit pa habang patuloy Niyang inilalapit ang mga tao mula sa buong mundo. Kaya maraming tao ang magbabalik-tanaw sa kabanatang ito sa kasaysayan bilang isang panibagong simula ng kanilang kaugnayan sa Diyos. Ang gawaing ito ay mahalaga ngayon, at mahalaga ito sa kawalang-hanggan.
At maaari kang maging bahagi nito.
Buong-puso kaming naniniwala na ang isang pang-araw-araw na ritmo ng paghahanap ng pakikipag-ugnayan sa Diyos ay may kapangyarihan na magbago ng mga buhay. Ang aming pag-asa na ang bawat tao sa ating pamayanan ay nasa isang mahalagang paglalakbay upang maging kung sino ang nais ng Diyos na maging sila, nananatili sa Kanya, at napapalapit sa Kanya sa bawat araw. Batid namin na napakaraming pangangailangan ng ating mga pamayanan sa ngayon, at kami’y patuloy na nananalangin nang magkakasama para sa ating mundo at para sa lahat ng tao na naghihirap sa pananalapi.
Batid rin namin na maraming nagnanais na suportahan ang gawaing nagbibigay ng pag-asa sa tao. Ikararangal namin na maging katuwang mo sa misyong ito habang patuloy nating ginagabayan ang mga tao mula sa bawat bansa sa Mundo na hanapin ang ating kamangha-mangha, mapagmahal na Diyos bawat araw.