Malapit na nating maabot ang isang malaking tagumpay!

Ang Biblia ay BUHAY

Isang bagay na hindi kapani-paniwala
ang nangyayari…

Mag-install ng counter sa Bible App

Ang YouVersion ay nasa takdang oras upang maabot ang 500,000,000 pag-install ng app sa nalalapit na panahon.

Sa nakaraang 13 taon, nakita natin ang Diyos na may ginawang higit pa sa maaari nating hilingin, isipin, o akalain sa pamamagitan ng YouVersion.

Nang mailunsad ang App Store noong 2008, ang YouVersion ay isa sa mga unang 200 apps na maaaring magamit. Noong katapusan ng unang linggo, 83,000 katao ang nag-install ng Biblia sa kanilang device. Ngunit ngayon, ang isang Pamayanang nagsimula sa 83,000 na mga pag-download sa isang linggo ay halos umabot na sa kalahating bilyon.

Ang bilang na iyon ay kumakatawan sa mga tao mula sa buong mundo—mula sa iba`t ibang mga bansa at nagsasalita ng iba’t ibang mga wika—na aktibong lumalapit sa Diyos sa pamamagitan ng Kanyang Salita. At isa ka sa kanila.


Logo ng Bible App

Ipagdiwang ang Salita ng
Diyos na kumikilos.

Habang papalapit na tayo sa mahalagang pangyayaring ito sa gitna ng Nobyembre, inaanyayahan namin ang Pamayanan na magdiwang kasama namin na ang Biblia ay Buhay. Kung bubuksan mo ang YouVersion ngayon, makakakita ka ng isang counter na sumusubaybay sa ating pagsulong tungo sa 500 milyong pag-install sa impuntong oras. Kapag nakita mo ang counter, isipin kung ano ang kinakatawan ng bilang na iyon. Pagkatapos, pagbulay-bulayan kung ano ang naisakatuparan ng Diyos sa pamamagitan ng Kanyang Salita, at ipagdiwang ang Kanyang katapatan.


Tingnan kung paanong ang Biblia ay buhay.

Sa mga susunod na linggo, ipagdiwang natin ang makasaysayang sandaling ito — at nais naming sumali ka sa amin!

Simulan ang pagdiriwang sa pamamagitan ng panonood ng espesyal na video na ito, na nagtatampok ng mga taong ang buhay ay binago ng Salita ng Diyos.

(Upang mapanood ang video na ito sa iyong wika, pumunta sa mga setting ng video (gear icon), i-tap ang “Mga Subtitle / CC,” at piliin ang iyong wika.)


Nais mong makakuha ng isang Badge?

Habang tayo ay patungo sa 500 milyon, sumali sa pagdiriwang sa pamamagitan ng pagbabahagi ng YouVersion app sa isang kaibigan!

At kapag ibinahagi mo ang YouVersion mula sa loob ng app, makakakuha ka ng Ibahagi ang YouVersion Badge.

Ibahagi ang badge ng YouVersion

Ibahagi ang YouVersion

This post is also available in: Ingles Afrikaans Indonesian Aleman Espanyol Pranses Italyano Dutch Portuguese Romanian Russian Hapon Chinese (Simplified) Chinese (Traditional) Korean Polish Vietnamese