⏰ Hindi pa huli ang lahat…

Gitnang-Taong Hamon

Hamunin ang iyong sarili na maging malapit kay Cristo.

Nais ng Diyos na baguhin tayo araw-araw at bigyan ng bagong buhay ang ating mga nakagawiang gawain, relasyon, at ang paraan ng ating pagsasalita at pag-iisip.

Ito ang dahilan kung bakit ginagawa natin ang Gitnang-Taong Hamon: ito ay isang pagkakataon na makipagtulungan sa Diyos upang itaguyod ang patuloy na panibagong-sigla.

Hindi pa huli ang lahat upang simulan ang Hamon! Upang makuha ang Badge, kumpletuhin ang hindi bababa sa isang araw ng isang Plano sa loob ng 7 araw na magkakasunod sa Hulyo.

Pumili ng Gabay upang magsimula ngayon:

Tumingin ng iba pang mga Gabay

Dalhin ang iyong krus

Dalhin ang iyong krus

Magiliw siyang tiningnan ni Jesus at sinabi, “May isang bagay pa na dapat mong gawin. Ipagbili mo ang iyong mga ari-arian at ibigay mo sa mga mahihirap ang pinagbilhan, at magkakaroon ka ng kayamanan sa langit. Pagkatapos, bumalik ka at sumunod ka sa akin.” Nang marinig ito ng lalaki, siya’y nanlumo at malungkot na umalis sapagkat siya’y lubhang napakayaman.

Marcos 10:21-22

Pinalapit ni Jesus ang mga tao at ang kanyang mga alagad, at sinabi sa kanila, “Ang sinumang nagnanais sumunod sa akin ay kinakailangang itakwil niya ang kanyang sarili, pasanin ang kanyang krus, at sumunod sa akin. Ang sinumang nagnanais na magligtas ng kanyang buhay ay mawawalan nito; ngunit ang mawalan ng kanyang buhay alang-alang sa akin at sa Magandang Balita ay magkakamit nito.

Marcos 8:34-35

Ang hindi pumapasan ng kanyang krus at hindi sumusunod sa akin ay hindi karapat-dapat sa akin.

Mateo 10:38

Hindi na ako ang nabubuhay ngayon kundi si Cristo na ang nabubuhay sa akin. At habang ako’y nabubuhay pa sa katawang-lupa, mamumuhay ako sa pananalig sa Anak ng Diyos na umibig sa akin at naghandog ng kanyang buhay para sa akin.

Mga Taga-Galacia 2:20

At sinabi niya sa kanilang lahat, “Ang sinumang nagnanais sumunod sa akin ay kinakailangang itakwil niya ang kanyang sarili, pasanin araw-araw ang kanyang krus, at sumunod sa akin. Ang naghahangad na magligtas ng kanyang buhay ay mawawalan nito, ngunit ang mawalan ng kanyang buhay alang-alang sa akin ay magkakamit nito. Ano nga ang mapapala ng tao, makamtan man niya ang buong daigdig kung ang mapapahamak naman ay ang kanyang sarili.

Lucas 9:23-25

Sabi niya, “Ama, kung maaari po ay ilayo mo sa akin ang kopang ito, ngunit huwag ang kalooban ko ang masunod, kundi ang kalooban mo.” [Nagpakita sa kanya ang isang anghel mula sa langit at pinalakas ang loob niya.

Lucas 22:42-43

At pinatay na ng mga nakipag-isa kay Cristo Jesus ang kanilang makasariling pagkatao, pati na ang mga masasamang hilig nito.

Mga Taga-Galacia 5:24

Sinabi ni Jesus sa kanyang mga alagad, “Ang sinumang nagnanais sumunod sa akin ay kinakailangang itakwil niya ang kanyang sarili, pasanin ang kanyang krus, at sumunod sa akin. Ang naghahangad na magligtas ng kanyang buhay ay mawawalan nito; ngunit ang mawalan ng kanyang buhay alang-alang sa akin ay magkakamit nito. Sapagkat ano ba ang mapapala ng isang tao makamtan man niya ang buong daigdig, ngunit mapapahamak naman ang kanyang sarili? Ano ba ang maibabayad ng isang tao para mabawi niya ang kanyang buhay? Sapagkat darating ang Anak ng Tao na kasama ang kanyang mga anghel, at taglay ang dakilang kapangyarihan ng kanyang Ama. Sa panahong iyo’y gagantimpalaan niya ang bawat tao ayon sa ginawa nito.

Mateo 16:24-27

Para sa akin, ang mga pagtitiis natin sa kasalukuyan ay hindi maihahambing sa kaluwalhatiang mahahayag sa atin balang araw.

Mga Taga-Roma 8:18

Mapalad ang taong nananatiling tapat sa kabila ng mga pagsubok; sapagkat matapos siyang subukin, tatanggap siya ng gantimpala ng buhay, na ipinangako ng Panginoon sa mga umiibig sa kanya.

Santiago 1:12

Paano mo ginagawang ugali ang panalangin? Gawin ito:

Taong nananalangin

Gawing bahagi ng iyong pang-araw-araw na buhay ang Panalangin.

Wala sa iyong buhay ang napakalaki o napakaliit para hindi maisaayos ng Diyos. Ngunit kung minsan, kailangan nating mapaalalahanan na maaari tayong makipag-usap sa Kanya anumang oras. Ang mga Paalala sa Panalangin ay tamang-tama para sa panahong kailangan mo ng higit na paghihikayat na gawin ito.

Pumunta lamang sa iyong setting ng mga Push Notification, at i-tap ang, “Ipaalala sa akin na manalangin.” Mula dito, maaari kang mag-set up ng oras bawat araw upang makatanggap ng isang paalala.

Hindi sigurado kung ano ang ipapanalangin? Magsimula dito:

Karagatan

Isang Panalangin para sa Kapayapaan

O Diyos, salamat sa iyong pagkalinga sa amin. Alam mo ang mga bagay na nagbibigay sa amin ng pag-aalala, pagkabalisa, o takot. Sa sandaling ito, mangyaring bantayan Mo ang aming mga puso at isipan sa pamamagitan ng Iyong kapayapaan.

Tulungan Mo kaming ituon ang aming isipan sa Iyo, at sa Iyong Espiritu. Salamat sa Iyong pangako na bibigyan Mo kami ng buhay at kapayapaan. Makakapahinga kami … dahil inililigtas Mo kami.

Icon ng PanalanginManalangin


Mga Bulaklak

Isang Panalangin para sa Paggaling

O Diyos, sinasabi ng Iyong Salita na tumutugon Ka sa mga tao kapag tumatawag sila sa Iyong pangalan, at inililigtas Mo sila. Sa oras na ito, hinihiling namin na pagalingin Mo ang mga may sakit at nasasaktan. At kung darating man ang Iyong pagpapagaling ngayon o 10 taon mula ngayon, patuloy kaming magpupuri sa Iyo, habang naghihintay kami ng mga kasagutan.

Icon ng PanalanginManalangin


Batis sa kagubatan

Isang Panalangin para sa Kapayapaan

Jesus, salamat sa pagtatagumpay Mo sa mundo. Dahil doon, maaari naming maranasan ang pagkakaisa sa Iyo. Tulungan Mo kaming makita ang lahat ng mga paraan kung paano Kang kumikilos sa aming kapaligiran. Ilapit Mo kami sa Iyo, at tulungan Mo kaming ituon ang aming mga mata sa kapakanan ng iba.

Nais naming maranasan ang Iyong kaharian dito sa lupa tulad ng sa langit, kaya’t pag-isahin Mo kami sa layunin, upang walang makapigil sa mga taong naghahanap sa Iyo na maniwala sa Iyo.

Icon ng PanalanginManalangin


Mag-set up ang Mga Paalala sa Panalangin

Alam nating sa lahat ng bagay ay gumagawa ang Diyos para sa ikabubuti ng mga nagmamahal sa kanya

Alam nating sa lahat ng bagay ay gumagawa ang Diyos para sa ikabubuti ng mga nagmamahal sa kanya

28  
Alam nating sa lahat ng bagay ay gumagawa ang Diyos para sa ikabubuti ng mga nagmamahal sa kanya, silang mga tinawag ayon sa kanyang layunin.

29  
Sapagkat sa mula’t mula pa’y alam na ng Diyos kung sino ang magiging kanya at ang mga ito’y pinili niya upang maging tulad ng kanyang Anak. Sa gayon, ang Anak ang naging panganay sa lahat ng maraming magkakapatid.

30  
Ang mga pinili niya noon pang una ay kanyang tinawag; at ang mga tinawag ay kanya ring pinawalang-sala, at ang mga pinawalang-sala ay kanyang binahaginan ng kanyang kaluwalhatian.

31  
Ano pa ang masasabi natin tungkol dito? Kung ang Diyos ay panig sa atin, sino ang makakalaban sa atin?

32  
Kung ang sarili niyang Anak ay hindi niya ipinagkait, sa halip ay ibinigay para sa ating lahat, hindi kaya niya ibibigay sa atin ang lahat ng bagay?

33  
Sino ang makakapagharap ng paratang laban sa mga hinirang ng Diyos, gayong ang Diyos ang nagpapawalang-sala sa kanila?

34  
Sino ang hahatol na sila’y parusahan? Si Cristo Jesus na pinatay, ngunit higit sa lahat ay muling binuhay, ngayon ay nasa kanan ng Diyos upang mamagitan para sa atin.

35  
Sino ang makapaghihiwalay sa atin sa pag-ibig ni Cristo? Ang kaguluhan kaya, ang kapighatian, pag-uusig, pagkagutom, kahirapan, panganib, o kamatayan?

36  
Ayon sa nasusulat, “Dahil po sa inyo’y buong araw kaming pinapatay, turing nila sa amin ay mga tupang pangkatay.”

37  
Hindi! Sa lahat ng mga ito, tayo’y siguradong magtatagumpay sa pamamagitan niya na nagmamahal sa atin.

38  
Sapagkat natitiyak kong walang makapaghihiwalay sa atin sa kanyang pag-ibig. Kahit ang kamatayan, ang buhay, ang mga anghel, ang mga pamunuan o ang mga kapangyarihan, ang kasalukuyan o ang hinaharap

39  
ang kataasan, ang kalaliman, o alinmang nilalang ay hindi makapaghihiwalay sa atin sa pag-ibig ng Diyos na ipinagkaloob sa atin sa pamamagitan ni Cristo Jesus na ating Panginoon.

Romans 8 in Tagalog

Romans 8 in English

Simulan ang Gitnang-Taong Hamon!

Gitnang-Taong Hamon

Ngunit muling lumalakas at sumisigla ang nagtitiwala kay Yahweh. Lilipad silang tulad ng mga agila. Sila’y tatakbo ngunit hindi mapapagod, sila’y lalakad ngunit hindi manghihina.

ISAIAS 40:31

Sandaling pagbulayan ang mga nakaraang buwan. Anong natutunan mo? Anong napagtagumpayan mo? Paano ka naging mas malapit kay Cristo?

Sa sandaling ito, anuman ang mga nangyari noong mga nakalipas na buwan, may pagkakataon tayong hayaan ang Diyos na baguhin ang ating mga isip at kaluluwa.

At isa sa mga pinakamainam na paraan upang makipagtuwang sa Diyos habang kumikilos Siya sa ating mga buhay ay ang magkaroon ng mga bagong hamon. Kaya sa buwang ito, magkasama nating itaguyod si Cristo sa pamamagitan ng pakikilahok sa Gitnang-Taong Hamon.

Paano Simulan ang Gitnang-Taong Hamon:

Makakamit ang 2021 Gitnang-Taong Hamon Badge sa pamamagitan ng pagkumpleto ng kahit isang araw ng isang Gabay sa 7 sunod-sunod na araw sa buwan ng Hulyo.

Gitnang-Taong Hamon Badge

Upang masulit ang iyong Hamon, mag-imbita ng ilang mga pinagkakatiwalaang kaibigan na sumali sa iyo. At, siguraduhing walang makakaligtaang araw sa pamamagitan ng paggawa ng pang-araw-araw na paalala sa iyong mga setting ng Gabay.

Handa ka na bang magsimula? Pumili na ng iyong Gabay ngayon:

Tumingin ng iba pang mga Gabay

FacebookIbahagi sa Facebook

TwitterIbahagi sa Twitter

EmailIbahagi sa pamamagitan ng Email