Isang Panalangin para sa Kagalakan

O, Magsaya sapagkat…

Mundo

…ang Panginoon ay naparito!

Hindi ito ang maharlikang pagdating na inaasahan ng sinuman. Gayunpaman, ang pagdating ni Jesus ay nagbago sa lahat. Sa isang iglap, ang Anak ng Diyos ay naging “Diyos na kasama natin”— at paglipas ng 2000 taon, ang ating pagod na mundo ay nagagalak pa rin.

Sa araw na ito, habang naghahanda ka para sa Pasko, gumugol ng kaunting oras upang ipagdiwang ang mapagpakumbabang kapanganakan ni Jesus na naghanda ng daan upang tayo ay makalapit sa Kanya.

Isang Panalangin para sa Kagalakan

Jesus, salamat sa iyong pagiging Emmanuel, “Ang Diyos ay kasama namin.” Dahil sa Iyo kaya maaari kong maranasan ang tunay na kagalakan.

Inaamin kong minsan ay mahirap makaramdam ng kagalakan sa gitna ng napakaraming ginagawa o mahirap na kapaskuhan. Ngunit kapag marami ang pag-aalala ng aking puso, ang Iyong pag-aliw ay nagbibigay sa akin ng bagong pag-asa at saya.

Kaya ngayon, pinipili kong manganlong sa Iyo at magalak. Aawit ako sa kagalakan sapagkat Ikaw ang aking lakas at aking kaligtasan. Sa Iyong presensya mayroong ganap na kagalakan! At dahil sa Iyong mapagpakumbabang pagdating higit sa 2000 taon na ang nakakalipas, nararanasan ko ngayon ang kasiyahan ng Iyong presensya magpakailanman. Salamat.

Sa tuwina ay karapat-dapat Ka sa lahat ng kaluwalhatian, karangalan, at kapangyarihan— at kung anuman ang haharapin ko, pipiliin kong sambahin Ka.

Sa pangalan ni Jesus, Amen.

MANALANGIN SA BIBLE APP

Ang Diyos ay laging gumagawa ng mga dakilang bagay. Pasalamatan natin Siya!

Bulubundukin

Anong mga bagay ang ipinagpap-asalamat mo?

“Magpasalamat kayo sa Diyos sa lahat ng pagkakataon; sapagkat ito ang kalooban ng Diyos para sa inyo sa inyong pakikipag-isa kay Cristo Jesus.”

1 Mga Taga-Tesalonica 5:18

Kahit ano ang harapin mo, hindi ka iiwan ng kabutihan at awa ng Diyos. Sa katunayan, naghahanda pa Siya ng mga pagpapala para sa iyo sa kalagitnaan ng mahihirap na panahon. Ngunit ang mga katotohanang ito ay hindi laging madaling tandaan, kaya nga ang pagpapasalamat ay mahalaga.

Ang pagpapasalamat ay nakakatulong na ituon ang pansin sa Nag-iisang may kakayahang ibaling ang ating mga problema para sa Kanyang kaluwalhatian at ating ikabubuti. Kaya ngayon, sandali tayong huminto at magpasalamat sa Diyos para sa lahat ng nagawa Niya sa ating buhay.

Isang Panalangin ng Pasasalamat

O Diyos, Ikaw ay mabuti, at ang pag-ibig Mong hindi nagmamaliw ay magpakailanman! Sa pinakamahirap na panahon man, may dahilan ako upang sambahin Ka.

Salamat sa pagbibigay Mo sa akin ng katagumpayan at masaganang buhay kay Jesu-Cristo! Bagama’t hindi ako karapat-dapat, ibinubuhos Mo sa akin ang walang pasubaling pag-ibig at kapatawaran.

Kaya’t anuman ang mangyayari sa hinaharap, sisigaw ako nang may kagalakan dahil kasama Kita. Inaaliw Mo ako at pinagpapala sa harap ng aking mga kaaway. Walang makakahambing sa Iyo at walang sandatang maaaring sumalansang sa Iyo. Sa lahat ng bagay, ako’y higit pa sa mapagtagumpay sa pamamagitan Mo!

Maluwalhati Ka sa pamamagitan ko, O Diyos. Nawa ang mga salita ng aking bibig at pagbubulay ng aking puso ay papurihan ang Iyong pangalan.

Nais kong ang buhay ko ay magbigay kapurihan sa Iyo.

Sa pangalan ni Jesus, Amen.

IDAGDAG SA LISTAHAN NG PANALANGIN

Ngayon, sama-sama tayong manalangin para sa bawat isa

Mga puno sa harap ng mga bundok

“Tibayan ninyo ang inyong loob! Napagtagumpayan ko na ang sanlibutan.”

Pagkasabi ni Jesus ng mga pananalitang ito, ipinanalangin Niya ang Simbahan sa hinaharap upang ito’y “magkaisa,” kung paanong Siya at ang Ama ay iisa, upang ang mundo ay makilala Siya.

Ano ang pagkakaisa?

Ang pagkakaisa ay ang pagkakasama-sama para sa isang layunin at naisin, at napapaloob dito ang pakikipagpalit ng ating kalooban sa kalooban ni Cristo. Bagama’t mahirap ang pagkakaisa, naniniwala si Jesus na ito ay kailangan upang ang mundo ay makilala Siya.

Kapag nililinang natin ang pagkakaisa sa katawan ni Cristo, kinikilala nating si Jesus ang may kontrol at ang Kanyang biyaya ay sapat upang matakpan ang ating pagkakaiba-iba.

Sa araw na ito, hanapin natin ang puso ng Diyos at hilingin sa Kanyang pag-isahin Niya ang Kanyang Iglesia, upang ang mundo ay maniwala sa Nag-iisang ipinadala ng Diyos upang magkaisa tayo.


Jesus,

Salamat dahil napagtagumpayan mo na ang mundo. Dahil dito, maaari na naming maranasan ang pagkakaisang kasama Ka. At dahil maaari kaming maging kaisa sa Iyo, maaari naming maranasan ang pagkakaisa sa ibang tao.

Dahil sa Iyo ang lahat ay nasa kaayusan. Habang hinahangad naming maisentro ang buhay namin sa Iyo, tulungan Mo kaming makita ang lahat ng pamamaraan kung saan Ikaw ay gumagawa sa mundo.

Ilapit Mo kami sa Iyong puso upang makita namin ang isa’t-isa kung paano Mo kami nakikita. Mahihikayat kami nitong bantayan hindi lamang ang sarili naming kapakanan, kundi ang kapakanan ng iba.

Nais naming ang kaharian Mo ay dumating dito sa lupa tulad ng sa langit, kaya pag-isahin Mo kami sa layunin upang walang makahadlang sa mga taong naghahanap sa Iyo na maniwala sa Iyo. Nawa ay maranasan namin ang lubos na pagkakaisa upang malaman ng mundo na sinugo Mo kami at minamahal Mo sila nang walang pasubali.

Halika, Panginoong Jesus, at gawin Mo sa buhay namin ang bagay na tanging Ikaw lang ang makagagawa.

Sa pangalan ni Jesus, Amen.

IDAGDAG SA LISTAHAN NG PANALANGIN

Samahan kami sa pananalangin para sa kapayapaan

Baybayin

Kapag iniisip mo ang kapayapaan, anong dumarating sa isipan mo?


Ang kapayapaan ay maaaring mangahulugan ng maraming mga bagay, ngunit kung ang kahulugan nito ay hindi nakaugat sa Salita ng Diyos, ang kapayapaang ating hinihintay ay anino lamang ng kapayapaang nais ng Diyos na ibigay sa atin.

Sa oras na ito, hilingin natin ang kapayapaan ng Diyos na punuin ang ating buhay at ang ating mundo sa pamamagitan ng pananalangin ng dalawang panalanging ito.

Tamasahin ang Kapayapaan ng Diyos

O Diyos, ang aking buhay ay puno ng mga pagsubok at paghihirap. Minsan, nakakaramdam ako ng kaguluhan at kadalamhatian. Gayunpaman, nagpapasalamat ako na sa bawat sitwasyon ay kasama kita. Sa Iyo, maaari akong magkaroon ng kapayapaan. Kahit na ano ang harapin ko, ngayon ay pinipili kong huwag hayaang maligalig o matakot ang aking puso. Nakatutok ang isip ko sa Iyo at nagtitiwala ako sa Iyo. At habang ginagawa ko iyan, punan Mo ako ng kagalakan at kapayapaan upang sa pamamagitan ng kapangyarihan ng Iyong Banal na Espiritu, mapuno ako ng pag-asa. Bantayan Mo ang aking puso at bigyan Mo ako ng lakas upang mabuhay dala-dala ang kapayapaan Mo. Amen.

I-save ang Panalanging Ito

Kapayapaan para sa ating Mundo

O Diyos ko, salamat dahil napagtagumpayan Mo na ang sanlibutan. Salamat na sa lahat ng bagay ay siguradong matagumpay na kami sa pamamagitan Mo na nagmamahal sa amin. Sa araw na ito at sa araw-araw, tulungan mo kaming “ang masama’y iwasan na at ang gawin ay ang tama; at ang laging pagsikapan ay buhay na mapayapa.” Nawa ay mapanatili namin ang pagkakaisa, at huwag agad kaming magalit.

Nawa’y ang mga salita ko at kaisipan ay kaluguran Mo. Patnubayan Mo kami sa daan ng kapayapaan at dahil itong buhay nami’y maikli lang na panahon, itanim sa isip namin upang kami ay dumunong. Pasaganain mong muli ang aming lupain Panginoon, at pagpalain ang Iyong bayan ng mapayapang buhay. Amen.

I-save ang Panalanging Ito

5 Kaugaliang Makakatulong Upang Maging Ikaw ang Nilalang na Ayon sa Pagkakalikha ng Diyos

Umiikot na mga larawan ng mga taong gumagamit ng Bible App sa telepono

Sundin ang aking halimbawa: Sapagkat ang Anak ng Tao ay naparito hindi upang paglingkuran kundi upang maglingkod…

Marcos 10:45

Ang mga bagay na ginagawa mo nang paulit-ulit ay siyang bumubuo sa iyo bilang isang tao. Ang mga gawi mo ba ay nagpupuspos sa iyo ng karunungan, habag, at kagalakan na siyang kailangan mo upang maglingkod sa ibang tao? Maaaring kalahati na ng 2020 ang lumipas, ngunit hindi pa huli upang magsimulang lumago. Narito ang 5 espirituwal na kaugaliang makakatulong sa iyong maging ang nilalang na ayon sa pagkakalikha ng Diyos:

Hanapin ang karunungan sa Salita ng Diyos.

Babaeng nagtatala habang binabasa ang Biblia sa kanyang telepono

Ang mga Gabay sa Biblia ay tumutulong sa iyo upang matutunan at galugarin mo ang Salita ng Diyos sa maiikling bahagi, nang sandaling oras sa bawat araw, na may kasamang mga maaari mong pagpiliang basahin, pakinggan, o panoorin. Subukan ang isang itinampok na Gabay, o maghanap ayon sa kategorya, paksa—o maging ayon sa nararamdaman. Kapag nagsimula ka ng Gabay, anyayahan ang mga kaibigang samahan ka.

Maghanap ng Gabay >

Masiyahan sa mga pakikipag-usap sa Diyos.

Isang taong nananalangin habang nakabukas ang Bible App sa telepono

Ang panalangin ay simpleng pakikipag-usap sa Diyos tungkol sa kung ano ang nasa isip mo, mag-isa o kasama ng mga kaibigan, at pagkatapos ay pakikinig upang Siya ay magsalita. Ang ating tampok na Panalangin ay tumutulong sa iyo na subaybayan ang mga bagay na iyong ipinapanalangin, Mga Panalanging nilikha mo, at Mga Panalangin na ipinadala sa iyo ng mga Kaibigan mo.

Magdagdag ng Panalangin >

Kumonekta sa biblikal
na pamayanan.

Sama-samang pagpupulong ng grupo

Hindi tayo nakatakdang mabuhay nang mag-isa. Anyayahan ang iyong mga kaibigan na samahan ka sa app, kung saan maaari ninyong galugarin ang Salita ng Diyos nang sama-sama, ibahagi ang inyong mga panalangin sa isa’t-isa, at higit pa. Maghanap mula sa Iminumungkahing Mga Kaibigan sa iyong Home feed, pindutin ang [Icon ng kaibigan], o pumunta sa Atbp, Ibahagi ang Bible App.

Anyayahan ang ilang mga Kaibigan >

Igalang ang Diyos sa pagsamba.

Ang kamay ay nakataas sa pagsamba

Gumugol ng panahon araw-araw upang ipahayag ang paggalang at pagmamahal sa iyong Ama. Awitan Siya. Pasalamatan Siya sa panalangin para sa ginawa Niya sa buhay mo. Sabihin sa ibang tao ang ginagawa Niya. Maghanap sa iyong music streaming service ng salitang “worship” o “praise,” pagkatapos ay makinig upang baguhin ang iyong isip nang may pagpipitagan para sa Kanya.

Alamin ang Higit Pa >

Mamuhunan sa kaharian ng Diyos.

Taong nagbibigay ng donasyon gamit ang telepono

Nagbigay ng halimbawa ang Diyos ng pagkamapagbigay sa pagbibigay sa atin kay Jesus, ang Kanyang napakahalagang pag-aari. Magbigay ng iyong oras sa pamamagitan ng pagiging mas mabuting tagapakinig. Gamitin ang iyong mga talento upang paglingkuran ang iyong pamayanan. Gamitin ang iyong mga kakayahan— una ay sa iyong iglesia— o pag-isipang suportahan ang misyon ng YouVersion.

Marami pang Mga Ideya >

FacebookIbahagi sa Facebook

TwitterIbahagi sa Twitter

EmailIbahagi sa pamamagitan ng Email