Ano ang pumipigil sa iyo na makipag-usap nang regular sa Diyos?
Ang pagiging komportable sa panalangin ay kinakailangan ng pagsasanay. At gayunman—kung nais nating lumago sa ating pananampalataya, mahalagang magkaroon tayo ng tapat na pakikipag-usap sa ating kaugnayang Diyos.
Kaya, kung hindi ka sigurado kung ano ang ipapanalangin tungkol sa…
Narito ang 5 halimbawa ng pang-araw-araw na panalangin:
- Manalangin na Makilala ang Diyos
Halimbawa:
O Diyos, alam naming Ikaw ang siyang una sa lahat, at ang buong sansinukob ay nananatiling nasa kaayusan sa pamamagitan Mo. Sa Araw na ito, mangyaring maluwalhati ka sa aming mundo. Matagpuan Ka nawa ng mga taong hindi Ka pa natatagpuan. Amen.
- Manalangin para sa Mundo
“Lagi kayong maging handa, at patuloy na ipanalangin ang lahat ng hinirang ng Diyos.”
Halimbawa:
O Diyos, mangyaring ayusin Mo ang mundong ito. Gawin Mo kung ano ang pinakamahusay para sa Iyong kaharian, at punan Mo ang Iyong mga tao ng habag, lakas, at magagandang mga ideya upang kami ay espirituwal na makapag-ambag sa aming mundo. Amen.
- Manalangin para sa Iyong Kailangan
Halimbawa:
O Diyos, alam Mo ang aking kailangan bago ko pa ito malaman. Tulungan Mo akong makatuon sa Iyo, at hindi sa aking mga suliranin. At, pagdating sa aking mga pangangailangan bukas, ako ay nagtitiwala na ako ay Iyong pagkakalooban. Amen.
- Manalangin para sa Pagpapatawad
Halimbawa:
O Diyos, Ikaw lamang ang nakakaalam ng aming mga intensyon. Mangyaring patawarin mo ang mga taong nakasakit sa akin dahil sila ay napatawad ko na. At Panginoon, patawarin mo rin ako dahil ako rin ay nagkasala. Mangyaring huwag mo panghawakan ang aming mga pagkakamali laban sa amin. Amen.
- Manalangin para sa Paggaling at Proteksyon
Halimbawa:
O Diyos, napakaraming pagdurusa sa aming mundo. Mangyaring pagaling mo ang mga maysakit at ibalik ang kapayapaan at sigla sa aming mga pagal na kaluluwa. Protektahan Mo ang aming mga katawan at isipan, at bigyan Mo kami ng Iyong lakas upang aming mapaglabanan ang mga tukso at pagsubok. Amen.
Hindi na bago ang mga kaisipang ito—ang mga ito ay ginamit ni Jesus upang turuan ang Kanyang mga alagad kung paano manalangin mahigit 2,000 na taon nang nakalipas:
Upang tulungan kang lumikha ng isang regular na ritmo ng panalangin, subukang lumikha ng isang Listahan ng Panalangin sa loob ng iyong Bible App. Araw-araw, pumili ng ilang mga bagay mula sa listahan na iyon upang pagtuonan. (Maaari mo ring imbitahan ang iyong mga kaibigan upang sumali sa iyong mga mga pakikipag-usap sa Diyos sa pamamagitan ng pagbabahagi ng mga Panalangin sa kanila.)
Sa paglipas ng panahon, makikita mo ulit ang listahan na iyon at mapagninilayan kung ano ang ginawa ng Diyos sa iyong buhay sa mga oras na iyon.