Ang Panalangin ng Panginoon – Ama Namin

Ang Panalangin ng Panginoon - Ama Namin

9  
Ganito kayo mananalangin, ‘Ama naming nasa langit, sambahin nawa ang iyong pangalan.

10  
Nawa’y maghari ka sa amin. Sundin nawa ang iyong kalooban dito sa lupa tulad ng sa langit.

11  
Bigyan mo kami ngayon ng aming pagkain sa araw-araw

12  
at patawarin mo kami sa aming mga kasalanan, tulad ng pagpapatawad namin sa mga nagkakasala sa amin.

13  
At huwag mo kaming hayaang matukso, kundi iligtas mo kami sa Masama!’

Matthew 6 in Tagalog

Matthew 6 in English

Ano ang mga huling salita ni Hesus Kristo sa krus?

Ano ang mga huling salita ni Hesus Kristo sa krus?

Ang pitong sinabi ni Hesus sa krus ay isang makapangyarihan at makabuluhang bahagi ng teolohiya at tradisyon ng mga Kristiyano. Ito ang mga huling salita na binigkas ni Hesus bago siya mamatay sa krus, at nagbibigay ng malalim na kaalaman tungkol sa kanyang kahariang-diyos, kahariang-tao, at huling sakripisyo.

Bawat salita ay may malalim na kahulugan at naglilingkod bilang paalala sa napakalawak na pagmamahal at biyaya na ipinakita ni Hesus sa sangkatauhan sa pamamagitan ng kanyang buhay at kamatayan. Ang mga salita na ito ay pinag-aralan at pinagnilayan ng mga Kristiyano sa loob ng mga siglo, at patuloy pa ring nagbibigay-inspirasyon at kaginhawahan sa mga mananampalataya sa buong mundo ngayon.

Sinabi…ginagawa: Sinabi ni Jesus, “Ama, patawarin mo sila sapagkat hindi nila nalalaman ang kanilang ginagawa.”] Pinaghati-hatian ng mga kawal ang damit ni Jesus. Sila’y nagpalabunutan upang malaman kung kani-kanino mapupunta ang bawat kasuotan niya.

Lucas 23:34

Sumagot si Jesus, “Sinasabi ko sa iyo, isasama kita ngayon sa Paraiso.”

Lucas 23:43

Nang makita ni Jesus ang kanyang ina at ang minamahal niyang alagad na nasa tabi nito, sinabi niya, “Ina, ituring mo siyang sariling anak!” At sinabi niya sa alagad, “Ituring mo siyang iyong ina!” Mula noon, sa bahay na ng alagad na ito tumira ang ina ni Jesus.

Juan 19:26-27

Nang mag-aalas tres na ng hapon, sumigaw si Jesus, “ Eli, Eli, lema sabachthani? ” na ang ibig sabihi’y “Diyos ko, Diyos ko, bakit mo ako pinabayaan?”

Mateo 27:46

Alam ni Jesus na naganap na ang lahat ng bagay. Kaya’t upang matupad ang kasulatan ay sinabi niya, “Nauuhaw ako!”

Juan 19:28

Nang masipsip na ni Jesus ang alak, sinabi niya, “Naganap na!” Iniyuko niya ang kanyang ulo at nalagot ang kanyang hininga.

Juan 19:30

Sumigaw nang malakas si Jesus, “Ama, sa mga kamay mo’y ipinagkakatiwala ko ang aking espiritu!” At pagkasabi nito, nalagot ang kanyang hininga.

Lucas 23:46