Idinagdag sa Panalangin sa YouVersion: Tumugon sa Mga Panalangin sa pamamagitan ng Mga Komento!

Mga Taong Nananalangin

Logo ng Bible App

BIBLIA

ngayon

Nagkomento si Jessica Santos sa isang Panalangin

“Kalayaan mula sa Takot”

Mga Taong Nananalangin

Huwag kayong mabalisa tungkol sa anumang bagay. Sa halip, hingin ninyo sa Diyos ang lahat ng inyong kailangan sa pamamagitan ng panalanging may pasasalamat.

MGA TAGA-FILIPOS 4:6

Ilang linggo lamang ang nakararaan, ibinahagi namin sa iyo ang pinakabagong tampok ng BibleApp, ang Panalangin sa YouVersion. Habang aming patuloy na dinidibelop ang tampok na ito sa nakalipas na mga buwan, hindi namin lubos akalain kung gaano natin ito kakailanganin ngayon. Sa panahon na ito ng kahirapan, tumutulong na ang Panalangin sa YouVersion na subaybayan ang mahigit isang milyong mga panalangin at higit pa.

Kung madalas mong nagagamit ang Panalangin sa YouVersion tulad namin, malamang ay alam mo na rin kung gaano ito nakapagpapalakas ng loob na makita na ipinagdarasal ka ng iyong mga kaibigan, at nagpo-post sila ng update sa kani-kanilang mga Panalangin.

Ngayon ay ibinabalita namin ang bagong adisyon sa Panalangin sa YouVersion na mag-uugnay sa bawat isa sa atin nang higit pa: Mga Komento.

Mga kapatid, ipanalangin natin ang bawat isa. At bilang karagdagan, magbigay din tayo sa bawat isa ng pampalakas ng loob, tulong, at suporta.

Ang Mga Komento sa Panalangin ay sisimulang ilabas nang paunti-unti sa linggong ito. Panatilihing updated ang iyong Bible App upang makita ito.

Tingnan kung may Update

Pagnilayan ang Muling Pagkabuhay…

Hamon para sa Pasko ng Pagkabuhay

Dalawang linggo na lamang at Pasko na ng Pagkabuhay! Paano ka naghahanda para sa Linggo ng Muling Pagkabuhay?

Kumumpleto ng alinmang Pasko ng Pagkabuhay na Gabay ngayon hanggang Pasko ng Pagkabuhay, at makakamit mo ang Easter Challenge Badge. (Upang masulit ang hamong ito, subukan mong mag-imbita ng ilan sa iyong pinagkakatiwalaang mga kaibigan upang salihan ka.)

Pagnilayan natin nang magkakasama ang sakripisyo ni Jesus at ituon natin ang ating mga puso sa nabuhay na Cristo.

Mga Gabay na Pang-Kuwaresma

3 Nakapanghihikayat na Katotohanan na Dapat Tandaan Kapag Mahirap ang Buhay…

Isipin ang mga alagad ni Jesus na kasama Niya sa bangka nang may mapanganib na bagyong bumugso. Hindi sila handang harapin ito at, nagkagulo sila, dahil napagtanto nilang maaari silang mamatay. Sa buong panahong ito ay nangyayari, si Jesus ay mapayapang natutulog.

Sa halip na tingnan ang reaksyon ni Jesus sa kanilang sitwasyon, pinahintulutan ng mga alagad na ang sitwasyon ang magdikta ng kanilang reaksyon.

Matapos humiling kay Jesus na gumawa ng isang bagay, pinapakalma Niya ang bagyo… Ngunit hindi bago tinanong sila, “Bakit kayo natatakot?”

Ang Kanyang mahinahong pagtutuwid sa kakulangan nila ng pananampalataya ay hindi dahil hindi nila pinaniwalaan na maililigtas sila ni Jesus sa bagyo, kundi dahil nahirapan silang maniwala na maitatawid Niya sila mula rito.

Kapag natatagpuan natin ang mga sarili natin sa mga bagyong hindi natin kayang pigilin, paano natin ito tinutugon nang may pananampalataya? Narito ang tatlong nakapanghihikayat na katotohanang dapat tandaan:

1. Ang Diyos ay may kapangyarihan laban sa mga bagyo.

Kung Siya ay hindi nababahala sa hangin at mga alon, hindi ka dapat matakot sa mga ito. Maaaring hindi mo mabago ang iyong sitwasyon, ngunit maaari mong piliing tapat na magtiwala sa Diyos sa gitna nito.

2. Ang pagtutuon ng iyong mata kay Jesus ay naghahatid ng kapayapaan.

Tumitingin ka ba sa laki ng bagyo, o sa Kanya na nagpapatahimik nito? Tanging sa pamamagitan ng pagtutok sa Diyos, na Siyang nakababatid ng bawat kahihinatnan, makakayang pagdaanan ang anumang sitwasyon sa pamamagitan ng Kanyang karunungan at kapayapaan.

3. Si Jesus ay laging nasa bangka mo.

Madaling tumutok sa iyong mga takot kapag hindi mo kayang kontrolin ang iyong hinaharap. Ngunit salamat na lamang, batid ni Jesus ang iyong hinaharap, at lagi Siyang nasa tabi mo. At, tinatawag ka Niyang mabuhay sa pananampalataya, hindi sa iyong nakikita.

Sa tuwing natatagpuan mong nabibigatan ka sa buhay mo, lagi kang may dalawang pagpipilian: maaari kang tumutok sa iyong sitwasyon, o maaari mong ituon ang iyong mga mata kay Jesus.

Kapag pinili mong tingnan si Jesus nang higit sa lahat, makikita mong ang mga bagyong hinaharap mo ay hindi kasing lakas ng Tagapagligtas na pinipiling lumakad kasama mo sa gitna ng bagyo.

Magnilay sa Salita ng Diyos

Hikayatin ang mga kababaihan sa iyong buhay…

Bersikulong Larawan

Paalalahanan ang isang taong hinahangaan siya.

Bakit hindi ibahagi ang mga salitang ito ngayon… sa isang taong humipo sa iyong puso?

Ang iyong kaibigan, na sa tuwina’y tila may pinakamahusay na payo…

Ang iyong kapitbahay, na gumagawa ng isang mahusay na trabaho sa pagpapalaki ng kanyang mga anak…

Ang isang babaeng katrabaho mo, na sa tuwina’y sasabihin sa iyo ang katotohanan, kahit na mahirap…

Ang iyong kapatid na babae, na nakakakilala sa iyo nang higit sa kaninuman — at minamahal ka pa rin…

Ang iyong ina, na sa tuwina’y bahagi ng iyong buhay…

Ang iyong anak na babae, na nagbibigay-inspirasyon sa iyo upang maging isang magulang na karapat-dapat sa kanya…

Ang iyong asawa, dahil hindi mo kayang sabihing, “Mahal kita” ng higit pa sa maraming beses…

Ibahagi ang Bersikulong Larawan

Subukang Gawin ito sa Unang 5 Minuto ng Bawat Araw

Icon ng Bersikulo ng Araw

Kapag nagising ka sa umaga, ano ang una mong ginagawa? Kunin ang iyong telepono at mag-scroll sa Instagram? Suriin ang mga teksto at email? Tingnan ang balita?

Ang mga unang 5 minuto ay maaaring magtakda ng tono para sa iyong buong araw. Anong nararamdaman mo sa mga pagpiling ginawa mo sa oras na iyon? Nabagabag ka ba? Nabahala? Na parang nahuhuli ka na, kahit bago ka pa lamang babangon mula sa kama?

Paano kung aanyayahan mo ang Diyos na magsalita muna sa iyong sa pasimula ng araw? Bukas, bago ka gumawa ng anumang bagay:

2. Basahin o pakinggan ang Bersikulo ng Araw, pansinin ang anumang namumukod-tangi.

Gagamitin natin ang talatang ito bilang isang halimbawa:

Mga minamahal, mag-ibigan tayo sapagkat mula sa Diyos ang pag-ibig. Ang bawat umiibig ay anak ng Diyos at kumikilala sa Diyos.

1 JUAN 4:7

Mga halimbawa ng mga tala na maaari mong gawin:

– Sino ang aking “isa’t-isa”?

– Ang pag-ibig ay nagmula sa Diyos

– Dapat kong “kilalanin ang Diyos” upang makapagmahal ako ng totoo

3. Pag-isipan kung paano mong magagamit ang ipinapakita sa iyo ng Diyos.

Narito ang ilang mga ideya para sa ating halimbawang taludtod:

– Sa araw na ito, dapat kong hikayatin ang isang kaibigan

– Maaari ba akong sumali sa isang pangkat sa aking simbahan at kumonekta sa ibang mga tagasunod ni Jesus?

– Maaari ba akong magbigay ng pagkain para sa isang taong nagdadaan sa mahirap na sitwasyon?

4. Sa pagtatapos, manalangin muli.

Sa oras na ito, hilingin sa Diyos na tulungan ka sa anumang ipinakita niya sa iyo ngayon. Halimbawa:

Ama, salamat sa Iyong perpektong pag-ibig. Mangyaring ipakita Mo sa akin ang mga paraan kung paano ko masisimulang lalo Ka pang makilala. Tulungan Mo akong mahalin ang mga tao sa paraang ginagawa Mo. Mangyaring ipakita Mo sa akin kung ano ang susunod na nais Mong gawin ko. Salamat, Panginoon. Amen.

Ayan yun! Maaari mong gamitin ang parehong pamamaraan araw-araw—sa anumang sipi sa Banal na Kasulatan. O, mas mabuti, mag-subscribe sa Bersikulo ng Araw, at araw-araw ang Bible App ay makakatulong na ipaalala sa iyo upang unahin ang Diyos at ang Kanyang tinig.

Mag-subscribe sa Bersikulo ng Araw