Ating ipagdiwang ang 15 taon ng Bible App!

15

Paano ginamit ng Diyos ang Bible App upang maapektuhan ang iyong buhay? Marahil ito ay isang Bersikulo ng Araw na nangusap sa iyo sa isang mahirap na panahon, o isang panalangin na binasa mo sa tamang oras.

Samahan kami na ipagdiwang ang ginawa ng Diyos sa pamamagitan ng Bible App sa nakalipas na 15 taon sa pamamagitan ng panonood sa espesyal na video na ito mula sa ating tagapagtatag at CEO, si Bobby Gruenewald.

(Upang mapanood ang video na ito sa iyong wika, pumunta sa mga setting ng video (gear icon), pindutin ang “Mga Subtitle/CC,” at piliin ang iyong wika.)

Buhay ang Salita ng Diyos—at binabago nito ang milyun-milyong buhay tulad ng sa iyo.

Mula nang ilunsad ito noong 2008, ang Bible App ay lumago mula sa 83,000 download hanggang mahigit kalahating bilyon sa buong mundo, at ito ang pinakamatagal na gumaganang Biblia sa App Store.

Ang nagsimula bilang isang ideya sa isang paliparan ay naging isang pandaigdigang kilusan na naghahatid ng Banal na Kasulatan sa mga tao sa buong mundo na hindi pa nagawa kailanman.

Ngayon, ang mga tao mula sa lahat ng bansa at wika ay gumagamit ng Bible App upang mas mapalapit sa Diyos araw-araw. At isa ka sa kanila!

Simulan ang buong taong pagdiriwang sa pamamagitan ng pagbabahagi ng malaki at mahalagang pangyayaring ito sa social media!

FacebookIbahagi sa Facebook

TwitterIbahagi sa Twitter

EmailIbahagi sa pamamagitan ng Email

Simulan ang Gitnang-Taong Paghamon!

Gitnang-Taong Paghamon Badge

Nasa kalahati ka na ng taon…

Maging maganda man ang buhay o hindi ito ayon sa inaasahan mo, hindi ka nag-iisa.

Nasaan ka man, narito ang Paghamon sa Gitnang-Taon para tulungan ka!

Sumali sa Paghamon sa Gitnang-Taon at magkamit ng iyong eksklusibong Badge sa pamamagitan ng pagkumpleto ng isang Araw ng Gabay sa loob ng 7 araw na sunud-sunod ngayong Hulyo.

Handa nang magsimula? Pumili ng Gabay:

Tumingin ng iba pang mga Gabay

FacebookIbahagi sa Facebook

TwitterIbahagi sa Twitter

EmailIbahagi sa pamamagitan ng Email

Isang Panalangin para sa Isang Mapagbigay na Puso

Taong nakangiti

Ano ang iyong pinakamahalagang pag-aari? Walang masama sa pagkakaroon ng mga pag-aari, o sa pagtangkilik sa mga ito. Dumarating ang problema kapag ang ating mga pag-aari ang nagmamay-ari sa atin.

Sa kabutihang palad, ang Diyos ay nagpakita ng ibang paraan ng pamumuhay nang isakripisyo Niya ang Kanyang pinakadakilang kayamanan para sa atin. Ang kanyang pagiging bukas-palad ay masakripisyo at kontra-sa-kultura.

Kapag nagbibigay tayo tulad ng ginagawa ng Diyos, at pinararangalan natin Siya sa pamamagitan ng pagbibigay na iyon, mas pinalalapit tayo nito sa Kanya. Nagdudulot ito sa atin na huminto sa pagtingin sa ating sarili, at magsimulang tumingin sa iba. Habang mas lumalapit tayo sa Diyos, mas magsisimulang sumasalamin sa Kanya ang ating mga prayoridad at pagpapahalaga.

Kaya, paano ka namumuhay nang bukas-palad? Nagsisimula ito sa paghiling sa Diyos na bigyan ka ng mapagbigay na pag-iisip. Kung hindi ka sigurado kung paano gawin iyon, subukang ipanalangin ang dasal na ito.


O Diyos,

Salamat sa pagpapakita Niyo sa akin kung ano ang pagiging bukas-palad. Inaamin ko na minsan madali para sa akin na magtuon sa mga bagay na walang kwenta. Ngunit ngayon, sumusuko ako sa Iyong kalooban, nagtitiwala sa Iyo nang buong buo. Baguhin ang paraan ng pag-iisip ko, at bigyan ako ng mapagbigay na puso. Ipaalam sa akin ang mga mapagkukunan na mayroon ako, at kung paano ko magagamit ang mga ito upang maglingkod sa iba. Tulungan Niyo akong mamuhay ng isang buhay na nagpapala sa iba gaya ng saganang pagpapala Niyo sa akin.

Sa ngalan ni Jesus,

Amen.


Kapag sumuko ka sa Diyos sa pamamagitan ng pamumuhay nang bukas-palad, nagbabago ito ng mga buhay.

Ang isang kaloob na $40 US ay tumutulong sa amin na ibigay ang Bible App sa 200 tao—iyon ay 200 tao sa buong mundo na ang buhay ay magbabago magpakailanman sa pamamagitan ng kapangyarihan ng Salita ng Diyos.

Magbigay Ngayon

FacebookIbahagi sa Facebook

TwitterIbahagi sa Twitter

EmailIbahagi sa pamamagitan ng Email

Ano ang nagbibigay-katuturan sa iyo?

Taong nakatingin sa malayo

Ano ang nagbibigay-katuturan sa iyo?

“Tingnan ninyo kung gaano kalaki ang pag-ibig sa atin ng Ama! Tinatawag niya tayong mga anak ng Diyos, at iyan nga ang totoo…”

1 JUAN 3:1

Kung sino ka ay higit pa sa kung ano ang iyong ginagawa o kung ano ang sinasabi ng mga tao tungkol sa iyo.

Ang iyong pagkakakilanlan ay matatagpuan sa katangi-tanging pagkalikha ng Diyos sa iyo na maging—Kanyang anak.

Alamin kung ano ang ibig sabihin nito sa pamamagitan ng pagkumpleto ng isang Gabay sa layunin o pagtawag sa buwang ito.

Tuklasin Ang Mga Gabay

FacebookIbahagi sa Facebook

TwitterIbahagi sa Twitter

EmailIbahagi sa pamamagitan ng Email


Ang YouVersion ay libre dahil sa kabutihang-loob ng ating Komunidad.

Magbigay ng kaloob ngayon upang matulungan ang mas maraming tao na mabago sa pamamagitan ng kapangyarihan ng Salita ng Diyos.

Magbigay ng kaloob >

Ang Salita ng Diyos ay Nagpapabago ng mga Buhay

Mga taong nakatayo nang magkakasama

Ang Salita ng Diyos ay buhay at aktibo, at binabago nito ang mga tao sa buong mundo araw- araw!

Ito ang dahilan kung bakit kami ay nakatuon sa pagkuha sa bawat bersyon ng Biblia sa Bible App, naglilinang ng pandaigdigang pakikipagtulungan sa Biblia, at pagbuo ng mga bagong app at mga tampok.

Naniniwala kami na sinuman, kahit saan ay dapat na makalapit sa Diyos sa pamamagitan ng Kanyang Salita.

At lahat ng ito ay posible—sa iyong tulong.


Ang iyong pagiging bukas-palad ay maaaring makatulong sa pagbibigay sa milyun-milyong tao ng Salita ng Diyos.

Kapag nagbigay ka ng umuulit na kaloob sa YouVersion, ikaw ay lumalahok sa isang pandaigdigang kilusan na ginagawang posible para sa sinuman, kahit saan, na mapalapit sa Diyos sa pamamagitan ng Kanyang Salita.

Ngayon, makakatulong ka sa mas maraming tao sa mas maraming lugar na palalimin ang kanilang kaugnayan sa Diyos sa pamamagitan ng Kasulatan.

Mag-set up ng Umuulit na Kaloob Ngayon

FacebookIbahagi sa Facebook

TwitterIbahagi sa Twitter

EmailIbahagi sa pamamagitan ng Email