Nilikha tayo ng Diyos para sa pamayanan.

Mga Kaibigan

Pagbuo ng mga maka-Diyos na Relasyon

Ang pag-ibig ay dapat maging taos-puso at aktibo … Mapoot kung ano ang kasamaan … mahigpit na hawakan ang mabuti. Maging matapat sa isa’t isa na may pagmamahal bilang kapatid…

MGA TAGA-ROMA 12:10

Nilikha tayo ng Diyos para sa pamayanan. Nilikha tayo para sa mga pakikipag-ugnayan: sa ating mga kaibigan, asawa, kasamahan sa trabaho, o sa mga bata. Nilayon ng Diyos ang mga mabuting pagsasamahan na maging mahabagin, mapagsakripisyo, marangal, at mapagpatawad. Ang paglilinang ng mga katangiang iyon ay madalas na nangangahulugang pagsuko ng ating mga inaasahan para sa ating mga relasyon at sa halip ay pagtitiwala sa Kanya.

Ngayon, nagbabahagi kami ng Mga Gabay na makakatulong sa iyong makisalamuha sa mga taong mahal mo, kinakalinga, o pinangungunahan. Maaari mong kumpletuhin ang mga ito sa iyong sarili, o gawin itong kasama ang sinumang gumagamit ng Mga Gabay Kasama ang mga Kaibigan.

Handa ka na bang magsimula? Pumili na ng iyong Gabay ngayon:

Tumingin ng iba pang mga Gabay

⏰ Hindi pa huli ang lahat…

Gitnang-Taong Hamon

Hamunin ang iyong sarili na maging malapit kay Cristo.

Nais ng Diyos na baguhin tayo araw-araw at bigyan ng bagong buhay ang ating mga nakagawiang gawain, relasyon, at ang paraan ng ating pagsasalita at pag-iisip.

Ito ang dahilan kung bakit ginagawa natin ang Gitnang-Taong Hamon: ito ay isang pagkakataon na makipagtulungan sa Diyos upang itaguyod ang patuloy na panibagong-sigla.

Hindi pa huli ang lahat upang simulan ang Hamon! Upang makuha ang Badge, kumpletuhin ang hindi bababa sa isang araw ng isang Plano sa loob ng 7 araw na magkakasunod sa Hulyo.

Pumili ng Gabay upang magsimula ngayon:

Tumingin ng iba pang mga Gabay

Simulan ang Gitnang-Taong Hamon!

Gitnang-Taong Hamon

Ngunit muling lumalakas at sumisigla ang nagtitiwala kay Yahweh. Lilipad silang tulad ng mga agila. Sila’y tatakbo ngunit hindi mapapagod, sila’y lalakad ngunit hindi manghihina.

ISAIAS 40:31

Sandaling pagbulayan ang mga nakaraang buwan. Anong natutunan mo? Anong napagtagumpayan mo? Paano ka naging mas malapit kay Cristo?

Sa sandaling ito, anuman ang mga nangyari noong mga nakalipas na buwan, may pagkakataon tayong hayaan ang Diyos na baguhin ang ating mga isip at kaluluwa.

At isa sa mga pinakamainam na paraan upang makipagtuwang sa Diyos habang kumikilos Siya sa ating mga buhay ay ang magkaroon ng mga bagong hamon. Kaya sa buwang ito, magkasama nating itaguyod si Cristo sa pamamagitan ng pakikilahok sa Gitnang-Taong Hamon.

Paano Simulan ang Gitnang-Taong Hamon:

Makakamit ang 2021 Gitnang-Taong Hamon Badge sa pamamagitan ng pagkumpleto ng kahit isang araw ng isang Gabay sa 7 sunod-sunod na araw sa buwan ng Hulyo.

Gitnang-Taong Hamon Badge

Upang masulit ang iyong Hamon, mag-imbita ng ilang mga pinagkakatiwalaang kaibigan na sumali sa iyo. At, siguraduhing walang makakaligtaang araw sa pamamagitan ng paggawa ng pang-araw-araw na paalala sa iyong mga setting ng Gabay.

Handa ka na bang magsimula? Pumili na ng iyong Gabay ngayon:

Tumingin ng iba pang mga Gabay

FacebookIbahagi sa Facebook

TwitterIbahagi sa Twitter

EmailIbahagi sa pamamagitan ng Email

Ano ang hinahanap mo?

Hanapin ang

Hanapin ang Diyos … at matatagpuan mo Siya.

Anuman ang sitwasyon mo ngayon, habang sinasanay mong mabuti ang sarili mo sa Salita ng Diyos, mananatili ka sa pag-ibig ng Diyos. At ang pananatili mo sa pag-ibig ng Diyos ang babago sa pananaw mo sa iyong sarili at sa mundong kinaroroonan mo.

Kaya’t anong hinahanap mo ngayon?

Anumang mga katanungan ang mayroon ka, anumang mga sagot ang kailangan mo, anumang pag-asa ang hinahanap mo — lumapit sa Diyos kung nasaan ka ngayon sa pamamagitan ng isang Gabay sa Biblia, at hayaan mong ang Kanyang mga salita ang bumago sa pagtingin mo sa iyong sarili at sa mundong kinaroroonan mo.

Tumingin ng iba pang mga Gabay

Hanapin natin ang Diyos ng … sama-sama.

Ano ang hitsura ng paghahanap sa Diyos para sa iyo?

Ang paggugol ng regular na oras kasama ang Diyos ay hindi laging madali. Mabuti na lamang, hindi natin kailangang hanapin ang Diyos nang mag-isa—at hindi ito ang marapat para sa iyo. Pag-isipang mag-imbita ng iba na lumapit sa Diyos kasama ka sa pamamagitan ng pag-aaral ng Biblia nang magkasama.

Simulan lamang ang isang Gabay, piliin ang “Kasama ng mga Kaibigan,” at hanapin ang Diyos araw-araw kasama ang iyong mga pinagkakatiwalaan.

Nagsasama-sama ang lahat ng sumasampalataya at ang kanilang mga ari-arian ay para sa kanilang lahat.

MGA GAWA 2:44

Tuklasin ang Higit pang Mga Gabay