Narito ang paraan kung paano manatiling nakatuon kay Jesus:

Ang pagsikat ng araw sa itaas ng bundok

Maghanda para sa Higit Pa

Sa ngayon, anong kumukuha ng iyong pansin at humaharang upang maging mas malalim ang relasyon mo sa Diyos?

Ang pagpapatahimik ng ingay sa ating buhay ay nangangailangan ng oras, ngunit ito ay isa sa mga dahilan kung bakit maraming mga Cristiano ang nagsasagawa ng Kuwaresma. Ang layunin ng Kuwaresma ay hindi upang gawing “mas mahusay” ang iyong buhay, kundi upang isentro ang iyong buhay sa kung ano ang pinakamahalaga: ang Nag-iisang lumikha sa iyo at namatay para sa iyo.

Sa panahon ng Kuwaresma, muling tumuon at maghanda para sa Linggo ng Pagkabuhay sa pamamagitan ng paglapit sa Diyos gamit ang mga sumusunod na Gabay sa Biblia. (At, ang lahat ng mga Gabay na ito ay maaari ring ibilang sa 21-Araw na Hamon.)

Tingnan ang Iba Pang Mga Gabay para sa Kuwaresma

Sumulong: Simulan ang 21-Araw na Hamon!

21-Araw na Hamon

Anong tahakin ang binibigyan mo ng Iyong panahon?

Lahat tayo ay nasa isang takbuhin na inilagay ng Diyos sa ating harapan. At bawat araw ay kailangan nating pumili kung magpapatuloy ba tayo patungo sa dulo ng takbuhin, o lalayo sa ating pagkatawag at sa ating Tagapagligtas.

Ang hinaharap ay wala pang kasiguraduhan, kaya’t nakakatuksong magpakabagal at tumigil sa pagpapatuloy ng mga magagandang espirituwal na kagawian. Ngunit ang mga gagawin mo sa araw na ito ay magpapasya sa direksyon ng iyong buhay. Kaya nga ang pagdedesisyong maging malapit sa Diyos araw-araw ay mahalaga.

Sa pagsisimula ng Pebrero, hamunin ang sarili mong ituon ang iyong mga mata kay Jesus araw-araw at gawing kaugalian ang paglalaan ng panahon para sa Diyos sa pagsali sa 21-Araw na Hamon.

Magkamit ng 21-Araw na Hamon na Badge sa pamamagitan ng pagkukumpleto ng kahit isang Gabay sa isang araw sa loob ng 21 araw bago matapos ang Pebrero.

21-Araw na Hamon na Badge

Upang masulit ang iyong Hamon, anyayahan ang ilan sa mga mapagkakatiwalaang Kaibigan na samahan ka. (At huwag palampasin ang anumang araw sa pamamagitan ng pagse-set up ng mga pang-araw-araw na paalala sa iyong mga setting ng Gabay.) Kung natapos mo ang iyong Gabay bago matapos ang Hamon, magsimula ka lamang ng isa pa at magpatuloy!

Ngayon—simulan na ang Hamon!

Tingnan ang iba pang mga Gabay

FacebookIbahagi sa Facebook

TwitterIbahagi sa Twitter

EmailIbahagi sa pamamagitan ng Email

Manigong Bagong Taon!

2021

Bagong Panimula. Matatag na Pagtatapos.

Ito’y isang bagong taon! Sandaling unawain ito. Bagama’t hindi natin alam kung anong mangyayari bukas, kilala natin ang Nag-iisang humahawak ng bukas. Kaya, paano ka maaaring maghanda para sa 2021?

Ituon ang iyong mga mata kay Jesus, at gawing pang-araw-araw na gawi ang pagkakaroon ng panahong kasama Siya. Sundin ang Kanyang mga direksyon para sa iyong buhay, at sa paglipas ng panahon ay masasalamin sa iyong buhay ang Kanyang kalikasan.

Simulan lamang ang isa sa mga Gabay na ito, anyayahan ang iyong mga kaibigan na samahan ka, at mangako sa paghahanap sa Diyos araw-araw sa taong ito.

Marami Pang Mga Gabay

Kumpletuhin ang mga Pinakamahuhusay na Gabay ng 2020

Taong tumitingin sa Mga Gabay sa telepono

Handa na para sa 2021? Sa kabila ng mga hamon sa taong ito, nakita natin ang mas maraming taong lumalapit sa Diyos sa pamamagitan ng YouVersion Bible App kaysa dati.

Habang naghahanda ka para sa isang bagong taon, pagnilayan ang ilan sa mga pangunahing paraan ng Diyos upang patibayin ang YouVersion Community sa taong ito sa pamamagitan ng pagkumpleto sa ilan sa mga pinaka-popular na Gabay ng 2020.

Tumingin pa ng ibang mga Gabay


Icon ng Pagbibigay

Anong Kontribusyon ang Iiwan Mo Ngayong 2020?

Sa kabila ng mga hamon sa taong ito, binago ng Diyos ang milyun-milyong buhay sa buong mundo sa pamamagitan ng Kanyang Salita. At kapag nagbigay ka ng kaloob para sa katapusan ng taon sa YouVersion, makakatulong kang tiyakin na ang bawat tao, na nagsasalita ng anumang wika, ay maaaring makaranas ng nakapagpapabagong-buhay na kapangyarihan ni Jesus.

Magbigay Ngayon >

Ang Pamaskong Hamon ay nagsisimula ngayon!

Pamaskong Hamon Badge

Buksan ang Pamaskong Hamon Badge

Kapag naisip mo ang panahon ng Pasko, ano ang dumarating sa isip mo? Ang nangyayari sa paligid natin ay madaling makagambala sa atin mula sa paghanap ng kalapitan sa Emmanuel, “Ang Diyos ay kasama natin.”

Ngunit anuman ang taglay ng panahong ito, maaari kang manghawakan sa katotohanang ito: dahil sa pagdating ni Jesus, mayroon kang hinaharap at ang iyong pag-asa ay hindi mapuputol.

Kaya sa araw na ito, samahan mo kami sa pagninilay sa pagdating ng ating Tagapagligtas sa pamamagitan ng pakikilahok sa Pamaskong Hamon.

Kumpletuhin lamang ang anumang Gabay para sa Pasko o sa Adbiyento simula ngayon hanggang Disyembre 31, at makakakuha ka ng 2020 Pamaskong Hamon Badge!

Pamaskong Hamon Badge

Magsimula ng isang Gabay mula sa nakalista sa ibaba, o kung nakapagsimula ka na ng Gabay para sa Pasko o sa Adbiyento, ipagpatuloy lang ito.

Tumingin pa ng ibang mga Gabay