Paano kung Walang Salin sa Iyong Wika ang Biblia?

Biblia para sa Lahat

BIBLIA
PARA SA
LAHAT

Ito ay maaaring maliwanag na…

Maaari mong maranasan ang Banal na Kasulatan ngayon dahil may nagsalin nito sa iyong wika.

Ngunit, sa ngayon, may mga tao sa buong mundo na naghihintay pa rin ng Biblia sa kanilang wika.

Halos isang bilyong tao ang maaaring makipag-usap sa kanilang mga pamilya, kaibigan, at kapitbahay … ngunit hindi pa nila nararanasan ang Diyos na magsalita sa kanila sa pamamagitan ng Kanyang Salita sa kanilang sariling wika.

Makakatulong ka upang baguhin iyan.

Kapag nagbigay ka sa Pagsasalin ng Biblia, mapupunta ang iyong kaloob sa aming mga katuwang sa Biblia sa buong mundo, na nagsusumikap upang maisalin ang Banal na Kasulatan.

Tustusan ang Pagsasalin ng Biblia

At sa sandaling makumpleto ang isang bagong bersyon, maaari na itong mabasa ng buong Komunidad ng YouVersion, sa buong mundo.

Ang aming Pananaw
para sa 2033

95% ng populasyon ng mundo ay magkakaroon ng isang buong Biblia

99.9% ay magkakaroon kahit papaano ng Bagong Tipan

100% ay magkakaroon kahit papaano ng isang bahagi ng Banal na Kasulatan

Ang pananaw ay makitang ang lahat ay may kahit ilang bahagi man lang ng Banal na Kasulatan pagsapit ng 2033.

Sasama ka ba sa amin?

Magbigay Ngayon

FacebookIbahagi sa Facebook

TwitterIbahagi sa Twitter

EmailIbahagi sa pamamagitan ng Email


Lahat ng mga ambag na natanggap sa pamamagitan ng kampanya ng Biblia para sa Lahat ay gagamitin lamang para sa layunin ng pagsasalin ng Biblia, at ikakalat sa iba’t-ibang mga proyekto sa pagsasalin na may malalaking epekto. Sa pagtatapos ng bawat proyekto, ang anumang natitirang mga pondo ay gagamitin sa susunod na proyekto sa pagsasalin na napili ng YouVersion at ng mga katuwang nito.

Hindi Pa Huli Ang Lahat!

Gitnang-Taong Hamon

Ngayon ay isang hakbang papalapit.

Nais ng Diyos na mas mapalapit tayo sa Kanya araw-araw.

Kaya natin ginagawa ang Gitnang-Taong Hamon: upang tumulong sa iyo na gumawa ng unti-unting pag-unlad sa paglapit sa Diyos.

Hindi pa huli ang lahat upang lumahok sa 2022 Gitnang-Taong Hamon! Kumpletuhin ang hindi bababa sa isang araw sa Gabay sa loob ng 7 araw nang magkakasunod ngayong Hulyo at makuha ang Badge.

Gitnang-Taong Hamon Badge

Pumili ng Gabay upang magsimula ngayon:

Tumingin ng iba pang mga Gabay

FacebookIbahagi sa Facebook

TwitterIbahagi sa Twitter

EmailIbahagi sa pamamagitan ng Email

Gusto mo ng bagong Badge? 🥇

Gitnang-Taong Hamon

Nandito na muli! Ang Gitnang-Taong Hamon ay narito na.

Naging matagumpay ka man sa pagbuo ng isang kinagawian sa Biblia ngayong taon o kailangan mo ng bagong simula, tutulungan ka ng Gitnang Taong Hamon na magkaroon ng lakas na magpatuloy.

Tanggapin ang Hamon

Magkamit ng 2022 Gitnang-Taong Hamon Badge sa pamamagitan ng pagkumpleto ng kahit isang araw ng isang Gabay sa 7 sunod-sunod na araw sa buwan ng Hulyo.

Gitnang-Taong Hamon

Gitnang-Taong Hamon Badge

Tiyaking wala kang mapalalampas na anumang araw sa pamamagitan ng pagse-set up ng mga pang-araw-araw na paalala sa iyong mga setting ng Gabay!

Handa ka na bang magsimula? Pumili na ng iyong Gabay ngayon:

Tumingin ng iba pang mga Gabay

Huwag kalimutang mag-imbita ng ilang mga pinagkakatiwalaang kaibigan upang samahan ka sa pamamagitan ng pagbabahagi tungkol sa Gitnang- Taong Hamon.

FacebookIbahagi sa Facebook

TwitterIbahagi sa Twitter

EmailIbahagi sa pamamagitan ng Email

Kapag Dumating ang Pagkadismaya

Taong nakatanaw sa anyong tubig

“Hindi dapat ganito.”

Hindi natin laging naiintindihan ang kalooban ng Diyos. At, kung magiging tapat tayo, may mga paminsan-minsang pagkakataon na hindi rin natin gusto ang Kanyang kalooban.

Kapag kumatok ang dalamhati sa ating pintuan.

Kapag hindi tayo sigurado kung kakayanin natin.

Kapag iniisip natin kung ano sana ang nangyari.

Mahirap makipagbuno sa ating pinakamatinding pasakit. Ngunit kung ang Biblia ay hindi nagtatago ng mga kuwento tungkol sa pagdurusa, gayon din nawa tayo.

Anuman ang iyong kinakaharap ngayon—hindi ito ang katapusan ng iyong kuwento. Ang Diyos ay iyong kasama, magpakailanman.

Tuklasin kung paano i-proseso ang mga inaasahang hindi nakamit at masasakit na kalagayan sa Mga Gabay na ito.

Maghanap ng Marami pang mga Gabay

FacebookIbahagi sa Facebook

TwitterIbahagi sa Twitter

EmailIbahagi sa pamamagitan ng Email

Hikayatin ang isang Ama sa Pamamagitan Nitong Bersikulong Larawan Ngayon

Ama na may hawak na sanggol

Ang Biblia ay puno ng mga kuwento tungkol sa mga ama at mga tumatayo bilang ama na ginamit ng Diyos sa iba’t ibang paraan.

Ang mga ama ay tulad ng makalupang ama ni Jesus, si Jose, na tapat na pinangunahan at iningatan ang kanyang pamilya.

O si Jetro, ang biyenan ni Moises, na nagbigay ng karunungan at payo sa pamumuno kay Moises.

At si Pablo, na isang espirituwal na tagapagturo kay Timoteo.

Tulad ng mga lalaki sa Biblia, ang mga ama sa ating buhay ay nagbibigay-inspirasyon sa atin sa iba’t ibang paraan.

Marahil ay iningatan ka nila tulad ni Jose, nagbahagi ng napapanahong patnubay tulad ni Jetro, o hinimok ka tulad ni Pablo.

Maging siya man ay sarili mong ama o tumatayo bilang ama, sabihin sa isang ama kung gaano ka nagpapasalamat sa kanya sa pagbabahagi ng Bersikulong Larawan na ito.

Kung paano nahahabag ang ama sa anak niya, gayon Siya nahahabag sa may takot sa Kanya - Mga Awit 103:13 - Bersikulong Larawan

Ibahagi ang Bersikulong Larawan