Ito’y isang sandaling dapat alalahanin.
Pagbabalik-tanaw sa Taong 2021 ng YouVersion
Maglaan ng ilang sandali upang balikan ang nakaraang taon. Para sa marami sa atin, napuno ito ng mga matatamis at mapapait na alaala. Ngunit sa gitna ng magulong panahon at walang katiyakang kinabukasan, may pag-asang makakapitan nating lahat:Ang Diyos ay aktibo sa pagkilos sa ating mundo, at hinuhubog Niya ang mga tao sa pamamagitan ng Kanyang Salita.
Bersikulo ng Taon
Ang bersikulo ng Biblia na pinakamadalas ibinahagi, nai-bookmark, at nai-haylayt ng pandaigdigang Pamayanan ng YouVersion sa 2021.
Ibahagi ang Bersikulo ng Taon
|
|
Sa taong ito, patuloy nating nakita ang mas maraming tao higit kailanman na mas napalapit pa sa Diyos sa pamamagitan ng YouVersion.
50,700,000+ na na-install sa 2021
Higit sa 500 milyong kabuuang pag-install ng YouVersion
Ang bawat pag-install ay isang pagkakataon para sa isang tao na personal na maranasan ang pag-asa ng Diyos. Ang pag-asa na ito ay angat sa kalalagayan, at ito ay matatagpuan kapag hinahanap natin ang Diyos araw-araw.
Nagsisimula pa lang ang Diyos, pero sa ngayon, gusto naming ipagdiwang ang ilan sa mga bagay na nagawa Niya sa Pamayanan ng YouVersion sa buong 2021.
Habang tinitingnan mo ang mga kamangha-manghang bilang na ito, isipin kung ano ang kinakatawan ng mga ito: daan-daang milyong mga buhay na naghahanap sa Diyos … at nakahanap sa Kanya.
Hanapin ang Diyos sa pamamagitan ng Kanyang Salita
“Nasira ang aking buhay may-asawa noong 2017. Nagsimula akong magbasa ng Biblia sa aking phone pagkagising ko. Ang YouVersion ang tanging paraan upang ma-access ko ang daan-daang mga pag-aaral sa Biblia na may kaugnayan sa bawat pakiramdam na naranasan ko. Iniuugnay ng YouVersion ang pandaigdigang Pamayanan sa Diyos at sa isa’t isa, tulad ng hinihiling ng Diyos. Hindi ko lamang naiibigan ang app na ito, kailangan ko ito.”
– GLENNA
Mayroon na ngayong 2,600 na bersyon ng Biblia at 1,100 na audio na Biblia na makikita sa mahigit na 1,700 na wika sa YouVersion.
Pagkikipag-ugnayan sa Biblia ayon sa Bansa
2.4 bilyong Haylayt, Mga Bookmark, & Mga Talang Nagawa
|
|
8.2 bilyong Kabanatang Napakinggan sa Audio
|
|
535.2 milyong Bersikulong Naibahagi
|
|
80.6 milyong mga Video na Pinanood
|
|
Hanapin ang Diyos sa pamamagitan ng Panalangin
“Gusto talaga naming tulungan ang mga tao na manalangin nang mas palagian at makabuluhan. Ang Panalangin ng Panginoon ay nagbibigay sa atin ng huwaran para sa isang mahusay at balanseng panalangin. Nagsisimula ito sa pagpaparangal sa Diyos, hinihikayat tayo nitong tapat na ipahayag ang ating praktikal at espirituwal na mga alalahanin, at inaakay tayo nito na tumugon sa Diyos sa pagsunod. Noong binuo namin ang Pinatnubayang Panalangin, iyon ang naging inspirasyon namin sa paglikha nito.”
– SAM, YouVersion Product Manager
Kapag gusto mong makipag-usap sa Diyos ngunit hindi mo alam kung ano ang sasabihin, ang Pinatnubayang Panalangin ay makakatulong sa iyo na makapagsimula. Ang karanasan sa Pinatnubayang Panalangin na inilunsad sa umpisa ng taong ito, at nagbibigay ng pang-araw-araw na mga hudyat na tutulong sa iyo na pagnilayan ang Banal na Kasulatan, mas mapalapit sa Diyos, at makipag-usap sa Kanya tungkol sa iniisip mo.
38.4 milyong Nakumpletong Pinatnubayang Panalangin
|
|
Ang Panalangin sa YouVersion ay ginawa upang matulungan kang magkaroon ng matapat na pakikipag-usap sa Diyos, sa pamayanan. Sa taon lamang na ito, milyun-milyong tao ang nagbabahagi ng Panalangin kasama ang Kaibigan, at sadyang naglilinang ng pakikipag-ugnayan sa kanilang Maylikha.
47.2 milyong
Panalangin ang Nilikha noong 2021
Subukan ang Panalangin sa YouVersion
Paghahanap sa Diyos Araw-araw
“Kinatawan ng aking anak na babae ang aming estado sa isang rehiyonal na kampeonato sa paglangoy. Sa halip na makipagpalitan ng mga numero ng telepono sa kaniyang mga kaibigan sa paglalangoy, itatanong niya: “Nasa Bible App ka ba?” Kung hindi pa, ipapakita niya sa kanila kung paano i-download ang app at gumawa ng account, at pagkatapos ay iimbitahan niya sila sa kanyang pinakabagong Gabay. Balak niyang subaybayan ang kanyang mga bagong kaibigan sa paglangoy sa pamamagitan ng patuloy na pag-imbita sa kanila na sumali sa kanyang pag-aaral. Gustung-gusto ko kapag ang mga anak ko ay nagbabahagi ng Salita ng Diyos sa mga kaibigan na maaaring hindi hinihikayat ng ganito sa kanilang mga bahay.”
– BRITTNEY
1.4 bilyong
araw sa Gabay sa Biblia ang natapos sa 2021
Maghanap ng Gabay
Ibahagi sa Facebook
Ibahagi sa pamamagitan ng Email