Buong tiyaga tayong tumakbo sa paligsahang ating sinalihan. Ituon natin ang ating paningin kay Jesus na siyang pinagmumulan at kabuuan ng ating pananampalataya. Dahil sa kagalakang naghihintay sa kanya, hindi niya ikinahiya ang mamatay sa krus, at siya ngayo’y nakaupo sa kanan ng trono ng Diyos.
MGA HEBREO 12:1-2
Ang Enero ay karaniwang isang panahon kung saan inaayos natin ang ating buhay at inihahanda ang ating mga puso para sa susunod na gagawin ng Diyos. Ngunit kapag ang hinaharap ay tila walang kasiguraduhan, maaaring matuksong hindi ipagpatuloy ang isang magandang kagawian at ang mga pangmatagalang layunin.
Kung saan natin sinasanay ang ating mga isipang tumuon ay nakakaapekto sa ating kakayahang magtiyaga sa loob ng mahabang panahon—kaya nga mahalagang ipagpatuloy natin ang masigasig na pagtataguyod kay Jesus.
Kapag hinahangad mo ang kalooban ng Diyos para sa iyong buhay, sa paglipas ng panahon ay masasalamin sa iyong buhay ang Kanyang katangian. Kaya’t sa buwan ng Pebrero, hamunin ang iyong sariling gawing araw-araw na kagawian ang pagbibigay ng oras sa Kanya sa pamamagitan ng pagkukumpleto ng 21-Araw na Hamon.
Opisyal na Mga Patakaran
Ang 21-Araw na Hamon ay magsisimula sa Pebrero 1, 2021 at magpapatuloy hanggang sa katapusan ng buwan.
Magkamit ng 21-Araw na Hamon na Badge sa pamamagitan ng pagkukumpleto ng kahit isang Gabay sa isang araw sa loob ng 21 araw bago matapos ang Pebrero.
Upang masulit ang iyong Hamon, anyayahan ang ilan sa mga mapagkakatiwalaang Kaibigan na samahan ka. (At huwag palampasin ang anumang araw sa pamamagitan ng pagse-set up ng mga pang-araw-araw na paalala sa iyong mga setting ng Gabay.) Kung natapos mo ang iyong Gabay bago matapos ang Hamon, magsimula ka lamang ng isa pa at magpatuloy!
Pindutin ang buton sa ibaba upang maghanap ng mga nais mong Gabay. Maaari mong pindutin ang Itabi upang Mabalikan sa anumang Gabay na gusto mo, at pagkatapos ay magsimula sa Pebrero 1.
Piliin ang Iyong Mga Gabay
Ibahagi sa Facebook
Ibahagi sa pamamagitan ng Email