Mga Nakatagong Tampok na Nagustuhan Namin

Taong may hawak na telepono

Dagdag kaalaman…

Sa YouVersion, ang paggawa ng Biblia bilang bahagi ng iyong pang-araw-araw na buhay ay hindi kailangang maging mahirap.

I-customize ang iyong karanasan sa app gamit ang limang simpleng tips at tricks dito.

  1. Paghambingin ang dalawang magkaibang bersyon ng Biblia nang sabay.

    Buksan ang YouVersion, at i-tap ang tab na Biblia. Sunod, i-flip ang iyong telepono nang patagilid. I-tap ang icon na Icon ng paghahambing. Piliin ang dalawang bersyon na gusto mong basahin nang magkatabi.

  2. Tingnan ang iyong kasaysayan ng pagbabasa ng Biblia.

    I-tap ang sanggunian ng bersikulo sa kaliwang tuktok ng Biblia na tab. Pagkatapos ay i-tap ang buton ng kasaysayan.

  3. Mag-set up ng Mga Paalala sa Panalangin.

    Buksan ang iyong Mga Setting ng Push Notification sa YouVersion, at i-tap ang “Paalalahanan akong manalangin.”

  4. Makinig sa mga Gabay ng Biblia.

    Mag-subscribe sa isang Gabay. Pagkatapos, magbukas ng araw ng Gabay at i-tap ang icon na Icon ng speaker sa kanang bahagi sa itaas ng iyong screen.

  5. Ayusin ang laki o istilo ng iyong font.

    Buksan ang Biblia na tab at i-tap ang icon na Icon ng font sa kanang tuktok ng iyong screen upang i-customize ang iyong karanasan sa pagbabasa.

Handa ka na bang sulitin ang iyong karanasan sa YouVersion? Simulan ang pagtuklas sa mga nakatagong tampok na ito.

Buksan ang YouVersion

FacebookIbahagi sa Facebook

TwitterIbahagi sa Twitter

EmailIbahagi sa pamamagitan ng Email

Pagpapahinga sa Abalang Mundo

Tao sa abalang kalye

“Pagod ka na ba? Gasgas na gasgas na? Nahapo na sa relihiyon? Halika rito. Samahan mo akong lumayo at mababawi mo ang iyong buhay. Ituturo Ko sa iyo kung paano magpahinga nang totoo.”

MATEO 11:28-29

Kadalasan, ang mundo ay tila magulo. Nagigising tayo sa tunog ng mga kagyat na alarma at nagmamadali mula sa isang aktibidad patungo sa susunod.

Ang paghinto saglit sa ating mga abalang iskedyul ay tila hindi maiisip—nababahala tayo na mahuhuli tayo. Ang mundo ay sumisigaw sa atin na higpitan ang sinturon, upang gumiling, upang magtrabaho pa lalo.

Ngunit hinihikayat tayo ng Banal na Kasulatan na huminto at sa halip ay lumingon sa Diyos.

Sa mundong kumikilos sa hindi mapanatiling bilis, paano tayo makakahanap ng oras para magpahinga?

Hanapin mo ang iyong layunin.

Nilikha tayo ng Diyos para sa may layuning gawain. Ngunit may pagkakaiba sa pagitan ng paggawa ng makabuluhang gawain at pagkikilala natin sa sarili ayon sa gawaing iyon. Sa oras na lumampas tayo sa linyang iyon, tayo ay nabitag na sa isang hindi magandang daan.

Ang paglalaan ng oras upang magpahinga ay matinding kabaligtaran ng kung ano ang hinihiling sa atin ng mundo.

Ngunit, ito ay isang bagay na palagiang itinuturo sa atin ng Diyos na gawin sa kabuuan ng Biblia.

Sa simula pa lang, nagpahinga ang Diyos bilang halimbawa sa atin, at inutusan Niya tayong gawing bahagi ng ating lingguhang ritmo ang pahinga.

Marahil ay napagtanto mong kailangan mong magpahinga dahil napapansin mong may bagay sa iyong buhay na nagiging mas mahalaga kaysa sa Diyos. Marahil ito ay upang unahin ang iyong kalusugang pangkaisipan. Baka pagod ka lang.

Anuman ito, humanap ng malinaw na pananaw kung bakit mahalaga ang pagpahinga sa iyo.

Ilista mo ito sa iyong kalendaryo.

Ang oras ay isa sa ating pinakamahalagang kayamanan.

Kung hindi tayo mag-iiskedyul ng pahinga nang maaga, malamang ay may ibang bagay na gagamit sa kayamanang iyon.

Ang isa sa mga pinakasimpleng paraan upang makahanap ng pahinga ay sa pamamagitan ng pagpaplano kung kailan mo ito gagawin. Subukang iiskedyul ito sa iyong kalendaryo, at pag-isipang ipaalam ang mga oras sa iyong pamilya at mga kaibigan.

Ito man ay 20 minuto o 24 na oras, ang pahinga ay nagbibigay sa iyo ng puwang para pahalagahan at maranasan ang mga bagay na nilikha ng Diyos para gawin mo.

Bigyan ang iyong sarili ng isang bagay na maaari mong asahan.

Kapag umatras ka at nagdahan-dahan para mapalapit sa Diyos, malamang na hindi ito komportable o hindi ka mapapakali.

Malamang nangangahulugang ito na ginagawa mo ito nang tama.

Kapag tayo ay nagpapahinga, ang tuksong mahulog sa pagiging abala ay nagiging mas matindi. Ngunit ang tunay na pahinga ay hindi palaging mukhang walang ginagawa.

Kapag nag-iskedyul ka ng oras para magpahinga, magplanong gumawa ng isang bagay na nagdudulot sa iyo ng kagalakan o kapayapaan.

Maaaring kabilang dito ang paggugol ng oras sa pagpapahalaga sa nilikha ng Diyos o paglinang ng isang libangan na sinadya ng Diyos para kagiliwan mo.

Huwag gawin itong mag-isa.

Nilikha tayo ng Diyos para sa komunidad. Tayo ay ginawa para sa mga relasyon. At, ang mga ugnayang iyon ay maaaring isa sa mga pinakakonkretong paraan na nararanasan natin ang presensya ng Diyos.

Ang paghahanap ng ritmo ng pahinga ay hindi isang bagay na kailangan mong gawin nang mag-isa. Mag-isip ng mga paraan kung paano ka makakapagpahinga kasama ng iyong pamilya o mga kaibigan.

Ang sama-samang pamamahinga ay tutulong sa iyo na manatiling may pananagutan kapag hinihila ka ng mundo sa trabaho at aktibidad.

Maging hindi naghuhumpay.

Ang pagpapahinga ay isang espirituwal na disiplina. At, tulad ng anumang disiplina, ang pagpapahinga ay nangangailangan ng determinasyon at pagpipigil sa sarili.

Kapag pinili nating huwag umasa sa sarili nating pagsisikap at hayaang si Jesus ang mamahala, isinusuko natin ang ating kahihiyan, pagsisikap, at mga inaasahan. Bilang kapalit, mararanasan natin ang perpektong kapayapaan ng Diyos.

Ang pagpapahinga ay tumutulong sa atin na tamasahin ang presensiya ng Diyos at muling iayon ang ating mga priyoridad.

Pinahihintulutan tayo ng pagpapahinga na magtiwala na kumikilos ang Diyos kahit na tayo ay hindi.

Ang pagpapahinga ay kung paano natin pinagtitiwalaan ang ating Tagapagligtas para sabihing “sapat na.”

Gusto mo bang tumigil sa presensiya ng Diyos ngayon?

Bukas na Pinatnubayang Panalangin

FacebookIbahagi sa Facebook

TwitterIbahagi sa Twitter

EmailIbahagi sa pamamagitan ng Email

Mga Haylayt ng Komunidad

Chris

ANG IYONG SINASABI

“Ang aking kapansanan sa pagbabasa ay palaging nakakaapekto sa akin…”

CHRIS, ESTADOS UNIDOS

Sa loob ng maraming taon, pagdating sa pagbabasa ng Biblia, ako’y limitado lamang sa mababaw na antas ng pang-unawa.

Ngunit nang magsimula akong makinig sa mga Audio na Biblia, lubusang nagbago ang aking karanasan. Sa wakas ay ganap ko nag makakatagpo ang Diyos sa pamamagitan ng Kanyang Salita.

Ang aking kapansanan sa pagbabasa ay pinagmumulan ng kahihiyan, ngunit nakakatulong sa akin ang pagmamalasakit ng YouVersion sa aking mga pangangailangan na madama na ako ay sinusuportahan at kilala.


Para makinig sa mga Audio Bibles, buksan ang paborito mong bersyon ng Biblia sa app at pindutin ang icon ng speaker sa itaas ng iyong screen.


MGA FEATURE NA GUSTO MO

Mga Paalala sa Panalangin

Lahat tayo ay maaaring nangangailangan ng isang paalala sa bawat sandali na maaari tayong makipag-usap sa Diyos tungkol sa anumang bagay.

Para i-set up ang Mga Paalala sa Panalangin, pumunta sa iyong Mga Setting ng Push Notification sa YouVersion, at pindutin ang “Paalalahanan akong manalangin.”

Magsimula Na


MGA GAWI SA BIBLIA NA IYONG KINAUUGALIAN

Noong nakaraang buwan, nakumpleto ng ating Komunidad ang mahigit 69,000,000 Araw ng Gabay.

Katumbas iyon ng buong populasyon ng United Kingdom na nagbabasa ng isang Araw ng Gabay.

Magsimula ng Gabay

Sa Mga Gabay, lumalago ka upang mapalapit sa Diyos araw-araw, kasama ng magkakaibang, pandaigdigang Pamayanan. Iyan ay isang bagay na dapat ipagdiwang!


FacebookIbahagi sa Facebook

TwitterIbahagi sa Twitter

EmailIbahagi sa pamamagitan ng Email

Ano’ng Ipinapanalangin Mo?

Taong nananalangin

Kung ang isang bagay sa iyong buhay ay malaki na upang alalahanin, ito ay sapat na upang ipanalangin.

Hindi sigurado kung saan magsisimula? Pumili ng isa sa mga panalanging inangkop ayon sa pangangailangan upang idagdag sa iyong Listahan ng Panalangin sa YouVersion.


Nag-aalala ako tungkol sa…

O Diyos, kapag iniisip ko ang tungkol sa ______ nakadarama ako ng ______. Tulungan akong ituon ang aking mga mata sa Inyo kapag may mga bagay na hindi ko kontrolado. Paalalahanan ako na hindi Ninyo ako susukuan dahil nagmamalasakit Kayo sa akin. Sa ngalan ni Jesus, Amen.

Lumikha ng Panalangin >


Umaasa ako sa…

O Diyos, nauunawaan Ninyo ang kaibuturan ng aking ninanais at pangangailangan. Tulungan akong isuko ang aking mga inaasam tungkol sa ______. Habang ginagawa ko ang Inyong mga plano, tulungan akong matandaan na tinulungan na Ninyo ako sa ______. Ipakita sa akin kung paano mamuhay ng isang buhay na karapat-dapat sa pagtawag na ibinigay Ninyo sa akin. Sa ngalan ni Jesus, Amen.

Lumikha ng Panalangin >


Ang aking relasyon sa…

O Diyos, isinusuko ko ang aking relasyon sa ______ sa Inyo. Gabayan kami sa aming pag-susuong sa kapanahunang ito. Tulungan akong makita kung saan ako ______ at ______ upang maisuko ko ang mga bagay na iyon sa Inyo at mapalitan ang mga katangiang iyon ng Inyong walang pag-iimbot na pag-ibig. Sa ngalan ni Jesus, Amen.

Lumikha ng Panalangin >


Pagkatapos gumawa ng Panalangin, siguraduhing i-tap ang Ibahagi sa Mga Kaibigan upang magdasal sila para sa iyo!


FacebookIbahagi sa Facebook

TwitterIbahagi sa Twitter

EmailIbahagi sa pamamagitan ng Email

Narito ang Isang Bagay na Mahalagang Ipagdiwang

Taong nagdiriwang

Narito na ang mga resulta…

Ngayong taon, mahigit 900,000 miyembro ng ating pandaigdigang Komunidad ang nakakuha ng 2022 Gitnang-Taong Hamon na Badge, na nakakumpleto ng mahigit 5,000,000 Plano.

Gitnang-Taong Hamon Badge

Ang estadistika ay makabuluhan, ngunit ang mas mahalaga ay ang kuwento sa likod ng mga ito. Ang mga bilang na iyon ay kumakatawan sa mga tao, sa buong mundo, na mas nagiging malapit sa Diyos.

Ngayon ang panahon para patuloy na mabuo ang iyong kagawian sa Biblia, kahit hindi mo natapos ang Hamon.

Tingnan ang 3 mga tampok na ito:

Makakuha nang mas Marami pang mga Badge

Mga Badge

Hikayatin ang iyong sarili sa pamamagitan ng pagtatakda ng mga layuning ito na madaling makamit… at isa-isa itong gawin. Buksan ang app at i-tap ang “Higit pa” para makapagsimula.


Hanapin ang Iyong Susunod na Gabay

Mga Gabay

Tuklasin kung ano ang sinasabi ng Biblia tungkol sa lahat ng bagay mula sa pagkabalisa hanggang sa pananalapi sa pamamagitan ng mga pang-araw-araw na debosyonal na ito.

Tingnan ang mga Gabay >


Mag-set up ng Mga Pang-araw-araw na Paalala

Mga Paalala

Upang patuloy na magkaroon ng isang kaugalian sa Biblia, magset-up ng pang-araw-araw na Mga Paalala para sa mga tampok tulad ng Mga Gabay at Bersikulo para sa Araw na Ito.

Magtakda ng Paalala >


FacebookIbahagi sa Facebook

TwitterIbahagi sa Twitter

EmailIbahagi sa pamamagitan ng Email