Pinasisimulan: Mga Bago at Mas Pinabuting Fonts!

Tagapili ng Font

Ninais mo na bang mas may mapapagpilian kang mga fonts sa pagbabasa mo ng Biblia, o ng iyong Gabay sa Biblia, o kaya naman ay madagdagan mo pa ng naiibang pampaganda ang iyong Bersikulong Larawan? Ngayon, kailangan mo lang pindutin ang Font button sa itaas ng iyong screen (o ang iyong Reader Settings) at maaari ka nang maghanap ng naaangkop para sa iyo.

Gusto mo ba ng karagdagan pang mapagpipilian? Suriin mo ang font settings ng iyong system. Ang anumang font na nasa device mo ay nasa Bible App na rin.

Gawin itong personal.

May nagustuhan ka bang font? Napakabuti! Tulungan ang isang kaibigang baguhin ang kanyang karanasan sa pagbabasa ng Biblia: ibalita sa kanya ang tungkol sa mga bagong tampok na Fonts. Masiyahan sa ginawang mas natatanging paglalakbay sa pamamagitan ng Salita ng Diyos.

I-update ang Iyong App

This post is also available in: English Afrikaans Indonesian German Spanish French Italian Dutch Portuguese, Brazil Romanian Russian Japanese Chinese (Simplified) Chinese (Traditional) Korean