Simulan na ang Hamon!

2019 Gitnang-Taong Hamon - Babaeng nagbabasa ng Gabay sa tablet

Maaaring baguhin ng isang munting pasya ang iyong taon.

Anuman ang hitsura ng iyong taon sa ngayon, ang Diyos ay laging nariyan para sa iyo. Hangad Niyang mapalapit ka sa Kanya.

Mahal ka ng Diyos… at ganoon rin kami.

Iyan ang dahilan kung bakit namin ginagawa ang Gitnang-Taong Hamon: upang tulungan kang muling makipag-ugnayan sa Diyos sa isang malaliman at personal na pamamaraan at upang tuklasin ang Kanyang mga plano para sa iyong buhay. Mayroon na lamang anim na buwang nalalabi sa 2019 — ano kaya ang magiging hitsura nito kung magagawa mong gawin pang-araw-araw na gawi ang maglaan ng oras kasama ang Diyos?

Simulan na natin ang Gitnang-Taong Hamon at alamin.

2019 Gitnang-Taong Hamon Badge

Sa pagitan ng ngayon at Hulyo 24, magkumpleto ng mga pang-araw-araw na babasahin mula sa iyong Gabay sa Biblia sa pitong sunod-sunod na araw, at magkakamit ka ng aming bagong 2019 Gitnang-Taong Hamon na Badge!

Simulan ang Hamon


Gitnang-Taong Hamon Opisyal na Mga Patakaran


Paparating na sa isang Bible App na Malapit Sa Iyo…

2019 Gitnang-Taong Hamon

Paano ka mas napapalapit sa isang tao? Gumugugol ka ng oras kasama nila. Nakikipag-usap sa isa’t isa. Kinikilala ninyo ang bawat isa. Ganoon rin tayo mas napapalapit sa Diyos: sa pamamagitan ng paglalaan ng oras sa Kanyang Salita, pakikinig sa Kanya, at pakikipag-usap sa Kanya sa panalangin. Maaaring bihasa ka na rito, o maaaring sinusubukan mo pa lang linangin ang bahaging ito ng buhay mo.

Alam mo ba na sa puntong ito ng taon, maraming tao ang nagsisimulang mawala sa kanilang araw-araw na paggugugol ng oras kasama ang Diyos?

Iyan ang dahilan kung bakit ginagawa natin ang Gitnang-Taong Hamon.

Lumago sa iyong pakikipag-ugnayan sa Diyos at ipagpatuloy ang pagbabasa ng Biblia, habang kinukumpleto ang mga Gabay na gusto mo.

Maghanap ng Mga Gabay


Papaano Magsimula:

Sa pagitan ng Hulyo 8 at Hulyo 24, kapag nakumpleto mo ang pang-araw-araw na babasahing Gabay sa Biblia nang pitong sunod-sunod na araw, makakamit mo ang aming bagong 2019 Gitnang-Taong Hamon Badge!

Pumili ng Gabay ng anumang haba, o magpatuloy ng isang nasimulang Gabay. Kung ang Gabay mo ay matatapos bago ang 7 araw, magsimula lamang ng isa pa pagkatapos nito. Magkumpleto kahit ng isang araw lamang ng Gabay, araw-araw, sa pitong sunod-sunod na araw! (At siguraduhing ang bawat araw ay namarkahan ng “nakumpleto.”)

Nakumpletong Araw ng Gabay

Kapag nakumpleto mo ang 7 sunod-sunod na araw, makakamit mo ang 2019 Gitnang-Taong Hamon badge para sa iyong Bible App profile:

2019 Gitnang-Taong Hamon Badge


Magsimula Na:

Ang Gitnang-Taong Hamon ay magsisimula sa susunod na mga araw, kaya iminumungkahi naming simulan mo nang maghanap ng Mga Gabay ngayon.

Kapag nakahanap ka nang Gabay na sa tingin mo ay magugustuhan mo, i-tap ang “Itabi upang Mabalikan.” O, mas mabuting…

I-tap ang Start, piliin ang Kasama ang Mga Kaibigan, itakda ang petsa ng magsisimula sa Hulyo 8, at mag-imbita ng ilang mga kaibigan na sumali sa iyo!

Mga Iminumungkahing Mga Gabay

FacebookIbahagi sa Facebook

TwitterIbahagi sa Twitter

EmailIbahagi sa pamamagitan ng Email

Magalak kayo kapag kayo’y dumaranas ng iba’t ibang uri ng pagsubok

Magalak kayo kapag kayo'y dumaranas ng iba't ibang uri ng pagsubok

2  
Mga kapatid, magalak kayo kapag kayo’y dumaranas ng iba’t ibang uri ng pagsubok.

3  
Dapat ninyong malaman na napatatatag ang ating pananampalataya sa pamamagitan ng mga pagsubok.

4  
At dapat kayong magpakatatag hanggang wakas upang kayo’y maging ganap at walang pagkukulang.

5  
Ngunit kung ang sinuman sa inyo ay kulang sa karunungan, humingi siya sa Diyos at siya’y bibigyan, sapagkat ang Diyos ay nagbibigay ng sagana at di nanunumbat.

6  
Subalit ang humihingi ay dapat magtiwala sa Diyos at huwag mag-alinlangan, sapagkat ang nag-aalinlangan ay parang alon sa dagat na itinataboy ng hangin kahit saan.

7  
Huwag umasang tatanggap ng anuman mula sa Panginoon ang taong

8  
pabagu-bago ang isip at di alam kung ano talaga ang nais niya.

9  
Dapat magalak ang mahirap na kapatid kapag siya’y itinataas ng Diyos

10  
at gayundin naman ang mayamang kapatid kapag siya’y ibinababâ, sapagkat ang mayaman ay lilipas na gaya ng bulaklak ng damo.

11  
Ang damo ay nalalanta sa matinding sikat ng araw, nalalagas ang kanyang mga bulaklak at kumukupas ang kanyang kagandahan. Gayundin naman, ang mayaman ay mamamatay sa gitna ng kanyang mga kaabalahan.

12  
Mapalad ang taong nananatiling tapat sa kabila ng mga pagsubok; sapagkat matapos siyang subukin, tatanggap siya ng gantimpala ng buhay, na ipinangako ng Panginoon sa mga umiibig sa kanya.

James 1 in Tagalog

James 1 in English

Ang iyong sarili’y sa kanya italaga, tutulungang ganap kapag ika’y nagtiwala

Ang iyong sarili'y sa kanya italaga, tutulungang ganap kapag ika'y nagtiwala

1  
Huwag kang mabalisa dahil sa masama; huwag mong kainggitan liko nilang gawa.

2  
Katulad ng damo, sila’y malalanta, tulad ng halaman, matutuyo sila.

3  
Umasa ka sa Diyos, ang mabuti’y gawin, at mananahan kang ligtas sa lupain.

4  
Kay Yahweh mo hanapin ang kaligayahan, at ang pangarap mo’y iyong makakamtan.

5  
Ang iyong sarili’y sa kanya italaga, tutulungang ganap kapag ika’y nagtiwala.

6  
Ang kabutihan mo ay magliliwanag, katulad ng araw kung tanghaling-tapat.

7  
Sa harap ni Yahweh ay pumanatag ka, maging matiyagang maghintay sa kanya; huwag mong kainggitan ang gumiginhawa, sa likong paraan, umunlad man sila.

8  
Huwag kang mapopoot ni mababalisa, iyang pagkagalit, iwasan mo sana; walang kabutihang makakamtan ka.

9  
Ang nagtitiwala kay Yahweh, mabubuhay, ligtas sa lupain at doon tatahan, ngunit ang masama’y ipagtatabuyan.

10  
Hindi magtatagal, sila’y mapaparam, kahit hanapin mo’y di masusumpungan.

11  
Tatamuhin ng mga mapagpakumbabá, ang lupang pangako na kanyang pamana; at sa lupang iyon na napakasagana, ang kapayapaa’y matatanggap nila.

Psalm 37 in Tagalog

Psalm 37 in English

Higit sa mamahaling alahas ang kanyang halaga

Higit sa mamahaling alahas ang kanyang halaga

10  
Mahirap makakita ng mabuting asawa, higit sa mamahaling alahas ang kanyang halaga.

11  
Lubos ang tiwala ng kanyang asawa, at saganang pakinabang ang makakamit niya.

12  
Pinaglilingkuran niya ang asawa habang sila’y nabubuhay, pawang kabutihan ang ginagawa at di kasamaan.

13  
Wala siyang tigil sa paggawa, hindi na halos nagpapahinga, humahabi ng kanyang telang lino at lana.

14  
Tulad ng isang barkong puno ng kalakal, siya ay nag-uuwi ng pagkain mula sa malayong lugar.

15  
Bago pa sumikat ang araw ay inihahanda na ang pagkain ng buo niyang sambahayan, pati na ang gawain ng mga katulong sa bahay.

16  
Mataman niyang tinitingnan ang bukid bago siya magbayad, ang kanyang naiimpok ay ipinagpapatanim ng ubas.

17  
Gayunma’y naiingatan ang kamay at katawan upang matupad ang lahat ng kanyang tungkulin araw-araw.

18  
Sa kanya’y mahalaga ang bawat ginagawa, hanggang hatinggabi’y makikitang nagtitiyaga.

19  
Siya’y gumagawa ng mga sinulid, at humahabi ng sariling damit.

20  
Matulungin siya sa mahirap, at sa nangangailanga’y bukás ang palad.

21  
Hindi siya nag-aalala dumating man ang tagginaw, pagkat ang sambahayan niya’y may makapal na kasuotan.

22  
Gumagawa siya ng makakapal na sapin sa higaan at damit na pinong lino ang sinusuot niya.

23  
Ang kanyang asawa’y kilala sa lipunan at nahahanay sa mga pangunahing mamamayan.

24  
Gumagawa pa rin siya ng iba pang kasuotan at ipinagbibili sa mga mangangalakal.

25  
Marangal at kapita-pitagan ang kanyang kaanyuan at wala siyang pangamba sa bukas na daratal.

26  
Ang mga salita niya ay puspos ng karunungan at ang turo niya ay pawang katapatan.

27  
Sinusubaybayan niyang mabuti ang kanyang sambahayan at hindi tumitigil sa paggawa araw-araw.

28  
Iginagalang siya ng kanyang mga anak at pinupuri ng kanyang kabiyak

29  
“Maraming babae na mabuting asawa, ngunit sa kanila’y nakahihigit ka.”

30  
Mandaraya ang pang-akit at kumukupas ang ganda, ngunit ang babaing gumagalang at sumusunod kay Yahweh ay pararangalan.

31  
Ibigay sa kanya ang lahat ng parangal, karapat-dapat siya sa papuri ng bayan.

Proverbs 31 in Tagalog

Proverbs 31 in English