Tuklasin: Isang Bagong-bago na Tampok

Tuklasin

Ipinapakilala: Tuklasin

Minsan kapag ikaw ay nagbabasa o nakikinig sa ilang mga bersikulo sa Biblia, ito ay humahantong sa iyo sa mga katanungang: Ano ang ibig sabihin nito? Sino ang nagsulat nito, at bakit? Paano ko ito magagamit sa aking buhay?

Makakatulong ang aming bagong-bago na tampok na Tuklasin!

I-tap lang ang bagong Tuklasin icon anumang oras na makita mo ito sa Bible Reader (Tuklasin), at makikita mo ang karagdagang nilalaman na makatutulong sa iyo na maranasan ang Salita ng Diyos sa iba’t ibang paraan. Ang Tuklasin ay maaari ng magamit ngayon, na may mga kasamang palabas galing sa ating mga partner sa LUMO!

Subukan ang Tuklasin ngayon, at gawing mas makabuluhan ang iyong oras sa Salita ng Diyos.

Ang lahat ng Kasulatan ay kinasihan ng Diyos, at nagagamit sa pagtuturo ng katotohanan… sa pagtutuwid sa likong gawain at sa pagsasanay para sa matuwid na pamumuhay.

2 Timoteo 3:16

I-download Ito Ngayon

Ang Pambatang Bible App ay maaari nang i-sync sa iba’t-ibang mga device!

Mga Profile sa Pambatang Bible App

“Uy! Nandito rin ang lahat ng mga bituin ko!”

Ang mga premyo sa Pambatang Bible App ng inyong anak ay parating nakatago sa device kung saan nila ito nakamit. Kung nagkaroon ng bagong device ang inyong anak, o pinagamit mo sila ng Pambatang Bible App gamit ang ibang telepono, kailangan nilang magsimula muli mula umpisa. Hindi na ngayon.

Ngayon ang pagsulong ay naka-save na para sa bawat isa sa inyong mga anak, at naka-sync na sa lahat ng inyong mga device!

Bilang magulang o tagapag-alaga, pinapayagan ka ng pinakabagong Pambatang Bible App na mag-sign in gamit ang iyong kasalukuyang YouVersion account at mag-set up ng natatanging avatar para sa bawat bata. Mabilis at madali lamang ang pagdagdag ng profile. Maaari ring pumili ang mga bata ng paborito nilang avatar o kulay.

Kunin ang Updated na App

Humingi kayo at kayo’y bibigyan; humanap kayo at kayo’y makakatagpo; kumatok kayo at kayo’y pagbubuksan.

Humingi kayo at kayo'y bibigyan; humanap kayo at kayo'y makakatagpo; kumatok kayo at kayo'y pagbubuksan.

7  
“Humingi kayo at kayo’y bibigyan; humanap kayo at kayo’y makakatagpo; kumatok kayo at kayo’y pagbubuksan.

8  
Sapagkat ang bawat humihingi ay tatanggap; ang bawat humahanap ay makakatagpo; at ang bawat kumakatok ay pagbubuksan.

9  
Bibigyan ba ninyo ng bato ang inyong anak kapag siya’y humihingi ng tinapay?

10  
Bibigyan ba ninyo siya ng ahas kapag siya’y humihingi ng isda?

11  
Kung kayong masasama ay marunong magbigay ng mabubuting bagay sa inyong mga anak, gaano pa kaya ang inyong Ama na nasa langit? Bibigyan niya ng mabubuting bagay ang sinumang humihingi sa kanya!

12  
“Gawin ninyo sa inyong kapwa ang nais ninyong gawin nila sa inyo. Ito ang buod ng Kautusan at ng mga isinulat ng mga propeta.”

Matthew 7 in Tagalog

Matthew 7 in English

Mapalad ang mga taong walang inaasahan kundi ang Diyos

Mapalad ang mga taong walang inaasahan kundi ang Diyos

3  
“Mapalad ang mga taong walang inaasahan kundi ang Diyos, sapagkat mapapabilang sila sa kaharian ng langit.

4  
“Mapalad ang mga nagdadalamhati, sapagkat aaliwin sila ng Diyos.

5  
“Mapalad ang mga mapagpakumbabá, sapagkat mamanahin nila ang daigdig.

6  
“Mapalad ang mga nagugutom at nauuhaw sa katuwiran, sapagkat sila’y bubusugin.

7  
“Mapalad ang mga mahabagin, sapagkat kahahabagan sila ng Diyos.

8  
“Mapalad ang mga may malinis na puso, sapagkat makikita nila ang Diyos.

9  
“Mapalad ang mga gumagawa ng paraan para sa kapayapaan, sapagkat sila’y ituturing na mga anak ng Diyos.

10  
“Mapalad ang mga inuusig nang dahil sa kanilang pagsunod sa kalooban ng Diyos, sapagkat mapapabilang sila sa kaharian ng langit.

11  
“Mapalad ang mga nilalait at inuusig ng mga tao, at pinaparatangan ng lahat ng uri ng kasamaan na pawang kasinungalingan nang dahil sa akin.

12  
Magsaya kayo at magalak sapagkat malaki ang inyong gantimpala sa langit. Gayundin ang ginawa ng mga tao sa mga propetang nauna sa inyo.”

Matthew 5 in Tagalog

Matthew 5 in English

Mapalad ang taong hindi nakikinig sa payo ng masama

Mapalad ang taong hindi nakikinig sa payo ng masama

1  
Mapalad ang taong hindi nakikinig sa payo ng masama, at hindi sumusunod sa masama nilang halimbawa. Hindi siya nakikisama sa mga kumukutya at hindi nakikisangkot sa gawaing masama.

2  
Sa halip, kasiyahan niyang sumunod sa kautusan ni Yahweh. Binubulay-bulay niya ito sa araw at gabi.

3  
Katulad niya’y punongkahoy sa tabi ng isang batisan, laging sariwa ang dahon at namumunga sa takdang panahon. Ano man ang kanyang gawin, siya’y nagtatagumpay.

4  
Hindi gayon ang sinumang gumagawa ng masama, ito ay tulad ng ipa, hangin ang siyang nagtatangay.

5  
Sa araw ng paghuhukom, parusa niya’y nakalaan siya’y ihihiwalay sa grupo ng mga banal.

6  
Sa taong matuwid, si Yahweh ang pumapatnubay, ngunit ang taong masama, kapahamakan ang hantungan.

Psalm 1 in Tagalog

Psalm 1 in English