Ang YouVersion ay nagdiriwang ng 500 milyon na pag-install!

Ito ay nagsimula bilang katanungan.

“Paano kung maaaring magamit ng mga tao ang Biblia saan man sila magtungo?”

Noong 2008, ito ay naging YouVersion–isa sa mga 200 na libreng app sa App Store.

Ang pasimulang pagnanais na ang Banal na Kasulatan ay magamit ng lahat ng tao ay naging isang pandaigdigang kilusan ng mga taong nagnanais katagpuin ang Diyos sa araw-araw sa pamamagitan ng Kanyang Salita.

Bahagi ka ng kilusang ito…

… Kilusan na nailagay na sa kalahating bilyong mga aparato.

Isang kilusang naging posible sapagkat…

Ang Biblia ay BUHAY


Isang MALAKING bagay ang nangyayari.

Ang Diyos ay aktibong kumikilos sa pamamagitan ng YouVersion—at daan-daang milyong mga tao ang bahagi nito.

Sa tuwing may nag-i-install ng YouVersion, nagkakaroon sila ng agarang access sa isang Komunidad na nakasentro sa Biblia. Isang Pamayanang inaanyayahan ang Diyos na buuin ang kanilang buhay sa pamamagitan ng Banal na Kasulatan, Mga Gabay, at Panalangin.

T. Rushing

“Nang matuklasan ko ang [YouVersion], nag-aral, nagbasa ng Mga Gabay, at nakipag-ugnayan sa iba, napatuon ako sa kapangyarihan ng Diyos na dumadaloy sa YouVersion Community.”

T. Rushing


Ang Diyos ay hindi pa tapos.

Ngayon ay ating ipinagdiriwang ang 500 milyon na pag-install … ngunit hindi lamang natin iniisip ang mga nagawa ng Diyos, tayo ay umaasa rin sa Kanyang mga susunod pang gagawin.

Isipin isang araw sa hinaharap kung saan 1 bilyong tao ang nakapag-install ng YouVersion.

Ikaw ay maaaring makatulong upang maganap ito.

Ang pinakamahusay na paraan upang matulungan kaming ipagdiwang ang makasaysayang sandaling ito ay sa pamamagitan ng pagbabahagi ng YouVersion sa isang tao sa iyong buhay na hindi pa nababago ng Salita ng Diyos.

Milyun-milyong mga tao pa rin ang naghihintay na mabago ng Biblia, at ikaw ay perpektong nakaposisyon upang maabot ang ilan sa kanila. Hayaan ang Diyos na aktibong kumilos sa pamamagitan mo sa pamamagitan ng pag-anyaya sa ibang tuklasin na Ang Biblia ay Buhay.

Ibahagi ang YouVersion

Kapag ibinahagi mo ang YouVersion mula sa loob ng app, makakatanggap ka ng Ibahagi ang YouVersion Badge.

This post is also available in: Ingles Afrikaans Indonesian Aleman Espanyol Pranses Italyano Dutch Portuguese Romanian Russian Hapon Chinese (Simplified) Chinese (Traditional) Korean Polish Vietnamese