Salamat sa Diyos para sa mga Nanay ❤️

Ina yakap ang dalawang anak

Ipagdiwang ang mga nanay na nagbibigay inspirasyon sa iyo.

Sila ang mga babaeng walang-maliw na kumakalinga sa kanilang mga pamilya. Silang mga nagsasaayos ng mga listahan ng gagawin, magugulong silid, at minsan, mga bahay na wala nang tao. Sila ang mga babaeng nagtuturo nang may pagmamahal, at namumuno nang may habag. At sila ang mga babaeng palaging naririyan—kahit pa mahirap ang buhay.

Ipinapakita ng mga babaeng ito sa atin kung ano ang ibig sabihin ng pagiging isang Nanay. Sila ay karapat-dapat na mahalin, kilalanin, at ipagdiwang.

Ang araw na ito ay isang magandang araw upang sabihin sa isang nanay sa iyong buhay kung gaano mo siya pinahahalagahan. Gumugol ng isang sandali upang pasalamatan ang Diyos sa mga nanay na inilagay Niya sa buhay mo, at ibahagi ang espesyal na Bersikulong Larawang ito sa isang taong nagbibigay sa iyo ng inspirasyon.

Mga Kawikaan 31:29 Bersikulong Larawan

Ibahagi ang Bersikulong Larawan

Hanapin natin ang Diyos ng … sama-sama.

Ano ang hitsura ng paghahanap sa Diyos para sa iyo?

Ang paggugol ng regular na oras kasama ang Diyos ay hindi laging madali. Mabuti na lamang, hindi natin kailangang hanapin ang Diyos nang mag-isa—at hindi ito ang marapat para sa iyo. Pag-isipang mag-imbita ng iba na lumapit sa Diyos kasama ka sa pamamagitan ng pag-aaral ng Biblia nang magkasama.

Simulan lamang ang isang Gabay, piliin ang “Kasama ng mga Kaibigan,” at hanapin ang Diyos araw-araw kasama ang iyong mga pinagkakatiwalaan.

Nagsasama-sama ang lahat ng sumasampalataya at ang kanilang mga ari-arian ay para sa kanilang lahat.

MGA GAWA 2:44

Tuklasin ang Higit pang Mga Gabay

5 Mga Panalangin para sa Espirituwal na Paglago

Taong nananalangin

Ano ang hitsura ng espirituwal na paglago?

Ang malulusog na relasyon ay nangangailangan ng pagsisikap, mabubuting kaugalian, at panahon para sa pagsasama. Kung kaya’t nasasangkot sa pagiging ganap sa espiritu ang paglapit sa Diyos araw-araw.

Nasa ibaba ang limang mga panalangin na nakatuon sa iba’t-ibang mga landas patungo sa pagiging malapit sa Diyos. Habang binabasa ang mga ito, pumili ng isang aspeto kung saan ka magtutuon ng pansin ngayong linggong ito, at hayaang baguhin ka ng Diyos sa pamamagitan ng pagbabago ng paraan ng iyong pag-iisip.


Isang Panalangin para Mamuhay nang Bukas-palad

O, Diyos,

Kung wala Kayo, wala akong anuman. Ang bawat mabuti at perpektong kaloob ay nagmumula sa Inyo—ngunit kung minsan, tinitingnan ko ang mga kaloob na ibinigay Ninyo sa akin bilang isang bagay na nararapat lamang sa akin. Minsan natutukso akong itago ang aking kayamanan, oras, at mga mapagkukunan sa halip na ibahagi ang mga ito sa iba. Sa huli, alam kong ako ay pinagpala upang maging isang pagpapala—kaya’t mangyaring tulungan akong mahusay na pangasiwaan ang mga kaloob na ipinagkatiwala Ninyo sa akin. Gawin akong isang taong nabubuhay—at nagbibigay—nang bukas-palad.

Sa ngalan ni Jesus,
Amen.

I-save ang Panalangin


Isang Panalangin para sa Kapahingahan

O, Diyos,

Sa isang mundo na niluluwalhati ang pagiging abala, napakadaling punan ang aking oras ng mga bagay na hindi mahalaga. Kung hindi ako mag-iingat, mamamanhid ako o mapupundi dahil hindi ako lumilikha ng sapat na puwang upang makapagpahinga sa Inyong presensya araw-araw. Kailangan ko na mabago Ninyo ang paraan ng aking pag-iisip at pamumuhay. Kailangan ko na matulungan Ninyo na makagawa ng puwang para sa pamamahinga. Tulungan Ninyo akong lumapit sa Inyo araw-araw—nais ko lamang na makasama Kayo.

Sa ngalan ni Jesus,
Amen.

I-save ang Panalangin


Isang Panalangin para sa Pagbabasa ng Salita ng Diyos

O Diyos,

Salamat sa pagpapakita sa akin ng mga landas na patungo sa buhay. Lubos akong nagpapasalamat na maaari kong maranasan ang kagalakan sa Inyong presensya magpakailanman! Tulungan Ninyo akong mamuhay gaya ng nararapat sa mga tinawag Ninyo sa pamamagitan ng paggugol ng oras sa Inyong Banal na Salita. Hindi ko kailanman nais na makaligtaan na ang pagtatamo ng Banal na Kasulatan ay isang kaloob. Kaya’t mangyaring gawin akong sabik na basahin ang Inyong mga Salita. Ipakita ang Inyong kalooban sa akin habang gumugugol ako ng oras sa Inyong presensya. Turuan Ninyo ako ng Inyong Salita, na siyang katotohanan.

Sa ngalan ni Jesus,
Amen.

I-save ang Panalangin


Isang Panalangin para sa Paglilingkod

O Diyos,

Napakabait Ninyo sa akin. At nang isuko Ninyo ang Inyong Bugtong na Anak upang iligtas ako, binigyan Ninyo ako ng isang halimbawa ng mapagpakumbabang pagsunod. Salamat sa pagpapakita sa akin kung paano dapat maging tagapaglingkod na namumuno. Sa halip na gawin ang sarili kong kaparaanan, tulungan akong hanapin ang Inyo. Nais kong paglingkuran Kayo sa pamamagitan ng paglilingkod sa iba. Kaya’t baguhin Ninyo ang aking puso at tulungan akong mahalin ang iba nang totoo. Hubugin Ninyo ako sa isang taong itinuturing na higit ang iba kaysa sa aking sarili.

Sa ngalan ni Jesus,
Amen.

I-save ang Panalangin


Isang Panalangin para sa Pakikipag-usap sa Diyos

O, Diyos,

Minsan parang wala akong mga salitang dapat na ipanalangin. Hindi ko palaging alam kung ano ang sasabihin sa Inyo. Ano ang sasabihin ko sa isang perpekto sa lahat ng paraan? Mangyaring tulungan akong alalahanin na nais Ninyong makinig sa akin. Bigyan Ninyo ako ng kumpiyansa na sabihin ang nilalaman ng puso ko sa Inyo, ngunit tulungan Ninyo akong gawin ito nang may paggalang. At mangyaring hayaan ang mga matatapat na pag-uusap ay humantong sa aking mas malalim na pagkatakot, pagkamangha, at pagmamahal para sa Inyo. Ipakita sa akin kung paano makipag-usap sa Inyo, at pagkatapos ay gawin akong sabik na gawin ito nang palagian.

Sa ngalan ni Jesus,
Amen.

I-save ang Panalangin

Paano Tutuklasin ang Kalooban ng Diyos

Aguhon

Ano ang nais ng Diyos na gawin mo sa iyong buhay? Marahil may ideya ka kung saan ka Niya tinawag, ngunit gusto mo ng patunay. Marahil, hindi ka sigurado kung ano ang kalooban ng Diyos… o marahil, inaalam mo pa kung ano ang hitsura ng pagkakaroon ng isang personal na relasyon sa Diyos.

Sa huli, ang tanging paraan upang malaman ang kalooban ng Diyos ay ang paggugol ng panahon upang kilalanin Siya. Sa paglapit sa Diyos mas nagiging malinaw ang Kanyang patnubay. Kaya, paano natin ito gagawin?

Walang isang tamang paraan—ngunit may mga hakbang na maaari nating gawin na makatutulong.

Narito ang 4 na hakbang upang matulungan kang tuklasin ang kalooban ng Diyos:

Hanapin ang Diyos sa pamamagitan ng Panalangin

Isipin mo ang isang pakikipag-usap sa isang malapit na kaibigan kamakailan lamang. Kung matagal mo na silang kakilala, marahil alam mo na kung ano ang kanilang gusto at di-gusto kahit hindi mo sila tinatanong dahil habang mas malapit ka sa kanila mas nauunawaan mo sila.

Ganoon din ang ating relasyon sa Diyos. Ang pagkakilala sa kalooban ng Diyos ay nagmumula sa pagkakaroon ng mga tapat na pakikipag-usap sa Kanya. Ito ang dahilan kung bakit kailangan nating ugaliin ang pakikipag-usap sa Kanya nang madalas, tungkol sa lahat ng bagay.

Ang panalangin ay hindi lamang tungkol sa pagtatanong sa Diyos kung ano ang nais Niyang gawin natin—ito ay tungkol sa pagkilala kung sino ang Diyos.

Manalangin kasama Namin


Saliksikin ang Banal na Kasulatan

Ang kalooban ng Diyos para sa iyong buhay ay hindi kailanman sasalungat sa kung ano ang nakasulat sa Banal na Kasulatan. Kaya’t habang nakikilala mo ang Diyos sa pamamagitan ng pananalangin, pag-aralang mabuti ang Kanyang Salita.

Habang lalo kang nag-aaral ng Biblia, ang iyong mga naisin ay mas lalong sumasalamin sa kalooban ng Diyos. At kapag nangyari iyon, may tiwala mong mahihiling sa Diyos ang kahit ano—at didinggin ka Niya.


Makinig sa Banal na Espiritu

Ang pakikinig sa Banal na Espiritu ay madalas na nangangailangan ng pagpapatahimik ng ingay sa iyong paligid. Kapag naialis mo na ang mga nakakagambala at naitigil ang pagpansin sa mga takot, magsisimulang mapansin mo ang mapayapang presensiya ng Diyos sa iyong kasalukuyang kalagayan.

Kaya’t sa iyong pananalangin at pagsasaliksik sa Banal na Kasulatan, hingin sa Diyos na ihayag ang anumang saloobin na kailangan mong isuko, at iba pang bagay na kailangang pagtuunan ng pansin. Hayaan ang Banal na Espiritu na gabayan ka sa prosesong ito, at ilagay ito sa iyong isip: maaari mo pa ring maranasan ang kapayapaan ng Diyos kahit ikaw ay nakadarama ng alinlangan.


Humanap ng patunay mula sa mga taong may karunungan

Ang huling pasya ukol sa kalooban ng Diyos ay manggagaling sa Diyos, ngunit nakabubuti na maghanap ng mapagkakatiwalaang payo mula sa labas.

Ito ay marapat na ginagawa kasama ng mga nakaraang hakbang. Ang paghahanap ng matalinong payo ay dapat nagpapatunay sa kung ano ang nadarama mong sinasabi na ng Diyos na gawin mo—hindi dapat nito pinapalitan ang tuwirang pakikipag-usap sa Diyos.

Magdagdag ng Mga Kaibigan sa Iyong Bible App


Pagkatapos, ano na?

Maaring hindi mo ito makuha ng tama palagi, subalit habang lalo mo sinusubukang unawain ang kalooban ng Diyos, mas lalo itong nagiging madali. Sadya kang ginawa ng Diyos, at nais Niyang kasama kang makitang dumating ang Kanyang kaharian “sa lupa gaya ng sa langit.”

Kapag ang iyong mga hangarin ay umaayon sa mga hinahangad ng Diyos, mapagkakatiwalaan ka Niya na gawin kung ano ang tama. Ang pagsunod sa mga hakbang na ito ay makakatulong sa iyo na gawin iyon, ngunit ito ay isang panghabang-buhay na pananagutan kasabay ang paghahanap mo sa Diyos araw-araw.

FacebookIbahagi sa Facebook

TwitterIbahagi sa Twitter

EmailIbahagi sa pamamagitan ng Email

Nais naming ibahagi ang aming mga pagpapala.

Mundo

Biblia para
sa Lahat

“Ang Diyos ay nagdadala ng kahima-himalang paglago…”

Kung ikaw ay bahagi ng Komunidad ng YouVersion, alam mong ginagawa namin ang lahat para matulungan kang hanapin ang Diyos sa araw- araw.

Kung pinasisigla ka man ng Panalangin, Mga Gabay, Bersikulo ng Araw — o anupaman — lahat ng ginagawa namin ay nakasentro sa Salita ng Diyos.

Ngunit paano kung wala kang Biblia?

Halos isang bilyong tao ang wala nito. Hindi ito simpleng usapin ng pagpapadala ng mga Biblia sa kanila. Ang Biblia ay literal na wala sa kanilang katutubong wika … sa ngayon. Ngunit maari kang makatulong para baguhin iyon.

Ang ilan sa atin ang siyang nagtatanim ng katotohanan ng Diyos, sa buong mundo. Ang iba ay ang nagdidilig ng itinanim. Ngunit kakailanganin tayong lahat, na nagtutulungan, upang matiyak na ang Kanyang Salita ay makakarating sa lahat.

Tulungan kaming maisalin ang Salita ng Diyos
sa bawat wika pagsapit ng

2033

Ang aming Pangitain para sa 2033

95% ng populasyon sa mundo
ay magkakaroon ng buong Biblia

99.9% ay magkakaroon kahit
papaano ng Bagong Tipan

100% ay magkakaroon kahit papaano ng
isang bahagi ng Banal na Kasulatan

100 sa pinakamadalas na gamitin sa mundo
na wikang nasusulat ay magkakaroon ng
hindi bababa sa 2 salin sa Biblia

“Ngunit ako ay 1 tao lamang…”

Gayunpaman, kung ano ang pipiliin mong gawin sa sandaling ito ay maaaring makaapekto sa milyong tao:

Sa 4 na taon,
higit 3.7 milyong dolyar
ang naiambag,
para sa 27 milyong katao
sa 16 na mga bansa.

Ngayong alam mo na …
ano ang iyong gagawin?

Magbigay sa Biblia para sa Lahat

3 Paraan Para Makatulong

Icon ng Ibahagi

Ibahagi

Maaari mong ibahagi ang blog post na ito sa iyong mga kaibigan sa social media upang ipalaganap.

Icon ng Panalangin

Manalangin

I-save ang espesyal na panalanging ito sa iyong Bible App, at samahan kami sa pagdarasal para sa mga tagasalin ng Biblia na nagtatrabaho na upang matupad ang layuning ito.

Icon ng Pagbibigay

Magbigay

Dalhin natin ang Salita ng Diyos sa bawat bansa at bawat wika. Sumali sa pagkilos na ito ng Diyos, at tuparin natin ang pangitain na makarating ang Biblia para sa Lahat.1

Magbigay Ngayon

FacebookIbahagi sa Facebook

TwitterIbahagi sa Twitter

EmailIbahagi sa pamamagitan ng Email

Mga Tala

1 Lahat ng mga ambag na natanggap sa pamamagitan ng kampanya ng Biblia para sa Lahat ay gagamitin lamang para sa layunin ng pagsasalin ng Biblia, at ikakalat sa iba’t-ibang mga proyekto sa pagsasalin na may malalaking epekto. Sa pagtatapos ng bawat proyekto, ang anumang natitirang mga pondo ay gagamitin sa susunod na proyekto sa pagsasalin na napili ng YouVersion at mga kasosyo nito.