Kung nais mong makipag-usap sa Diyos ngunit hindi mo alam kung ano ang sasabihin, makakatulong ang Gabay sa Panalangin upang makapagsimula ka.
Subukan ang Gabay sa Panalangin
Anong sinasabi mo sa Diyos?
Noong 2020, inilunsad natin ang Panalangin sa YouVersion: isang tampok na sinadya upang matulungan kang magkaroon ng matapat na pakikipag-usap sa Diyos at sa pamayanan. Ngayon, maaari pang maging mas malalim ang relasyon mo sa Diyos sa iyong personal na mga oras ng pagninilay-nilay sa pinakabagong karanasan sa Panalangin sa YouVersion: Gabay sa Panalangin.
Gamit ang Panalangin ng Panginoon bilang isang modelo, ang Gabay sa Panalangin ay nagbibigay ng pang-araw-araw na mga pag-uudyok na makakatulong sa iyong magnilay-nilay sa Banal na Kasulatan, lumapit sa Diyos, at makipag-usap sa Kanya tungkol sa kung ano ang nasa iyong isip:
“Ama naming nasa langit, sambahin nawa ang iyong pangalan…”
PARANGALAN ANG DIYOS
Pakinggan mo, O Israel: Si Yahweh na ating Diyos ang tanging Yahweh.
Basahin muli ang talatang ito, at isipin kung ano ang ibig sabihin ng personal na makilala ng nag-iisa at totoong Diyos. Manatili sa talatang ito ng ilang minuto, at parangalan ang Diyos sa pamamagitan ng iyong oras.
“Bigyan mo kami ngayon ng aming pagkain sa araw-araw…”
ANG MGA ALALAHANIN KO
Makipag-usap ka sa Diyos tungkol sa iyong pangangailangan. Pagkatapos, isaalang-alang mong idagdag ang mga bagay na ito sa iyong Listahan ng Panalangin.
“At huwag mo kaming hayaang matukso, kundi iligtas mo kami sa Masama…”
ANG PANGANGALAGA NG DIYOS
O Diyos, walang imposible para sa Iyo. Walang karamdamang hindi Ninyo magagamot, walang sakit na hindi Ninyo mapapagaling, at walang laban na hindi Ninyo maipapanalo. Kaya ngayon, humihiling ako sa Inyo na protektahan at palakasin ako. Kailangan ko Kayo na pumarito sa buhay ko. Mangyaring gawin Ninyo ang tanging Kayo lamang ang makagagawa. Sa pangalan ni Jesus, Amen.
Ang Gabay sa Panalangin ay magagamit
na ngayon sa loob ng iyong
YouVersion Bible App.